×

Ми використовуємо файли cookie, щоб зробити LingQ кращим. Відвідавши сайт, Ви погоджуєтесь з нашими правилами обробки файлів «cookie».

image

Mga Piyesta ng Filipino (Filipino Holidays), 2: Pasko (Christmas Day)

2: Pasko (Christmas Day)

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... ... ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.

Alam niyo ba kung ano ang pinakamakulay at pinakamasayang panahon sa Pilipinas?

Siyempre, ang Pasko!

Sinabi kong 'panahon' sapagkat ang Pasko sa Pilipinas ay ipinagdiriwang hindi lamang sa loob ng isang araw, kundi sa loob ng 3-4 na buwan!

Mula Setyembre hanggang Enero ay mararamdaman mo ang Pasko sa buong bansa, kaya naman kinikilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng pinakamahabang Pasko sa buong mundo!

Sa lesson na ito, malalaman natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Pasko ...

- Alam niyo ba kung ano ang tradisyon ng Secret Santa?

Ano pa ang ibang tawag ng mga Pilipino sa tradisyon na ito?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.

Bago ang mismong araw ng Pasko, maraming paghahanda ang ginagawa ng mga Katolikong Pilipino.

Ang Misa de Gallo na kilala rin bilang Simbang Gabi ay isang nobena ng siyam na misang ginagawa mula ika-16 hanggang ika-24 ng Disyembre.

Ang misang ito ay ipinagdiriwang ng sunud-sunod sa loob ng siyam na araw, karaniwang ginaganap mula alas singko ng umaga, ngunit may mga misang ginaganap ng kasing aga ng alas tres ng umaga.

Maraming Pilipino ang nagsisipag at nagsisikap na makabuo ng Misa de Gallo o Simbang Gabi.

Pinaniniwalaang kung ikaw ay makakakumpleto ng Simbang Gabi, maari kang humiling at ito ay magkakatotoo.

Sa Bisperas ng Araw ng Pasko naman, karaniwang nagpupunta ang mga Pilipino sa simbahan para sa Misa de Aguinaldo.

Ito ay madalas na ginagawa sa ika-24 ng Disyembre sa pagitan ng alas diyes ng gabi at hatinggabi.

Paminsan-minsan mayroong mga dula na ipinapaloob sa misa na tungkol sa kapanganakan ng sanggol na Hesus.

Ang ibang mga Pilipino ay nagsisimba sa araw na mismo ng Pasko.

Gaya ng ibang mga pagdiriwang at kasiyahang mayroon sa Pilipinas, hindi mawawala ang party, pagkain, at ang itinuturing na pinaka-importante sa lahat, ang pamilya.

Sa pagsalubong sa Araw ng Pasko, nagtitipon ang bawat pamilya.

Sa Pilipinas, karaniwan ang malalaking pamilya, kaya naman talagang masigla at maingay ang pagdiriwang ng Pasko.

Sa pagtitipong ito, sila'y nagsasama para sa pagkain ng Noche Buena.

Karaniwang kasama sa handaang ito ang queso de bola, tsokolate, fruit salad, hamon, at paminsan pati lechon.

Ito rin ang panahon kung saan nagbibigayan at nagbubukas ng mga regalo ang mga tao ...

Kahit saan ka pa pumunta, may maririnig kang mga Christmas Carols.

Kapalit ng ilang barya, madalas makakarinig ng karoling mula sa mga batang may mga dalang tanso, kutsara't tinidor o kahit anong gamit sa bahay na maaring gumawa ng tunog.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.

- Alam niyo ba kung ano ang tradisyon ng Secret Santa?

Ano pa ang ibang tawag ng mga Pilipino sa tradisyon na ito?

Sa Pilipinas tinatawag ang Secret Santa ng 'Monito/Monita', at siyempre hindi alam ng tatanggap ng regalo kung sino ang nakabunot sa kanya.

Tinatawag din ito sa iba pang mga pangalan, gaya ng 'Kris Kringle' at ginagawa sa mga Christmas party ng mga magkakaibigan, magkakaklase, o magkakatrabaho.

Kamusta ang lesson na ito?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan?

May sarili rin ba kayong bersyon ng Secret Santa?

Ano ang tawag niyo dito?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

2: Pasko (Christmas Day) Christmas Day|Christmas Day| 2: Weihnachtstag Christmas Day 2: Día de Navidad 2 : le jour de Noël

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin? - Do you want to speak real Filipino from the first lesson?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... ... ... - Sign up for your free lifetime account at FilipinoPod101.com ... ... ... ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica. Hello everyone, I'm Erica.

Alam niyo ba kung ano ang pinakamakulay at pinakamasayang panahon sa Pilipinas? ||||||most colorful||happiest|season|in the| Do you know what is the most colorful and happiest time in the Philippines?

Siyempre, ang Pasko! Of course|| Of course, Christmas!

Sinabi kong '__panahon'__ sapagkat ang Pasko sa Pilipinas ay ipinagdiriwang hindi lamang sa loob ng isang araw, kundi sa loob ng 3-4 na buwan! |||||||||celebrated||||||||but rather||||| I said time because Christmas in the Philippines is celebrated not only for one day, but for 3-4 months!

Mula Setyembre hanggang Enero ay mararamdaman mo ang Pasko sa buong bansa, kaya naman kinikilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng pinakamahabang Pasko sa buong mundo! |September||||feel|||||entire||||recognized as having||||||longest|||| From September to January you can feel Christmas all over the country, which is why the Philippines is known for having the longest Christmas in the world!

Sa lesson na ito, malalaman natin kung paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Pasko ... ||||we will learn|we|how|how|celebrate||||| In this lesson, we will learn how Filipinos celebrate Christmas.

**- Alam niyo ba kung ano ang tradisyon ng Secret Santa?** ||||||||Secret|Secret Santa Do you know what the Secret Santa tradition is?

Ano pa ang ibang tawag ng mga Pilipino sa tradisyon na ito? What else do Filipinos call this tradition?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. |||||end|||| We will tell the answer at the end of this video.

Bago ang mismong araw ng Pasko, maraming paghahanda ang ginagawa ng mga Katolikong Pilipino. ||exact day of|||||preparations|||||Catholic| Before Christmas itself, Filipino Catholics do a lot of preparations.

Ang Misa de Gallo na kilala rin bilang Simbang Gabi ay isang nobena ng siyam na misang ginagawa mula ika-16 hanggang ika-24 ng Disyembre. |Mass|of the|Rooster||known|||Night Mass||||novena||||masses|||"the"|until|||December Misa de Gallo also known as Simbang Gabi is a novena of nine masses performed from December 16th to 24th.

Ang misang ito ay ipinagdiriwang ng sunud-sunod sa loob ng siyam na araw, karaniwang ginaganap mula alas singko ng umaga, ngunit may mga misang ginaganap ng kasing aga ng alas tres ng umaga. ||||celebrated||consecutive|in a row||||nine|||usually|held||||||||||||as early as|early|||three o'clock|| This mass is celebrated consecutively for nine days, usually from five in the morning, but some masses are held as early as three in the morning.

Maraming Pilipino ang nagsisipag at nagsisikap na makabuo ng Misa de Gallo o Simbang Gabi. |||work hard||striving||complete||||||| Many Filipinos work hard and try to come up with a Misa de Gallo or Simbang Gabi.

Pinaniniwalaang kung ikaw ay makakakumpleto ng Simbang Gabi, maari kang humiling at ito ay magkakatotoo. Believed that if||||can complete||||"you can"||make a wish||||will come true It is believed that if you can complete Simbang Gabi, you can make a wish and it will come true.

Sa Bisperas ng Araw ng Pasko naman, karaniwang nagpupunta ang mga Pilipino sa simbahan para sa Misa de Aguinaldo. |||||||usually||||||church|||||Christmas gift On Christmas Eve, Filipinos usually go to church for the Aguinaldo Mass.

Ito ay madalas na ginagawa sa ika-24 ng Disyembre sa pagitan ng alas diyes ng gabi at hatinggabi. ||||||||||between||at 1|ten o'clock||||midnight This is usually done on the 24th of December between ten o'clock in the evening and midnight.

Paminsan-minsan mayroong mga dula na ipinapaloob sa misa na tungkol sa kapanganakan ng sanggol na Hesus. ||||plays||incorporated into||mass||about||birth||baby Jesus||baby Jesus Occasionally there are plays included in the mass about the birth of the baby Jesus.

Ang ibang mga Pilipino ay nagsisimba sa araw na mismo ng Pasko. |||||go to church||||exact day|| Other Filipinos go to church on Christmas day itself.

Gaya ng ibang mga pagdiriwang at kasiyahang mayroon sa Pilipinas, hindi mawawala ang party, pagkain, at ang itinuturing na pinaka-importante sa lahat, ang pamilya. Like||||||festivities|||||will not disappear|||||the|considered as||most||||| Like other celebrations and festivities in the Philippines, the party, food, and what is considered the most important of all, the family will not be missing.

Sa pagsalubong sa Araw ng Pasko, nagtitipon ang bawat pamilya. In welcoming Christmas Day, every family gathers.

Sa Pilipinas, karaniwan ang malalaking pamilya, kaya naman talagang masigla at maingay ang pagdiriwang ng Pasko. ||||||||really|lively||||celebration|| In the Philippines, large families are common, which is why the Christmas celebration is really lively and noisy.

Sa pagtitipong ito, sila'y nagsasama para sa pagkain ng Noche Buena. |gathering||they are|come together||||||Christmas Eve feast In this gathering, they come together for the Noche Buena meal.

Karaniwang kasama sa handaang ito ang queso de bola, tsokolate, fruit salad, hamon, at paminsan pati lechon. |||feast or gathering|||cheese|||chocolate drink|fruit salad||ham|||even|roast pig This meal usually includes queso de bola, chocolate, fruit salad, ham, and sometimes even lechon.

Ito rin ang panahon kung saan nagbibigayan at nagbubukas ng mga regalo ang mga tao ... this||||||giving gifts||opening|||||| It is also the time when people give and open gifts.

Kahit saan ka pa pumunta, may maririnig kang mga Christmas Carols. ||||||||||Christmas songs No matter where you go, you will hear Christmas Carols.

Kapalit ng ilang barya, madalas makakarinig ng karoling mula sa mga batang may mga dalang tanso, kutsara't tinidor o kahit anong gamit sa bahay na maaring gumawa ng tunog. |||coins||will hear||caroling||||children|||carrying|copper coins|spoon and|||||||||can possibly|||sound In exchange for a few coins, you can often hear a caroling from children who carry copper, spoons and forks or any household item that can make a sound.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. And now, I will give the answer to the question earlier.

**- Alam niyo ba kung ano ang tradisyon ng Secret Santa?** Do you know what the Secret Santa tradition is?

Ano pa ang ibang tawag ng mga Pilipino sa tradisyon na ito? What else do Filipinos call this tradition?

Sa Pilipinas tinatawag ang Secret Santa ng '__Monito/Monita__', at siyempre hindi alam ng tatanggap ng regalo kung sino ang nakabunot sa kanya. |||||||Gift exchange partner|Secret Santa recipient||||||recipient||||||picked their name|| In the Philippines, the Secret Santa is called Monito/Monita, and of course the recipient of the gift does not know who drew it.

Tinatawag din ito sa iba pang mga pangalan, gaya ng '__Kris Kringle__' at ginagawa sa mga Christmas party ng mga magkakaibigan, magkakaklase, o magkakatrabaho. ||||||||||Secret Santa|Secret Santa game||||||||||classmates||work colleagues It is also called by other names, such as Kris Kringle and is made at Christmas parties by friends, classmates, or coworkers.

Kamusta ang lesson na ito? How was this lesson?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan? Did you learn something interesting?

May sarili rin ba kayong bersyon ng Secret Santa? |||||version||| Do you also have your own version of Secret Santa?

Ano ang tawag niyo dito? What do you call it?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Leave a comment on FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson! "Until"|||| Until the next lesson!