×

我們使用cookies幫助改善LingQ。通過流覽本網站,表示你同意我們的 cookie 政策.

image

Tagalog for Beginners (An introduction to Filipino), 14.5 Pagbabasa - Ang Maynila

14.5 Pagbabasa - Ang Maynila

Ang pinakalumang Maynila, ay ang Maynila ng mga Tagalog, at ang pangalan ng lugar ay galing sa mga salitang “may nila.” Ang ibig sabihin, mayroon silang “nila,” isang uri ng halaman.

Ito ang Maynila ng mga Tagalog at ng mga pinuno nilang sina Rajah Sulayman at Rajah Matanda. Ito rin ang Maynila na sinakop ng Borneo at ng mga Muslim. Ito ang Maynila na nakilala para sa kanyang dagat, ang Manila Bay, at sa kanyang ilog, ang Pasig.

Noong 1570, sinakop ito ng mga Kastila, sa pamumuno ni Miguel Lopez de Lagazpi. Itinayo nila ang isang “walled city” o lungsod na napapalibutan ng pader, ang Intramuros. Galing ang pangalan nito sa wikang Latin: intra at muros, at ibinigay ang pangalan na ito sa Maynila ng mga Kastila. Isang simbolo ang mga pader dahil ang mga Kastila lang ang puwedeng tumira sa loob ng Intramuros.

Ngayon, “tourist destination” na ito. Puwede kang pumunta sa Fort Santiago. Pagkatapos, maglakad ka papunta sa General Luna street. Lampasan mo ang Plaza Moriones at ang Palacio del Gobernador. Makikita mo ang Manila Cathedral. Maglakad ka pa sa General Luna street. Pagkatapos ng dalawang kanto, kumanan ka. Maglakad ka sa Calle Real. Darating ka sa Puerta de Santa Lucia. Isa ito sa mga pasukan papunta sa Intramuros. Puwede ka ring pumunta sa iba pang gusali. Nasa General Luna Street din ang San Agustin Church at ang Casa Manila.

Sa labas ng Intramuros, sa Tondo, isinilang ang rebolusyon at ang Katipunan, ang grupo na lumaban sa mga Kastila. Binuo ito sa kanto ng mga kalye na El Cano at Ascarraga (ngayon ay Recto) noong 1892.

Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, itinayo naman ang mga gusali ng gobyerno. Mga pangalan ng mga Amerikanong mananakop ang ginamit na pangalan ng kalye. May mga bus, kotse, at karitela sa daan. Ang mga mayayaman at mga Amerikano ay nakatira sa Malate, dahil nakikita mula dito ang dagat.

Dahil sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, binomba ng mga Amerikano ang Maynila noong Pebrero hanggang Marso 1945 sa tinatawag na “Battle of Manila.”

Para sa ibang Filipino na nabuhay noong 1950s, ang Maynila ay ang Roxas Boulevard kung saan nakikita ang paglubog ng araw sa dagat, ang Rizal Park para sa mga picnic, at ang Escolta at Avenida para sa pamimili.

Para sa mga aktibista noong 1960s at 1970s, ang mga lugar ng demonstrasyon at rali ay ang Plaza Miranda, ang Mendiola Bridge (na tinatawag ding 'Freedom Bridge'), at ang Liwasang Bonifacio (sa harap ng post office building).

Para sa mga Intsik, ang Maynila ay ang Binondo. Para sa mga estudyante, ang Maynila ang “university belt” sa Recto. Para sa mga Katoliko, ang Maynila ay ang Quiapo Church kung saan maraming deboto na makikita.

Iba-iba ang Maynila ng mga taga-Maynila. Lumaki na ang lungsod at naging 'Greater Manila Area'. Wala nang nakaaalala ng hitsura ng “nila.”

Ang Maynila ay hindi lang Maynila nina Sulayman, Bonifacio, at Rizal. Maynila ito ng lahat ng mga Filipino —Tagalog, Intsik, Kapampangan, at iba pang lahing Filipino na nabuhay sa lungsod na ito.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

14.5 Pagbabasa - Ang Maynila 14.5 Reading - Manila 14.5 Leitura - Manila

Ang pinakalumang Maynila, ay ang Maynila ng mga Tagalog, at ang pangalan ng lugar ay galing sa mga salitang “may nila.” Ang ibig sabihin, mayroon silang “nila,” isang uri ng halaman. |oldest||||||||||||||||||||||||||||| The oldest Manila, is the Manila of the Tagalogs, and the name of the place comes from the words "may nila." That is, they have "their," a type of plant.

Ito ang Maynila ng mga Tagalog at ng mga pinuno nilang sina Rajah Sulayman at Rajah Matanda. This is the Manila of the Tagalogs and their leaders, Rajah Sulayman and Rajah Matanda. Ito rin ang Maynila na sinakop ng Borneo at ng mga Muslim. |||||||Borneo|||| This is also the Manila that was conquered by Borneo and the Muslims. Ito ang Maynila na nakilala para sa kanyang dagat, ang Manila Bay, at sa kanyang ilog, ang Pasig. |||||||||||||||||Pasig River This is Manila known for its sea, the Manila Bay, and its river, the Pasig.

Noong 1570, sinakop ito ng mga Kastila, sa pamumuno ni Miguel Lopez de Lagazpi. In 1570, it was conquered by the Spaniards, led by Miguel Lopez de Lagazpi. Itinayo nila ang isang “walled city” o lungsod na napapalibutan ng pader, ang Intramuros. They built|||||||||||||Intramuros They built a "walled city" or city surrounded by a wall, Intramuros. Galing ang pangalan nito sa wikang Latin: intra at muros, at ibinigay ang pangalan na ito sa Maynila ng mga Kastila. |||||||within||walls||||||||||| Its name comes from the Latin language: intra and muros, and this name was given to Manila by the Spaniards. Isang simbolo ang mga pader dahil ang mga Kastila lang ang puwedeng tumira sa loob ng Intramuros. |||||||||||allowed to||||| The walls are a symbol because only Spaniards can live inside Intramuros.

Ngayon, “tourist destination” na ito. ||tourist destination|| Today, it is a "tourist destination". Puwede kang pumunta sa Fort Santiago. You can go to Fort Santiago. Pagkatapos, maglakad ka papunta sa General Luna street. |walk|||||Luna| Then, walk to General Luna street. Lampasan mo ang Plaza Moriones at ang Palacio del Gobernador. pass by||||Moriones Plaza||||of the|Governor's Palace Pass Plaza Moriones and the Palacio del Gobernador. Makikita mo ang Manila Cathedral. You will see the Manila Cathedral. Maglakad ka pa sa General Luna street. Walk further along General Luna street. Pagkatapos ng dalawang kanto, kumanan ka. After two corners, turn right. Maglakad ka sa Calle Real. |||Street| Walk down Calle Real. Darating ka sa Puerta de Santa Lucia. |||gate||| You will arrive at Puerta de Santa Lucia. Isa ito sa mga pasukan papunta sa Intramuros. This is one of the entrances to Intramuros. Puwede ka ring pumunta sa iba pang gusali. You can also go to other buildings. Nasa General Luna Street din ang San Agustin Church at ang Casa Manila. |||||||||||House| San Agustin Church and Casa Manila are also on General Luna Street.

Sa labas ng Intramuros, sa Tondo, isinilang ang rebolusyon at ang Katipunan, ang grupo na lumaban sa mga Kastila. |||||Tondo|was born|||||||||||| Outside of Intramuros, in Tondo, the revolution was born and the Katipunan, the group that fought against the Spaniards. Binuo ito sa kanto ng mga kalye na El Cano at Ascarraga (ngayon ay Recto) noong 1892. |||||||||Cano||Ascarraga Street|||Recto Avenue| It was built at the corner of El Cano and Ascarraga streets (now Recto) in 1892.

Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, itinayo naman ang mga gusali ng gobyerno. During the American occupation, government buildings were built. Mga pangalan ng mga Amerikanong mananakop ang ginamit na pangalan ng kalye. ||||American|colonizers|||||| Names of the American conquerors were used as street names. May mga bus, kotse, at karitela sa daan. |||||horse-drawn carriage|| There are buses, cars, and trolleys on the way. Ang mga mayayaman at mga Amerikano ay nakatira sa Malate, dahil nakikita mula dito ang dagat. ||the rich|||||||Malate|||||| The rich and Americans live in Malate, because the sea is visible from here.

Dahil sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, binomba ng mga Amerikano ang Maynila noong Pebrero hanggang Marso 1945 sa tinatawag na “Battle of Manila.” |||||||||bombed||||||||||||||| Since the Japanese occupied the Philippines from 1942 to 1945, the Americans bombed Manila from February to March 1945 in the so-called "Battle of Manila."

Para sa ibang Filipino na nabuhay noong 1950s, ang Maynila ay ang Roxas Boulevard kung saan nakikita ang paglubog ng araw sa dagat, ang Rizal Park para sa mga picnic, at ang Escolta at Avenida para sa pamimili. ||||||||||||Roxas Boulevard||||||||||||||||||||Escolta Street||Avenida||| For other Filipinos who lived in the 1950s, Manila is Roxas Boulevard where you can see the sunset over the sea, Rizal Park for picnics, and Escolta and Avenida for shopping.

Para sa mga aktibista noong 1960s at 1970s, ang mga lugar ng demonstrasyon at rali ay ang Plaza Miranda, ang Mendiola Bridge (na tinatawag ding 'Freedom Bridge'), at ang Liwasang Bonifacio (sa harap ng post office building). |||activists|||||||||demonstration||rally||||||Mendiola Bridge||||||||||||||||building For activists in the 1960s and 1970s, the places for demonstrations and rallies were Plaza Miranda, the Mendiola Bridge (also called 'Freedom Bridge'), and Liwasang Bonifacio (in front of the post office building).

Para sa mga Intsik, ang Maynila ay ang Binondo. ||||||||Chinatown For the Chinese, Manila is Binondo. Para sa mga estudyante, ang Maynila ang “university belt” sa Recto. ||||||||belt||Recto Avenue For students, Manila is the "university belt" in Recto. Para sa mga Katoliko, ang Maynila ay ang Quiapo Church kung saan maraming deboto na makikita. ||||||||Quiapo Church||||||| For Catholics, Manila is the Quiapo Church where many devotees can be seen.

Iba-iba ang Maynila ng mga taga-Maynila. Manila is different from the people of Manila. Lumaki na ang lungsod at naging 'Greater Manila Area'. The city has grown and become the 'Greater Manila Area'. Wala nang nakaaalala ng hitsura ng “nila.” No one remembers what "they" looked like.

Ang Maynila ay hindi lang Maynila nina Sulayman, Bonifacio, at Rizal. Manila is not just the Manila of Sulayman, Bonifacio, and Rizal. Maynila ito ng lahat ng mga Filipino —Tagalog, Intsik, Kapampangan, at iba pang lahing Filipino na nabuhay sa lungsod na ito. |||||||||||||race||||||| This is the Manila of all Filipinos — Tagalog, Chinese, Kapampangan, and other Filipinos who have lived in this city.