×

我们使用cookies帮助改善LingQ。通过浏览本网站,表示你同意我们的 cookie 政策.


image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), ANG MATALINONG PRINSIPE (SMARTY PRINCE) | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

ANG MATALINONG PRINSIPE (SMARTY PRINCE) | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

Ang Matalinong Prinsipe

Kwento ni Sarah Albee

Iginuhit ni George Ulrich

(MUSIC)

Clip-clop, clip-clop, clip-clop.

Isang matalinong prinsipe ang nakasakay sa kanyang kabayo na dumaan sa kagubatan isang araw,

nang may isang pirasong papel ang lumutang sa hangin at napadpad sa kanyang mga kamay.

"Hark!" Sinabi niya, pigil ang kanyang mapagkakatiwalaang kabayo

at pinag-aralan ang nakasulat sa papel.

Ito ay puno ng mga kalkulasyon ng matematika.

"Ano ito?" buong pagtataka nya.

Ang papel ay tila nagmula sa isang maliit na bintana sa tuktok ng isang napakataas na tore.

"Meron sigurong tao na nakakulong sa tore na iyon," naisip ng prinsipe.

"Marahil ito ay isang matalinong prinsesa, at sinisikap niyang kalkulahin kung paano bumaba. "

Tumalon siya mula sa kanyang kabayo.

"Dapat kong iligtas ang binibini na iyon! "sabi niya.

Tinitigan niya ang bintana.

"Ngunit isang malaking hamon ang umakyat sa mataas na tore. "

Sa kabutihang-palad, gusto nang prinsipe ang mga bagay na mapang-hamon.

Pagkatapos isulat ang sariling matematikong kalkulasyon sa kanyang maliit na kuwaderno,

isinara ito at hinalungkat ang bag ng kanyang kabayo.

"Aha!" Sinabi niya, habang kinuha niya ang ilang mga gomang pambomba sa inidoro.

"Ito ang mga bagay na kailangan ko!"

Splonk! Splonk! Splonk!

Umusad paakyat ang prinsipe,

maingat na pinagsasalitan ang mga pambombang goma paakyat sa tuktok ng tore.

Ngunit sa kalahatian, na-daan siya sa isang parte na merong madulas na lumot.

Pffffffffffff fttt!

Dumulas siya pababa, at lumagapak sa ilalim.

Ang prinsipe ay hindi ang uri ng tao na madaling sumuko.

Minsan pa, nag-sulat siya ng ilang kalkulasyon sa

kanyang kuwaderno at pagkatapos ay hinalungkat ulit ang kanyang bag.

"Aha!" Sabi niya, at kinuha niya ang isang martilyo at mga pako.

Tapos siya ay nangalap ng ilang mga tablang kahoy na nakahilig sa ibaba ng tore.

Ang prinsipe ay nagsimulang gumawa ng ilang mga hakbang na hagdan pataas sa gilid ng tore.

Paakyat ng paakyat ang prinsipe,

minamartilyo ang bawat bagong tablang hagdan.

Ngunit noong siya ay nasa ikatlong bahagi na ng pataas, nasira ang kanyang plano.

Naubos na ang mga tablang kahoy.

Sa isang malalim na buntong-hininga, ang prinsipe ay napilitan na bumaba pabalik,

habang inaalis ang kanyang hindi nagtagumpay na hagdanan.

Wala man lang pag-aalala,

ang matalinong prinsipe ay nag-isip ng nag-isip at pagkatapos ay nag-isip muli.

Ang kanyang kabayo ay umiling-iling at nag-ingay.

Nagbigay ito ng ideya sa prinsipe!

Siya ay kumuha ng lubid mula sa bag at itinali ito sa dulo ng isang bato.

Pagkatapos ay inihagis ang bato pataas sa ibabaw ng sanga ng isang mataas na puno.

Tinanggal ang pagkakatali sa bato at itinali ito sa kanyang kabayo.

Iyong kabilang dulo ng lubid ay itinali sa kanyang sariling baywang.

"Dyan ka lang," ang sabi niya,

habang binigyan ang kanyang mapagkakatiwalaang kabayo ng isang magaan na tapik sa pigi.

Sa kabutihang-palad, ito ay isang napaka-talinong kabayo.

Nagsimula itong lumayo mula sa puno.

Ang lubid ay nabatak, at ang prinsipe ay itinaas, hanggang sa itaas ng bintana.

"Uh, hello!" tawag ng prinsipe nang narating niya ang bintana.

Isang magandang prinsesa ang nakaupo sa isang mesa, nagsusulat sa isang pirasong papel.

Tumingala siya upang tignan kung sino ang nagsasalita.

Ang prinsipe ay ngumiti at yumukod bilang bigay galang,

o yumukod kahit siya ay nakabitin mula sa isang mataas na lubid galing sa ibaba.

Natagpuan ko ang iyong kawili-wiling kalkulasyon," sabi ng prinsipe,

hawak ang nalukot nang piraso ng papel para makita ng prinsesa.

"Ako ay isang matalinong prinsipe.

Matutulungan mo ba akong umakyat dito sa bintana? " tanong niya.

Bagaman lubos na nagulat, inilahad ng prinsesa ang kanyang kamay at

tinulungang hatakin ang nakabitin na prinsipe.

Tinanggal niya ang lubid at pinagpagan ang kanyang sarili.

"Ako ay dumating upang iligtas ka, makatarungang prinsesa at iyon ay,"

Sinabi niya, iniluhod ang isang tuhod, "Umaasa ako na pakakasalan mo ako."

Ang prinsesa ay lubhang nalito.

"Paano ko pakakasalan ang isang taong kakikilala ko lang?

Siguro, maaari tayong bumaba dito sa tore at pumunta sa palasyo ng aking ama.

Maaari nating makilala ang bawat isa sa laro ng badminton at sa ilang mga baso ng gatas."

Ang prinsipe, na tulad ng alam ng lahat, ay nagustuhan ang hamon, nagsulat at sabik na tumayo.

"Siyempre," sabi niya sa isang yukod.

"Bago muna ang lahat."

Binuklat niya ang kanyang maliit na kuwaderno at,

wala sa isip na nginuya ang pambura sa dulo ng kanyang lapis.

"Ano ba ang ginagawa mo sa kuwaderno na iyan?" tanong ng prinsesa.

Ang prinsipe ay tumingin mula sa kanyang mga kalkulasyon.

"Pinag-aaralan ko kung ano ang pinakamahusay na paraan

upang makababa ka mula sa mataas na tore na ito, mahal na prinsesa, "sabi niya.

" Halos nakuha ko na.

Tinatanggap ko bilang isang hamon. "

Ang prinsesa ay nasamid kunwari.

" Hindi ko kailangan na mailigtas, salamat na rin, "sabi niya."

Gusto ko rito sa itaas ng tore.

Dito ako gumagawa ng aking araling-pambahay.

Bukod diyan, upang bumaba, ang kailangan lang nating gawin ay....."

".....sumakay sa elebeytor."

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

ANG MATALINONG PRINSIPE (SMARTY PRINCE) | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES DER SMARTE PRINZ (SMARTY PRINCE) | KINDERBUCH IN TAGALOG MIT ENGLISCHEN/TAGALOG-UNTERTITELN THE SMART PRINCE (SMARTY PRINCE) | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

Ang Matalinong Prinsipe The Wise Prince

Kwento ni Sarah Albee Story by Sarah Albee

Iginuhit ni George Ulrich Drawn by George Ulrich

(MUSIC) (MUSIC)

Clip-clop, clip-clop, clip-clop. Clip-clop, clip-clop, clip-clop.

Isang matalinong prinsipe ang nakasakay sa kanyang kabayo na dumaan sa kagubatan isang araw, A wise prince rode his horse through the forest one day,

nang may isang pirasong papel ang lumutang sa hangin at napadpad sa kanyang mga kamay. when a piece of paper floated in the air and landed in his hands.

"Hark!" Sinabi niya, pigil ang kanyang mapagkakatiwalaang kabayo "Hark!" He said, reining in his trusty steed

at pinag-aralan ang nakasulat sa papel. and studied what was written on the paper.

Ito ay puno ng mga kalkulasyon ng matematika. It is full of mathematical calculations.

"Ano ito?" buong pagtataka nya. "What is this?" he was completely surprised.

Ang papel ay tila nagmula sa isang maliit na bintana sa tuktok ng isang napakataas na tore. The paper seemed to come from a small window at the top of a very tall tower.

"Meron sigurong tao na nakakulong sa tore na iyon," naisip ng prinsipe. "There must be someone imprisoned in that tower," thought the prince.

"Marahil ito ay isang matalinong prinsesa, at sinisikap niyang kalkulahin kung paano bumaba. " "Perhaps this is a clever princess, and she is trying to calculate how to get off."

Tumalon siya mula sa kanyang kabayo. He jumped from his horse.

"Dapat kong iligtas ang binibini na iyon! "sabi niya. "I must save that young lady!" he said.

Tinitigan niya ang bintana. He stared at the window.

"Ngunit isang malaking hamon ang umakyat sa mataas na tore. " "But it's a big challenge to climb the high tower."

Sa kabutihang-palad, gusto nang prinsipe ang mga bagay na mapang-hamon. Fortunately, the prince likes challenging things.

Pagkatapos isulat ang sariling matematikong kalkulasyon sa kanyang maliit na kuwaderno, After writing his own mathematical calculations in his little notebook,

isinara ito at hinalungkat ang bag ng kanyang kabayo. closed it and rummaged through his horse's bag.

"Aha!" Sinabi niya, habang kinuha niya ang ilang mga gomang pambomba sa inidoro. "Aha!" He said, as he grabbed some rubber bombs from the toilet.

"Ito ang mga bagay na kailangan ko!" "These are the things I need!"

Splonk! Splonk! Splonk! Splonk! Splonk! Splonk!

Umusad paakyat ang prinsipe, The prince advanced upward,

maingat na pinagsasalitan ang mga pambombang goma paakyat sa tuktok ng tore. carefully talking the rubber bombs up to the top of the tower.

Ngunit sa kalahatian, na-daan siya sa isang parte na merong madulas na lumot. But halfway, he passed through a part with slippery moss.

Pffffffffffff fttt! Pffffffffff fttt!

Dumulas siya pababa, at lumagapak sa ilalim. He slid down, and landed on the bottom.

Ang prinsipe ay hindi ang uri ng tao na madaling sumuko. The prince is not the type of person to give up easily.

Minsan pa, nag-sulat siya ng ilang kalkulasyon sa Once more, he wrote some calculations on

kanyang kuwaderno at pagkatapos ay hinalungkat ulit ang kanyang bag. his notebook and then rummaged through his bag again.

"Aha!" Sabi niya, at kinuha niya ang isang martilyo at mga pako. "Aha!" He said, and he took a hammer and nails.

Tapos siya ay nangalap ng ilang mga tablang kahoy na nakahilig sa ibaba ng tore. Then he gathered some wooden planks leaning at the bottom of the tower.

Ang prinsipe ay nagsimulang gumawa ng ilang mga hakbang na hagdan pataas sa gilid ng tore. The prince began to take a few steps up the side of the tower.

Paakyat ng paakyat ang prinsipe, The prince climbed higher and higher,

minamartilyo ang bawat bagong tablang hagdan. hammering each new plank of stairs.

Ngunit noong siya ay nasa ikatlong bahagi na ng pataas, nasira ang kanyang plano. But when he was about a third of the way up, his plan fell apart.

Naubos na ang mga tablang kahoy. The wooden planks are gone.

Sa isang malalim na buntong-hininga, ang prinsipe ay napilitan na bumaba pabalik, With a deep sigh, the prince was forced to descend back,

habang inaalis ang kanyang hindi nagtagumpay na hagdanan. while removing his unsuccessful ladder.

Wala man lang pag-aalala, No worries at all,

ang matalinong prinsipe ay nag-isip ng nag-isip at pagkatapos ay nag-isip muli. the wise prince thought a thought and then thought again.

Ang kanyang kabayo ay umiling-iling at nag-ingay. His horse shook its head and neighed.

Nagbigay ito ng ideya sa prinsipe! This gave the prince an idea!

Siya ay kumuha ng lubid mula sa bag at itinali ito sa dulo ng isang bato. He took a rope from the bag and tied it to the end of a rock.

Pagkatapos ay inihagis ang bato pataas sa ibabaw ng sanga ng isang mataas na puno. Then the stone was thrown up over the branch of a tall tree.

Tinanggal ang pagkakatali sa bato at itinali ito sa kanyang kabayo. The stone was untied and tied to his horse.

Iyong kabilang dulo ng lubid ay itinali sa kanyang sariling baywang. The other end of the rope was tied around his own waist.

"Dyan ka lang," ang sabi niya, "You're right there," he said,

habang binigyan ang kanyang mapagkakatiwalaang kabayo ng isang magaan na tapik sa pigi. while giving his trusty steed a light pat on the rump.

Sa kabutihang-palad, ito ay isang napaka-talinong kabayo. Luckily, this is a very smart horse.

Nagsimula itong lumayo mula sa puno. It started to move away from the tree.

Ang lubid ay nabatak, at ang prinsipe ay itinaas, hanggang sa itaas ng bintana. The rope was stretched, and the prince was raised, up to the top of the window.

"Uh, hello!" tawag ng prinsipe nang narating niya ang bintana. "Uh, hello!" called the prince when he reached the window.

Isang magandang prinsesa ang nakaupo sa isang mesa, nagsusulat sa isang pirasong papel. A beautiful princess is sitting at a table, writing on a piece of paper.

Tumingala siya upang tignan kung sino ang nagsasalita. He looked up to see who was speaking.

Ang prinsipe ay ngumiti at yumukod bilang bigay galang, The prince smiled and bowed in respect,

o yumukod kahit siya ay nakabitin mula sa isang mataas na lubid galing sa ibaba. or bow down even though he is hanging from a high rope from below.

Natagpuan ko ang iyong kawili-wiling kalkulasyon," sabi ng prinsipe, I find your calculation interesting," said the prince,

hawak ang nalukot nang piraso ng papel para makita ng prinsesa. holding the crumpled piece of paper for the princess to see.

"Ako ay isang matalinong prinsipe. "I am a wise prince.

Matutulungan mo ba akong umakyat dito sa bintana? " tanong niya. Can you help me climb up here through the window? " he asked.

Bagaman lubos na nagulat, inilahad ng prinsesa ang kanyang kamay at Although completely surprised, the princess held out her hand and

tinulungang hatakin ang nakabitin na prinsipe. helped drag the hanging prince.

Tinanggal niya ang lubid at pinagpagan ang kanyang sarili. He removed the rope and covered himself.

"Ako ay dumating upang iligtas ka, makatarungang prinsesa at iyon ay," "I have come to save you, fair princess and that is,"

Sinabi niya, iniluhod ang isang tuhod, "Umaasa ako na pakakasalan mo ako." He said, getting down on one knee, "I hope you'll marry me."

Ang prinsesa ay lubhang nalito. The princess was very confused.

"Paano ko pakakasalan ang isang taong kakikilala ko lang? "How can I marry someone I just met?

Siguro, maaari tayong bumaba dito sa tore at pumunta sa palasyo ng aking ama. Maybe, we can come down from the tower and go to my father's palace.

Maaari nating makilala ang bawat isa sa laro ng badminton at sa ilang mga baso ng gatas." We can get to know each other over a game of badminton and a few glasses of milk."

Ang prinsipe, na tulad ng alam ng lahat, ay nagustuhan ang hamon, nagsulat at sabik na tumayo. The prince, as everyone knows, liked the challenge, wrote and was eager to stand.

"Siyempre," sabi niya sa isang yukod. "Of course," he said with a bow.

"Bago muna ang lahat." "Everything is new first."

Binuklat niya ang kanyang maliit na kuwaderno at, He opened his little notebook and,

wala sa isip na nginuya ang pambura sa dulo ng kanyang lapis. mindlessly chewing the eraser on the end of his pencil.

"Ano ba ang ginagawa mo sa kuwaderno na iyan?" tanong ng prinsesa. "What are you doing with that notebook?" asked the princess.

Ang prinsipe ay tumingin mula sa kanyang mga kalkulasyon. The prince looked up from his calculations.

"Pinag-aaralan ko kung ano ang pinakamahusay na paraan "I'm studying what's the best way

upang makababa ka mula sa mataas na tore na ito, mahal na prinsesa, "sabi niya. so you can come down from this high tower, dear princess," he said.

" Halos nakuha ko na. "I almost got it.

Tinatanggap ko bilang isang hamon. " I accept as a challenge. "

Ang prinsesa ay nasamid kunwari. The princess was surprised.

" Hindi ko kailangan na mailigtas, salamat na rin, "sabi niya." "I don't need to be saved, thank you," he said.

Gusto ko rito sa itaas ng tore. I like it here at the top of the tower.

Dito ako gumagawa ng aking araling-pambahay. This is where I do my homework.

Bukod diyan, upang bumaba, ang kailangan lang nating gawin ay....." Besides that, to get down, all we have to do is...”

".....sumakay sa elebeytor." ".....take the elevator."