×

我們使用cookies幫助改善LingQ。通過流覽本網站,表示你同意我們的 cookie 政策.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK ABOUT NATURE: WHUUSH WITH ENGLISH AND FILIPINO SUBTITLES

FILIPINO BOOK ABOUT NATURE: WHUUSH WITH ENGLISH AND FILIPINO SUBTITLES

Whuush!

Kwento ni Glenda Oris

Guhit ni Aldy Aguirre

Inilathala ng Adarna House

(MUSIC)

"Narito na ako!" sigaw ni Ling-ling.

Bumulusok ang batang hangin mula sa kalangitan.

Umingit ang mga sanga ng punong matitikas.

Kumapit nang mahigpit ang mga dahon sa sanga.

"Iyan lang ba ang kaya mo?

Wala ka palang sinabi sa galing ko!" ismid ni Paros.

Pakaliwa't pakanan, sinalpok niya ang mga puno.

Pinangatog niya ang kawayan.

Winasak ni Paros ang mga sapot ng gagamba at tinabig ang mga pugad!

Sumimangot si Ling-ling.

"Lagi ka na lang nananalo, Paros. Ano ba ang sekreto mo?"

"Aba! Laking-lungsod yata ito.

Araw-araw akong nakikipaghabulan sa matutuling bus.

Nakikipagkarera ako sa mga tren.

Sinisipa ko ang mga kawad ng koryente at hinahampas ang mga poste!"

"Gusto ko ring maging mabilis at malakas na hangin tulad mo.

Sana puwede akong sumama sa 'yo sa lungsod."

Pero alam ni Ling-ling na di siya papayagan ng kaniyang ina.

"Huwag ka nang magpaalam. Sumama ka na sa 'kin.

Tiyak na lalakas at tutulin ka sa lungsod!"

"Pero... baka naman..."

"Sumama ka na.

Paano ka lalakas dito kung laging halaman, lupa, at hayop lamang ang mga kalaban mo?" pang-iinis ni Paros.

"Oo nga ano...kaya Lang... "

"Hindi ka ba nababagot dito?

Kung sasama ka, makikita mo ang malalapad na lansangan na dumaraan sa ilalim ng lupa.

Mawiwili ka sa makukulay na ilaw sa mga pamilihan."

"O sige, sige, sasama na 'ko! "

Sinalubong sina Ling-ling at Paros ng mga tunog sa lungsod.

"Ha? Ano'ng sinabi mo? Hindi kita narinig," hiyaw ni Ling-ling kay Paros.

"Ang sabi ko, talasan mo ang mga mata mo.

Makapal ang usok dito."

"Hayan na ang matatayog na gusali.

Isa-dalawa-tatlo...sipa sa bakal, hambalos sa semento!"

Napaso si Ling-ling sa bakal na nakabilad sa araw.

"Nakikita mo ba ang mga bintanang yari sa salamin?

'Yan ang ating lilingkisin.

Mabilis tayong daraan pero maingat pa rin," paalala ni Paros.

"Isa-dalawa-tatlo!"

Nadulas ang mga langgam na naglalakad sa salamin.

Nagulat ang mga mayang nagpapahinga sa pasamano.

Tinitigan ni Ling-ling ang mga mayang nagmamadaling lumayo.

Naalala niya sina Kalaw, Kuwago, at Agila.

Masayang-masaya si Ling-ling kapag naglalaro sila sa kagubatan.

"Halika na, makipagkarera na tayo sa mga tren.

lyon ang paborito ko," wika ni Paros.

Naalala ni Ling-ling ang mga daga at labuyo sa Makiling.

Matutulin din silang tumakbo.

Tila tren din na umuusad ang maliliksing tuko.

"Ano'ng problema? Pagod ka na ba?" tanong ni Paros nang hindi pa kumikilos si Ling-Ling.

"Ah, e, hindi naman. Hindi pa lang ako sanay sa usok at tunog ng lungsod."

Napansin ni Paros ang matamlay na tinig ni Ling-ling.

Nangungulila kaya siya?

Sa di kalayuan, nakita ni Ling-ling ang mga bata sa malawak na palaruan.

Nanumbalik ang kaniyang sigla.

Binatak niya ang kaniyang katawan.

Nabigyan ng ginhawa ang pawisang katawan ng mga bata.

"Wooohooo! Narito na ang hangin!

Puwede na tayong magpalipad ng saranggola!" biro ng mga bata sa isa't isa.

Nakinig si Ling-ling sa kanilang tawanan at kuwentuhan,

tulad ng madalas niyang ginagawa sa mga tao sa Makiling.

"Oy, kayong mga bata, umuwi na kayo.

Kanina pa malakas at malamig ang hangin.

Baka umulan nang malakas." Paalala ng guwardiya sa palaruan.

"Ulan? Ulan! ULAN!

Tama, ulan nga!

Kaya pala pinagbabawalan ako ng matatanda!,"

bulalas ni Ling-ling na tila may naalala at biglang natuklasan.

Agad niyang hinanap si Paros.

"Paros, sabi ng mga taga-Makiling, matagal na nilang hinihintay ang pagdating ng ulan ngayong taon.

Ulan ang nagbibigay ng tubig sa mga daluyan sa bundok.

Sabi nila, hangin ang nagdadala ng ulan."

"O tapos...ano ngayon sa iyo kung ganoon?" tanong ni Paros.

"Paros, hindi mabubuhay ang mga taga-Makiling kung walang tubig.

Kailangan nang umulan sa amin, at ako ang hangin na hinihintay nila.

Ako ang magdadala ng ulan.

Kaya pala hindi ako pinapayagang umalis sa kabundukan."

"Kailangan ka na ngang bumalik sa Makiling," wika ni Paros.

"Kung bibilisan mo ang pag-uwi, hindi nila malalaman na nawala ka nang maghapon," biro pa ng kaibigan.

Nagpasalamat si Ling-ling kay Paros.

"Sabi ni Ina, hindi lamang sa bilis at lakas nasusukat ang kapangyarihan.

Alam kong masaya ka rito sa lungsod, pero masaya rin ako sa Makiling.

Marami akong kaibigan doon. Kailangan nila ako."

Nakauwi na ang mga bata at matanda sa mga tahanang nakapaligid sa bundok.

Naginhawaan ang lahat dahil sa hanging malamyos na bumalot sa kanila.

Kumalat ang amoy ng iginigisang bawang at sibuyas.

Kay sarap ng amoy ng kanin na nag-iinin at ipinipritong isda.

Umikot si Ling-ling sa buong bundok Makiling.

Napangiti siya sa malawak na himpapawid at kaniyang sinabi, "Dito na muna ang tahanan ko."

Sumipol siya nang …..

hanggang malatagan ng hamog ang buong kabundukan.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK ABOUT NATURE: WHUUSH WITH ENGLISH AND FILIPINO SUBTITLES PHILIPPINISCHES BUCH ÜBER DIE NATUR: WHUUSH MIT ENGLISCHEN UND PHILIPPINISCHEN UNTERTITELN FILIPINO BOOK ABOUT NATURE: WHUUSH WITH ENGLISH AND FILIPINO SUBTITLES FILIPINO BOEK OVER DE NATUUR: WHUUSH MET ENGELSE EN FILIPINO ONDERTITELS

Whuush! Whuuush! Whoosh!

Kwento ni Glenda Oris Story by Glenda Oris

Guhit ni Aldy Aguirre Illustrated by Aldy Aguirre

Inilathala ng Adarna House Published by Adarna House Uitgegeven door Adarna House

(MUSIC) (MUSIC)

"Narito na ako!" sigaw ni Ling-ling. "Here I come!" Ling-ling shouted.

Bumulusok ang batang hangin mula sa kalangitan. The young wind charged out of the sky. Er viel een jonge wind uit de lucht.

Umingit ang mga sanga ng punong matitikas. The sturdy tree's branches creaked. De takken van de sterke boom werden donkerder.

Kumapit nang mahigpit ang mga dahon sa sanga. The leaves held on tightly to the branches.

"Iyan lang ba ang kaya mo? "Is that all that you can do?

Wala ka palang sinabi sa galing ko!" ismid ni Paros. You can't even match my skills!" Paros sneered.

Pakaliwa't pakanan, sinalpok niya ang mga puno. Right and left, he hit the trees.

Pinangatog niya ang kawayan. He made the bamboo tremble.

Winasak ni Paros ang mga sapot ng gagamba at tinabig ang mga pugad! Paros destroyed the spider webs and turned over the nests!

Sumimangot si Ling-ling. Ling-ling frowned.

"Lagi ka na lang nananalo, Paros. Ano ba ang sekreto mo?" "You always win, Paros. What's your secret?"

"Aba! Laking-lungsod yata ito. "Aba! I grew up in the city.

Araw-araw akong nakikipaghabulan sa matutuling bus. I play tag with speeding buses everyday.

Nakikipagkarera ako sa mga tren. I race trains.

Sinisipa ko ang mga kawad ng koryente at hinahampas ang mga poste!" I kick electrical wires and hit their posts!"

"Gusto ko ring maging mabilis at malakas na hangin tulad mo. "I want to be fast and strong like you.

Sana puwede akong sumama sa 'yo sa lungsod." I wish I could go to the city with you."

Pero alam ni Ling-ling na di siya papayagan ng kaniyang ina. But Ling-ling knew that her mother would never let her go.

"Huwag ka nang magpaalam. Sumama ka na sa 'kin. "Then don't ask for her permission. Just come with me.

Tiyak na lalakas at tutulin ka sa lungsod!" You'll get stronger and faster in the city!"

"Pero... baka naman..." "But... what if..."

"Sumama ka na. "Just come with me.

Paano ka lalakas dito kung laging halaman, lupa, at hayop lamang ang mga kalaban mo?" pang-iinis ni Paros. How will you grow stronger if all you fight are plants, the earth, and animals?" mocked Paros.

"Oo nga ano...kaya Lang... " "Yes, you're right... but...

"Hindi ka ba nababagot dito? Don't you ever get bored here?"

Kung sasama ka, makikita mo ang malalapad na lansangan na dumaraan sa ilalim ng lupa. If you come with me, you will see wide roads that go underground.

Mawiwili ka sa makukulay na ilaw sa mga pamilihan." You will enjoy the colorful lights of shopping malls."

"O sige, sige, sasama na 'ko! " "Okay, okay, I will go with you!"

Sinalubong sina Ling-ling at Paros ng mga tunog sa lungsod. The city's noise welcomed Ling-ling and Paros.

"Ha? Ano'ng sinabi mo? Hindi kita narinig," hiyaw ni Ling-ling kay Paros. "I can't hear you," shouted Ling-ling to Paros.

"Ang sabi ko, talasan mo ang mga mata mo. "I said, look carefully. The smog is very thick here."

Makapal ang usok dito." The smoke is thick here."

"Hayan na ang matatayog na gusali. "Here are the tall buildings.

Isa-dalawa-tatlo...sipa sa bakal, hambalos sa semento!" One-two-three... kick the steel, hit the concrete!"

Napaso si Ling-ling sa bakal na nakabilad sa araw. Lingling was burned by the steel exposed to the sun.

"Nakikita mo ba ang mga bintanang yari sa salamin? "Can you see those windows made of glass?

'Yan ang ating lilingkisin. We will tightly coil around them.

Mabilis tayong daraan pero maingat pa rin," paalala ni Paros. Remember to pass quickly but safely," said Paros.

"Isa-dalawa-tatlo!" "One-two-three!"

Nadulas ang mga langgam na naglalakad sa salamin. The ants walking on the glass slipped.

Nagulat ang mga mayang nagpapahinga sa pasamano. The sparrows resting on the window sill were taken by surprise.

Tinitigan ni Ling-ling ang mga mayang nagmamadaling lumayo. Ling-ling stared at the sparrows flying away.

Naalala niya sina Kalaw, Kuwago, at Agila. They reminded her of Kalaw, Kuwago, and Agila.

Masayang-masaya si Ling-ling kapag naglalaro sila sa kagubatan. Ling-ling was very happy whenever they played together in the forest.

"Halika na, makipagkarera na tayo sa mga tren. "Let's go, let's race the trains.

lyon ang paborito ko," wika ni Paros. That's my favorite," said Paros.

Naalala ni Ling-ling ang mga daga at labuyo sa Makiling. Ling-ling remembered the mice and wild chickens in Makiling.

Matutulin din silang tumakbo. They were also fast runners.

Tila tren din na umuusad ang maliliksing tuko. The quick-moving geckos were just like the moving train.

"Ano'ng problema? Pagod ka na ba?" tanong ni Paros nang hindi pa kumikilos si Ling-Ling. "What's the problem? Are you tired?" asked Paros when Ling-ling stopped moving.

"Ah, e, hindi naman. Hindi pa lang ako sanay sa usok at tunog ng lungsod." "Ah, e, not really. I'm just not used to the smoke and the noise of the city yet."

Napansin ni Paros ang matamlay na tinig ni Ling-ling. Paros noticed Ling-ling's sad voice. Was she feeling lonely?

Nangungulila kaya siya? Is he homesick?

Sa di kalayuan, nakita ni Ling-ling ang mga bata sa malawak na palaruan. Nearby, Ling-ling saw a group of kids in the big playground.

Nanumbalik ang kaniyang sigla. She felt better. She pulled herself up.

Binatak niya ang kaniyang katawan. He stretched his body.

Nabigyan ng ginhawa ang pawisang katawan ng mga bata. The sweaty bodies of the kids were refreshed.

"Wooohooo! Narito na ang hangin! "Wooohooo! Here comes the wind!

Puwede na tayong magpalipad ng saranggola!" biro ng mga bata sa isa't isa. We can now fly kites!" the kids joked with each other.

Nakinig si Ling-ling sa kanilang tawanan at kuwentuhan, Ling-ling listened to their laughter and stories,

tulad ng madalas niyang ginagawa sa mga tao sa Makiling. just like how she listened to the people in Makiling.

"Oy, kayong mga bata, umuwi na kayo. "Hey kids, you should all go home.

Kanina pa malakas at malamig ang hangin. The wind is getting stronger and colder.

Baka umulan nang malakas." Paalala ng guwardiya sa palaruan. It might rain hard soon," warned the guard at the playground.

"Ulan? Ulan! ULAN! "Rain? Rain! RAIN! That's it!

Tama, ulan nga! That's right, it's raining!

Kaya pala pinagbabawalan ako ng matatanda!," That's why the elders wouldn't let me,"

bulalas ni Ling-ling na tila may naalala at biglang natuklasan. exclaimed Ling-ling as if she had suddenly remembered and discovered something.

Agad niyang hinanap si Paros. She immediately looked for Paros.

"Paros, sabi ng mga taga-Makiling, matagal na nilang hinihintay ang pagdating ng ulan ngayong taon. "Paros, the people of Makiling said that they have long been waiting for the rain this year.

Ulan ang nagbibigay ng tubig sa mga daluyan sa bundok. Rain provides water for the springs in the mountain.

Sabi nila, hangin ang nagdadala ng ulan." According to them, the rain is brought by strong winds."

"O tapos...ano ngayon sa iyo kung ganoon?" tanong ni Paros. "Well... so what?" asked Paros.

"Paros, hindi mabubuhay ang mga taga-Makiling kung walang tubig. "Paros, the people of Makiling will not survive without water.

Kailangan nang umulan sa amin, at ako ang hangin na hinihintay nila. They really need the rain, and I am the wind that they have been waiting for.

Ako ang magdadala ng ulan. I'm the one who shall bring the rain.

Kaya pala hindi ako pinapayagang umalis sa kabundukan." That's why they wouldn't let me leave the mountain."

"Kailangan ka na ngang bumalik sa Makiling," wika ni Paros. "You really need to go back to Makiling," said Paros.

"Kung bibilisan mo ang pag-uwi, hindi nila malalaman na nawala ka nang maghapon," biro pa ng kaibigan. "If you travel very fast, they won't even know that you were gone for the day," her friend teased.

Nagpasalamat si Ling-ling kay Paros. Ling-ling thanked Paros. "Mother said that power is not only measured by speed and strength.

"Sabi ni Ina, hindi lamang sa bilis at lakas nasusukat ang kapangyarihan. "Ina said, power is not measured only by speed and strength.

Alam kong masaya ka rito sa lungsod, pero masaya rin ako sa Makiling. I know that you enjoy your life here in the city, but I am happy in Makiling, too.

Marami akong kaibigan doon. Kailangan nila ako." I have many friends there. They need me."

Nakauwi na ang mga bata at matanda sa mga tahanang nakapaligid sa bundok. The young and the old had already returned to their homes around the mountain.

Naginhawaan ang lahat dahil sa hanging malamyos na bumalot sa kanila. The gentle wind brought them comfort.

Kumalat ang amoy ng iginigisang bawang at sibuyas. All around, the smell of sauteed garlic and onions.

Kay sarap ng amoy ng kanin na nag-iinin at ipinipritong isda. All around, the wonderful smell of cooked rice and fried fish.

Umikot si Ling-ling sa buong bundok Makiling. Ling-ling went around Mount Makiling.

Napangiti siya sa malawak na himpapawid at kaniyang sinabi, "Dito na muna ang tahanan ko." She smiled at the vast sky and said, "This is where my home is."

Sumipol siya nang ….. He whistled when …..

hanggang malatagan ng hamog ang buong kabundukan. until the whole mountains are covered with fog.