×

我們使用cookies幫助改善LingQ。通過流覽本網站,表示你同意我們的 cookie 政策.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: MISTER WORLD AND HIS MAGICAL BOX w/ TAGALOG Subtitles

FILIPINO BOOK: MISTER WORLD AND HIS MAGICAL BOX w/ TAGALOG Subtitles

Mr. World and his Magical Box

Si Ginoong Mundo at ang Kanyang Mahiwagang Kahon

Kuwento ni Alelie Dew Ayroso

Iginuhit ni Frances Alcaraz

(MUSIC)

Ang mundo ay bilog at naligid na ito ng aking tatay. Sa loob ng maraming-maraming buwan ay nasa malayo siya, nilalayag ang Seven Seas*, dumaraong sa maraming-maraming pantalan.

Binansagan siyang Ginoong Mundo ng aming mga kapitbahay at kamag-anak. Ang biro nga nila ay para siyang kalahok sa isang patimpalak-kagandahan.

"Guten-Tag"! Kagagaling ko lang ng ALEH-manya!" bati niya sa lahat pag-uwi niya galing Hamburg.

"Bonjour, Mesdames et Monsieurs. Vive la France*!" sigaw niya pagkaraang marating niya ang Pransiya.

Sa ibang mga pagkakataon, bumabati siya sa mga salitang natutuhan niya mula sa kanyang mga kaibigan.

"Hola! Buenos dias!"

"Namaste*!

"Ohayu gozaimasuo!"

"Hallo*!"

Nangolekta si Tatay ng maraming-maraming kahanga-hangang bagay na iniuwi niyang nakasilid sa kanyang Mahiwagang Kahon. Naku, ang mga makulay na bagay-bagay na inilabas niya mula sa Kahon!

"Isang poncho" mula sa Peru!" At hinila ni Tatay pababa sa aking ulo ang isang matingkad na guhitang kulay dalandan-at-asul na tela, na nagpawala sa paningin sa aking mga braso.

"Renegaluhan kita ng salampay mula sa Bali," At buong pagmamahal na inilaylay niya ang isang ginintuang sedang salampay sa mga balikat ni Nanay na nagpakinang sa mga mata nito.

"Ang mga ito ay maryoneta sa tubig ng Vietnam,". Ipinagkaloob niya ang tatlong maliliit na singkit na maryonetang yari sa kahoy sa aking kapatid na babae, isang tambolista, isang babaeng may basket at isang mangingisda.

Hinila ni Tsetsen ang mga pisi at itinaas ng munting lalaki ang kanyang munting pamingwit, kasama ang isang munting kayumangging isda sa dulo.

At naku, ang iba't ibang lasa ng pagkain mula sa Mahiwagang Kahon!

"Subukan ninyo itong chokoreto* mula sa Japan!" ani Ginoong Mundo habang inihahain niya ang isang kahon ng mamula-mulang kayumangging rektanggulong tsokolate, nabubudburan ng pinulbos na tsokolate.

Mayroon din iyong arnibal na gawa sa maple* na galing Canada na nagpalinamnam at nagdulot ng mabangong amoy sa aming pancake*!

Ang stroopwafels ng Netherlands ay dumikit sa aking mga ngipin ngunit inudyukan lamang akong maghangad ng higit pa.

Ang mga mani ng makadamya mula sa Hawaii ang siyang kinalulugdan ni Nanay dahil laging sinasaid niya ang sisidlan.

Tinuruan din kami ni Tatay tungkol sa mga pera sa mundo.

"Ito ay yuan mula sa Tsina. Ito ay rand mula sa Timog Aprika. Ito ay bolivar mula sa Venezuela..."

Ipakikita niya ang malulutong na perang papel na may mapupusyaw na kulay, may mga larawan ng mga hayop, mga pinuno, o bayani ng ibang bansa. Ang aking nakababatang kapatid na babaeng si Tsetsen ay walang pakialam at inihagis lang niya ang mga pera.

Ang aking tatay ay si Ginoong Mundo, at kasama ng mga kaakit-akit at masarap kaining bagay-bagay sa kanyang Mahiwagang Kahon ay ang kanyang mga kagila-gilalas at nakakatawang kuwento tungkol sa mga taong kinaibigan niya mula sa iba't ibang bansa.

Nariyan si Ginoong Melle na taga-Olandes na may anak na kambal na lalaking malaginto ang mga buhok na kasing-edad ko;

si Ginoong Jahid na taga-India na dati ay isang snake charmer" bago siya naging manlalayag;

si Senor Miguel ng Chile na nagpipinta ng mga tanawin sa dagat (naibigan namin ni Tsetsen higit sa lahat ang mga tumatalong lumba-lumba);

at si Ginoong Chan na may alagang daga sa barko.

Iyon ang maiigsing masasayang araw ng tag-araw sa pagitan ng mga mahahabang buwang nasa malayo si Tatay.

Kadalasan, walang Ginoong Mundo para ayusin ang tulo sa bubong, tumulong sa aking kumpunihin ang aking bisikleta, na nagiging mapagpatawa, at patigilin sa pag-iyak si Tsetsen kapag nagalusan ang kanyang mga tuhod.

Walang Ginoong Mundo sa aming mga kaarawan, walang Tatay maski sa Araw ng mga Tatay.

Ngunit kuntento na kami sa mga paminsan-minsang tawag sa telepono, kung kailan binabati kami ni Tatay gamit ang mga kakatwang salita, tinatanong niya ang lagay namin, isinasalaysay niya sa amin ang mga nakatutureteng kuwento tungkol sa ibang lupain, nagiging nakakatawa at pinagagaan ang aming mga kalooban.

Iiyak at tatawa kami, kakatwang naliligayahan at nalulungkot.

Bigla, isang tag-araw, hindi nakauwi si Ginoong Mundo at ang Mahiwagang Kahon. Sa halip, dumating ang isang masamang balita. Binihag ng mga pirata ang barko nina Tatay.

Nang dumating ang mga tagapagligtas, nagalit ang mga pirata at nagsimulang pagbabarilin ang mga bihag. Tinamaan si Tatay at nahulog sa tagiliran ng barko. Hindi nahanap ng mga taga-pagligtas and kanyang katawan.

Lumipas ang mga araw at linggo, at walang balita tungkol sa kanya. Sabi ng mga awtoridad, hindi nabuhay si Tatay. Umiyak nang umiyak si Nanay, si Tsetsen, at ako.

Bawat araw ay naninimdim, kaakibat ang pakiramdam ng katapusan na nadarama bago dumating ang isang bagyo, habang walang kasiguruhang hinihintay namin si Ginoong Mundo. Wala na ba talaga si Tatay?

Pagkatapos, isang araw, isang malaking kahon na halos katulad ng Mahiwagang Kahon ni Ginoong Mundo ang dumating. Mabigat iyon. "Marahil ay nasa loob si Tatay!" bulalas ni Tsetsen.

Dali-daling binuksan ni Nanay ang kahon. Punong-puno iyon ng mga kaakit-akit at masarap kaining bagay-bagay, kagaya ng mga abubot na gustong iuwi sa amin ni Ginoong Mundo.

Walang Ginoong Mundo sa loob, ngunit nagsimulang manginig ang mga kamay ni Nanay habang binubuksan niya ang isang sulat:

Dear Mona, Mien, at Tsetsen, ikinalulungkot namin ang inyong kawalan. Si Minggo (ang aking tatay) ay naging mabuting kaibigan sa aming lahat.

Ipinapadala namin ang mga regalong ito, inaasahang magdudulot ang mga ito ng maski kaunting saya sa araw na ito, kagaya ng kung paano nagbigay sa amin si Minggo ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagiging isang masayahin at matulunging kaibigan.

Pinirmahan ang sulat ng maraming marino na kagaya ni Tatay.

"Nanay, tingnan mo! Ang manikang hiniling ko kay Tatay!" bulalas ni Tsetsen. Naglalaman ang kahon ng pagkain, mga damit, at mga bagay-bagay na nagugustuhan at kailangan namin, na malamang ay hindi malalaman ng mga ibang marino kung hindi sinabi ni Tatay sa kanila.

"Naku," singhap ni Nanay, sinapo ng kamay ang kanyang bibig, at nagsimula siyang umiyak. Hawak-hawak niya ang isang sisidlan ng mga mani ng makadamya, isa sa ilang dosena mula sa kahon.

"Naku, Nanay, tingnan mo!" Hinila ko palabas ang isang sobreng punong-puno ng perang papel mula sa kahon.

At lalong umiyak si Nanay nang magsimulang kilalanin ni Tsetsen ang iba't ibang pera. "Ito ay rand... ito ay euro'... ito ay yuan..."

Hindi iyon ang huling kahon na dumating. Sa mga sumunod na araw, ang iba pang mga kaibigan ni Tatay ay nagpadala sa amin ng "mga mahiwagang kahon."

Ang iba ay nagpadala ng pera, ngunit ang mga sulat ang nagdulot ng liwanag. Ang mga iyon ay mga kuwentong tungkol sa kung paano ibinahagi ni Tatay ang kanyang kakarampot na pagkain, kung paano siya nagpahiram ng pera, kung paano niya pinagtakpan ang isang katrabaho na may sakit, kung paano niya aluin ang iba sa pamamagitan ng mga kuwento at biro.

Sabi nila, si Tatay ang kanilang tagapayo na nakikinig sa kanilang mga problema at pinagtipon-tipon ang maraming trabahador sa barko.

Higit sa lahat, isinulat nila kung paanong si Minggo, ang aking tatay, ay sinabi sa kanila kung gaano ako kahusay sa klase at ang aking pangarap na maging manggagamot, tungkol kay Tsetsen at ang kanyang mga kalokohan, kung paanong inalagaan kami ni Nanay habang isinisingit niya ang pagtatrabaho.

Labis na ipinagmamalaki niya ang kanyang pamilya. Kami. Kahit sa kabilang ibayo ng mga dagat, laging nasa piling niya kami.

Ang mundo ay bilog. At tinalian ito ng tatay ko, si Ginoong Mundo, ng pisi ang paligid nito at dinala sa amin.

Ngayon, iniuwi siya sa amin ng kanyang maraming kaibigan mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: MISTER WORLD AND HIS MAGICAL BOX w/ TAGALOG Subtitles FILIPINO|BOOK|MISTER|WORLD|AND|HIS|MAGICAL|BOX|with|TAGALOG|Subtitles PHILIPPINISCHES BUCH: MISTER WORLD UND SEINE MAGISCHE BOX mit TAGALOG-Untertiteln LIBRO FILIPINO: EL SEÑOR MUNDO Y SU CAJA MÁGICA con subtítulos en TAGALOG フィリピン語の本: ミスター・ワールドとその魔法の箱 タガログ語字幕付き FILIPINO BOEK: MISTER WORLD EN ZIJN MAGISCHE DOOS MET TAGALOG-ondertiteling FILIPINO BOOK: MR. WORLD AND HIS MAGICAL BOX w/ TAGALOG Subtitles

Mr. World and his Magical Box Mr|World|and|his|Magical|Box Mr. World and his Magical Box

Si Ginoong Mundo at ang Kanyang Mahiwagang Kahon Mr|Mundo|World|and|the|His|Magical|Box Mr. World and His Magical Box

Kuwento ni Alelie Dew Ayroso Story|of|Alelie|Dew|Ayroso Story by Alelie Dew Ayroso

Iginuhit ni Frances Alcaraz Drawn|by|Frances|Alcaraz Illustrated by Frances Alcaraz

(MUSIC) MUSIC (MUSIC)

Ang mundo ay bilog at naligid na ito ng aking tatay. Sa loob ng maraming-maraming buwan ay nasa malayo siya, nilalayag ang Seven Seas*, dumaraong sa maraming-maraming pantalan. The|world|is|round|and|rolled|already|it|by|my|father|In|inside|of|||months|was|in|far|he|sailing|the|Seven|Seas|docking|in|||ports The world is round and my father has traveled around it. For many, many months he was far away, sailing the Seven Seas*, docking at many, many ports.

Binansagan siyang Ginoong Mundo ng aming mga kapitbahay at kamag-anak. Ang biro nga nila ay para siyang kalahok sa isang patimpalak-kagandahan. He was called|he|Mr|World|by|our|plural marker|neighbors|and|||The|joke|indeed|they|is|like|he|contestant|in|a|| He was dubbed Mr. World by our neighbors and relatives. They joked that he was like a contestant in a beauty pageant.

"Guten-Tag"! Kagagaling ko lang ng ALEH-manya!" bati niya sa lahat pag-uwi niya galing Hamburg. ||just coming|I|just|from|||greeting|he|to|everyone|||he|from|Hamburg "Guten-Tag"! I just came back from ALEH-mania!" he greeted everyone upon returning from Hamburg.

"Bonjour, Mesdames et Monsieurs. Vive la France***!" sigaw niya pagkaraang marating niya ang Pransiya. Hello|Ladies|and|Gentlemen|Long live|the|France|shouted|he|after|arriving|he|the|France "Bonjour, Mesdames et Monsieurs. Vive la France*!" he shouted after reaching France.

Sa ibang mga pagkakataon, bumabati siya sa mga salitang natutuhan niya mula sa kanyang mga kaibigan. In|other|plural marker|occasions|he/she greets|he/she|with|plural marker|words|learned|he/she|from|in|his/her|plural marker|friends At other times, he greets with the words he learned from his friends.

"Hola! Buenos dias**!" Hello|Good|morning "Hello! Good morning!"

"Namaste*****! Namaste "Namaste*!"

"Ohayu gozaimasuo!" Good morning|(polite form) "Good morning!"

"Hallo*******!" Hello "Hello*!"

Nangolekta si Tatay ng maraming-maraming kahanga-hangang bagay na iniuwi niyang nakasilid sa kanyang Mahiwagang Kahon. Naku, ang mga makulay na bagay-bagay na inilabas niya mula sa Kahon! Collected|(subject marker)|Dad|(particle indicating quantity)|||||things|(linking particle)|brought home|(his)|stored|in|(his)|Magical|Box|Oh my|(article)|(plural marker)|colorful|(linking particle)|||(linking particle)|took out|(he)|from|in|Box Dad collected many wonderful things that he brought home stored in his Magical Box. Oh, the colorful things he pulled out from the Box!

"Isang poncho" mula sa Peru!" At hinila ni Tatay pababa sa aking ulo ang isang matingkad na guhitang kulay dalandan-at-asul na tela, na nagpawala sa paningin sa aking mga braso. A|poncho|from|in|Peru|And|pulled|by|Dad|down|from|my|head|the|a|bright|that|striped|color||||that|fabric|that|obscured|from|sight|from|my|plural marker|arms "A poncho from Peru!" And Dad pulled down a bright orange-and-blue striped fabric over my head, which obscured my arms from view.

"Renegaluhan kita ng salampay mula sa Bali," At buong pagmamahal na inilaylay niya ang isang ginintuang sedang salampay sa mga balikat ni Nanay na nagpakinang sa mga mata nito. I gifted|you|a|shawl|from|in|Bali|And|whole|love|that|draped|he|the|a|golden|silk|shawl|on|the|shoulders|of|Mother|that|sparkled|in|the|eyes|her "I gifted you a shawl from Bali," And with great love, he draped a golden silk shawl over Mom's shoulders, which sparkled in her eyes.

"Ang mga ito ay maryoneta sa tubig ng Vietnam,". Ipinagkaloob niya ang tatlong maliliit na singkit na maryonetang yari sa kahoy sa aking kapatid na babae, isang tambolista, isang babaeng may basket at isang mangingisda. The|plural marker|these|are|puppets|in|water|of|Vietnam|He/She gave|he/she|the|three|small|that||that|||||||||girl|a|drummer|a|woman|with|basket|and|a|fisherman "These are water puppets from Vietnam,". He presented three small wooden puppets to my sister, a drummer, a woman with a basket, and a fisherman.

Hinila ni Tsetsen ang mga pisi at itinaas ng munting lalaki ang kanyang munting pamingwit, kasama ang isang munting kayumangging isda sa dulo. Pulled|by|Tsetsen|the|plural marker|strings|and|raised|by|little|boy|the|his|little|fishing rod|with|the|a|little|brown|fish|at|the end Tsetsen pulled the strings and the little boy raised his little fishing rod, with a small brown fish at the end.

At naku, ang iba't ibang lasa ng pagkain mula sa Mahiwagang Kahon! And|oh no|the|different|different|flavors|of|food|from|the|Magical|Box Oh my, the different flavors of food from the Magical Box!

"Subukan ninyo itong chokoreto* mula sa Japan!" ani Ginoong Mundo habang inihahain niya ang isang kahon ng mamula-mulang kayumangging rektanggulong tsokolate, nabubudburan ng pinulbos na tsokolate. Try|you (plural)|this|chocolate|from|in|Japan|said|Mr|Mundo|while|serving|he|the|a|box|of|||brown|rectangular|chocolate|dusted|with|powdered||chocolate "Try this chocolate* from Japan!" said Mr. World as he served a box of reddish-brown rectangular chocolate, dusted with powdered chocolate.

Mayroon din iyong arnibal na gawa sa maple*** na galing Canada na nagpalinamnam at nagdulot ng mabangong amoy sa aming pancake***! There is|also|your|syrup|that|made|from|maple|that|from|Canada|that|enhanced the flavor|and|brought|of|fragrant|smell|to|our|pancake There is also the maple syrup* from Canada that enhanced the flavor and added a fragrant aroma to our pancake*!

Ang stroopwafels** ng Netherlands ay dumikit sa aking mga ngipin ngunit inudyukan lamang akong maghangad ng higit pa. The|stroopwafels|of|Netherlands|are|stuck|to|my|plural marker|teeth|but|urged|only|me|to crave|for|more|again The stroopwafels from the Netherlands stuck to my teeth but only urged me to crave more.

Ang mga mani ng makadamya mula sa Hawaii ang siyang kinalulugdan ni Nanay dahil laging sinasaid niya ang sisidlan. The|plural marker|nuts|of|macadamia|from|in|Hawaii|the|he/she|enjoys|by|Mother|because|always|empties|he/she|the|container The macadamia nuts from Hawaii are what Mom enjoys because she always empties the container.

Tinuruan din kami ni Tatay tungkol sa mga pera sa mundo. Taught|also|us|by|Dad|about|in|the|money|in|world Dad also taught us about the currencies of the world.

"Ito ay yuan mula sa Tsina. Ito ay rand mula sa Timog Aprika. Ito ay bolivar mula sa Venezuela..." This|is|yuan|from|in|China|||rand|||South|Africa|||bolivar|||Venezuela "This is yuan from China. This is rand from South Africa. This is bolivar from Venezuela..."

Ipakikita niya ang malulutong na perang papel na may mapupusyaw na kulay, may mga larawan ng mga hayop, mga pinuno, o bayani ng ibang bansa. Ang aking nakababatang kapatid na babaeng si Tsetsen ay walang pakialam at inihagis lang niya ang mga pera. He will show|him|the|crisp|that|money|bills|that|with|light|that|color|with|plural marker|pictures|of|plural marker|animals|plural marker|leaders|or|heroes|of|other|countries|The|my|younger|sibling|that|female|marker for personal names|Tsetsen|(linking verb)|no|concern|and|threw|just|she|the|plural marker|money He would show crisp banknotes in pale colors, featuring images of animals, leaders, or heroes from other countries. My younger sister Tsetsen didn't care and just tossed the money aside.

Ang aking tatay ay si Ginoong Mundo, at kasama ng mga kaakit-akit at masarap kaining bagay-bagay sa kanyang Mahiwagang Kahon ay ang kanyang mga kagila-gilalas at nakakatawang kuwento tungkol sa mga taong kinaibigan niya mula sa iba't ibang bansa. The|my|father|is|Mr|Mr|Mundo|and|together with|of|plural marker|||and|delicious|eating|||in|his|Magical|Box|is|the|his|plural marker|||and|funny|stories|about|to|plural marker|people|befriended|him|from|in|different|other|countries My dad is Mr. World, and along with the delightful and delicious things in his Magical Box are his amazing and funny stories about the people he befriended from different countries.

Nariyan si Ginoong Melle na taga-Olandes na may anak na kambal na lalaking malaginto ang mga buhok na kasing-edad ko; There is|Mr|Melle||who|||who|has|child|who|twins|that|male|golden-haired|the|plural marker|hair|that|||as me There is Mr. Melle from the Netherlands who has twin sons with golden hair who are the same age as me;

si Ginoong Jahid na taga-India na dati ay isang snake charmer" bago siya naging manlalayag; Mr|Mr|Jahid|who|||who|previously|was|a|snake|charmer|before|he|became|sailor Mr. Jahid from India who used to be a snake charmer" before he became a sailor;

si Senor Miguel ng Chile na nagpipinta ng mga tanawin sa dagat (naibigan namin ni Tsetsen higit sa lahat ang mga tumatalong lumba-lumba); Mr|Sir|Miguel|from|Chile|who|paints|of|the|landscapes|at|sea|liked|us|by|Tsetsen|more|than|all|the|the|jumping|| Mr. Miguel from Chile who paints seascapes (Tsetsen and I especially liked the jumping dolphins);

at si Ginoong Chan na may alagang daga sa barko. and|Mr|Chan||who|has|pet|rat|in|ship and Mr. Chan who has a pet rat on the ship.

Iyon ang maiigsing masasayang araw ng tag-araw sa pagitan ng mga mahahabang buwang nasa malayo si Tatay. That|the|short|happy|days|of|||in|between|of|the|long|months|are|far|Mr|Dad Those were the short happy summer days in between the long months when Dad was away.

Kadalasan, walang Ginoong Mundo para ayusin ang tulo sa bubong, tumulong sa aking kumpunihin ang aking bisikleta, na nagiging mapagpatawa, at patigilin sa pag-iyak si Tsetsen kapag nagalusan ang kanyang mga tuhod. Usually|there is no|Mr|Mundo|to|fix|the|leak|in|roof|helped|in|my|fixing|the|my|bicycle|that|becomes|funny|and|stop||||Tsetsen|Tsetsen|when|scraped|the|his|plural marker|knees Often, there was no Mr. World to fix the leak in the roof, help me repair my bicycle, make jokes, and stop Tsetsen from crying when she scraped her knees.

Walang Ginoong Mundo sa aming mga kaarawan, walang Tatay maski sa Araw ng mga Tatay. No|Mr|Mundo|on|our|plural marker|birthdays|no|Dad|even|on|Day|of|plural marker|Dads There is no Mr. World on our birthdays, no Dad even on Father's Day.

Ngunit kuntento na kami sa mga paminsan-minsang tawag sa telepono, kung kailan binabati kami ni Tatay gamit ang mga kakatwang salita, tinatanong niya ang lagay namin, isinasalaysay niya sa amin ang mga nakatutureteng kuwento tungkol sa ibang lupain, nagiging nakakatawa at pinagagaan ang aming mga kalooban. But|content|already|we|with|the|||calls|on|telephone|when|when|greets|us|by|Dad|using|the|the|funny|words|asks|he|the|condition|us|narrates|he|to|us|the|the|interesting|stories|about|to|other|land|become|funny|and|lightens|the|our|the|spirits But we are content with the occasional phone calls, when Dad greets us with strange words, asks about our condition, tells us captivating stories about distant lands, making us laugh and lightening our spirits.

Iiyak at tatawa kami, kakatwang naliligayahan at nalulungkot. will cry|and|will laugh|we|funny|happy|and|sad We would cry and laugh, strangely happy and sad.

Bigla, isang tag-araw, hindi nakauwi si Ginoong Mundo at ang Mahiwagang Kahon. Sa halip, dumating ang isang masamang balita. Binihag ng mga pirata ang barko nina Tatay. Suddenly|one|||not|returned|Mr|Mundo||and|the|Magical|Box|In|instead|came|the|one|bad|news|Captured|by|the|pirates|the|ship|of|Dad Suddenly, one summer, Mr. World and the Magical Box did not come home. Instead, bad news arrived. Pirates had captured Dad's ship.

Nang dumating ang mga tagapagligtas, nagalit ang mga pirata at nagsimulang pagbabarilin ang mga bihag. Tinamaan si Tatay at nahulog sa tagiliran ng barko. Hindi nahanap ng mga taga-pagligtas and kanyang katawan. When|arrived|the|plural marker|rescuers|got angry|the|plural marker|pirates|and|began|shooting|the|plural marker|captives|Hit|marker for personal names|Dad|and|fell|in|side|marker for possession|ship|Not|found|marker for possession|plural marker|||his|his|body When the rescuers arrived, the pirates got angry and started shooting the captives. Dad was hit and fell over the side of the ship. The rescuers could not find his body.

Lumipas ang mga araw at linggo, at walang balita tungkol sa kanya. Sabi ng mga awtoridad, hindi nabuhay si Tatay. Umiyak nang umiyak si Nanay, si Tsetsen, at ako. Passed|the|plural marker|days|and|weeks|and|no|news|about|to|him|Said|by|plural marker|authorities|not|survived|Mr|Dad|Cried|continuously|cried|Mr|Mom|Mr|Tsetsen|and|I Days and weeks passed, and there was no news about him. The authorities said that Father did not survive. Mother, Tsetsen, and I cried and cried.

Bawat araw ay naninimdim, kaakibat ang pakiramdam ng katapusan na nadarama bago dumating ang isang bagyo, habang walang kasiguruhang hinihintay namin si Ginoong Mundo. Wala na ba talaga si Tatay? Every|day|is|reflective|accompanied by|the|feeling|of|end|that|felt|before|arrives|the|one|storm|while|no|certainty|waiting|we|Mr|||No|already|question particle|really|Mr|Dad Every day was filled with gloom, accompanied by the feeling of an impending end felt before a storm arrives, as we waited uncertainly for Mr. World. Is Father really gone?

Pagkatapos, isang araw, isang malaking kahon na halos katulad ng Mahiwagang Kahon ni Ginoong Mundo ang dumating. Mabigat iyon. "Marahil ay nasa loob si Tatay!" bulalas ni Tsetsen. After|one|day|a|large|box|that|almost|similar|of|Magical|Box|of|Mr|World|the|arrived|Heavy|it|Perhaps|is|inside|inside|(marker for personal pronoun)|Dad|exclaimed|of|Tsetsen Then, one day, a large box that looked almost like Mr. World's Magical Box arrived. It was heavy. "Maybe Father is inside!" Tsetsen exclaimed.

Dali-daling binuksan ni Nanay ang kahon. Punong-puno iyon ng mga kaakit-akit at masarap kaining bagay-bagay, kagaya ng mga abubot na gustong iuwi sa amin ni Ginoong Mundo. ||opened|(possessive particle)|Mother|the|box|||it|of|plural marker|||and|delicious|edible|||like|of|plural marker|trinkets|(linking particle)|wanting|to bring home|to|us|(possessive particle)|Mr|Mundo Mother quickly opened the box. It was filled with attractive and delicious things to eat, like the trinkets Mr. World wanted to bring us.

Walang Ginoong Mundo sa loob, ngunit nagsimulang manginig ang mga kamay ni Nanay habang binubuksan niya ang isang sulat: There is no|Mr|Mundo|in|inside|but|began|to tremble|the|plural marker|hands|of|Mother|while|opening|she|the|a|letter Mr. World was not inside, but Mother's hands began to tremble as she opened a letter:

Dear Mona, Mien, at Tsetsen, ikinalulungkot namin ang inyong kawalan. Si Minggo (ang aking tatay) ay naging mabuting kaibigan sa aming lahat. Dear|Mona|Mien|and|Tsetsen|we are sorry|our|the|your|absence|(marker for a person)|Minggo|(the|my|father|is|became|good|friend|to|our|all Dear Mona, Mien, and Tsetsen, we are saddened by your loss. Minggo (my dad) was a good friend to all of us.

Ipinapadala namin ang mga regalong ito, inaasahang magdudulot ang mga ito ng maski kaunting saya sa araw na ito, kagaya ng kung paano nagbigay sa amin si Minggo ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagiging isang masayahin at matulunging kaibigan. We are sending|our|the|plural marker|gifts|these|expected|to bring|the|plural marker|these|of|even|a little|joy|on|day|that|this|like|of|how|how|gave|to|us|(name marker)|Minggo|of|happiness|through|means|of|being|a|cheerful|and|helpful|friend We are sending these gifts, hoping they will bring at least a little joy on this day, just as Minggo brought us happiness by being a cheerful and helpful friend.

Pinirmahan ang sulat ng maraming marino na kagaya ni Tatay. The signed|the|letter|by|many|sailors|who|like|of|Dad The letter was signed by many sailors like Dad.

"Nanay, tingnan mo! Ang manikang hiniling ko kay Tatay!" bulalas ni Tsetsen. Naglalaman ang kahon ng pagkain, mga damit, at mga bagay-bagay na nagugustuhan at kailangan namin, na malamang ay hindi malalaman ng mga ibang marino kung hindi sinabi ni Tatay sa kanila. Mom|look|you|The|doll|requested|I|from|Dad|exclaimed|by|Tsetsen|Contained|the|box|of|food|plural marker|clothes|and|plural marker|||that|liked|and|needed|we|that|probably|(linking verb)|not|will know|of|plural marker|other|sailors|if|not|told|by|Dad|to|them "Mom, look! The doll I asked Dad for!" exclaimed Tsetsen. The box contained food, clothes, and things we like and need, which other sailors probably wouldn't know about if Dad hadn't told them.

"Naku," singhap ni Nanay, sinapo ng kamay ang kanyang bibig, at nagsimula siyang umiyak. Hawak-hawak niya ang isang sisidlan ng mga mani ng makadamya, isa sa ilang dosena mula sa kahon. Oh no|sniff|by|Mom|covered|with|hand|the|her|mouth|and|started|she|to cry|||she|the|one|container|of|plural marker|nuts|of|macadamia|one|from|several|dozen|from|the|box "Oh dear," gasped Mom, covering her mouth with her hand, and she began to cry. She was holding a container of macadamia nuts, one of several dozen from the box.

"Naku, Nanay, tingnan mo!" Hinila ko palabas ang isang sobreng punong-puno ng perang papel mula sa kahon. Oh no|Mom|look|you|I pulled|I|out|the|a|envelope|||of|money|paper|from|the|box "Oh no, Mom, look!" I pulled out an envelope full of paper money from the box.

At lalong umiyak si Nanay nang magsimulang kilalanin ni Tsetsen ang iba't ibang pera. "Ito ay rand... ito ay euro'... ito ay yuan..." And|even more|cried|(subject marker)|Mother|when|began to|recognize|(possessive marker)|Tsetsen|the|different|other|currencies|This|is|rand|||euro|||yuan And Mom cried even more as Tsetsen began to recognize the different currencies. "This is rand... this is euro... this is yuan..."

Hindi iyon ang huling kahon na dumating. Sa mga sumunod na araw, ang iba pang mga kaibigan ni Tatay ay nagpadala sa amin ng "mga mahiwagang kahon." No|that|the|last|box|that|arrived|In|the|following|that|days|the|other|additional|the|friends|of|Dad|(linking verb)|sent|to|us|(marker for the object)|the|magical|boxes That wasn't the last box to arrive. In the following days, other friends of Dad sent us "mysterious boxes."

Ang iba ay nagpadala ng pera, ngunit ang mga sulat ang nagdulot ng liwanag. Ang mga iyon ay mga kuwentong tungkol sa kung paano ibinahagi ni Tatay ang kanyang kakarampot na pagkain, kung paano siya nagpahiram ng pera, kung paano niya pinagtakpan ang isang katrabaho na may sakit, kung paano niya aluin ang iba sa pamamagitan ng mga kuwento at biro. The|others|(linking verb)|sent|(marker for direct object)|money|but|the|(plural marker)|letters|(linking verb)|brought|(marker for direct object)|light|The|(plural marker)|those|(linking verb)|(plural marker)|stories|about|(preposition)|how|how|shared|(marker for possessive)|Dad|(linking verb)|his|meager|(linking verb)|food|how|how|he|lent|(marker for direct object)|money|how|how|he|covered|(linking verb)|a|coworker|(linking verb)|(marker for possession)|illness|how|how|he|comfort|(linking verb)|others|(preposition)|through|(marker for direct object)|(plural marker)|stories|and|jokes Some sent money, but the letters brought the most light. They were stories about how Dad shared his meager food, how he lent money, how he covered for a sick coworker, how he comforted others with stories and jokes.

Sabi nila, si Tatay ang kanilang tagapayo na nakikinig sa kanilang mga problema at pinagtipon-tipon ang maraming trabahador sa barko. They said|them|(marker for a person)|Dad|the|their|advisor|who|listens|to|their|(plural marker)|problems|and|||the|many|workers|on|ship They said Dad was their advisor who listened to their problems and gathered many workers on the ship.

Higit sa lahat, isinulat nila kung paanong si Minggo, ang aking tatay, ay sinabi sa kanila kung gaano ako kahusay sa klase at ang aking pangarap na maging manggagamot, tungkol kay Tsetsen at ang kanyang mga kalokohan, kung paanong inalagaan kami ni Nanay habang isinisingit niya ang pagtatrabaho. Above|in|all|they wrote|they|how|how|(a particle for naming people)|Minggo|the|my|father|(linking verb)|told|to|them|how|how|I||in|class|and|the|my|dream|to|become|doctor|about|to|Tsetsen|and|the|his|(plural marker)|mischief|how|how|took care of|us|(particle for possessive)|Mother|while|she was squeezing in|she|the|working Above all, they wrote about how Minggo, my father, told them how good I am in class and my dream of becoming a doctor, about Tsetsen and his antics, and how Mom took care of us while she juggled work.

Labis na ipinagmamalaki niya ang kanyang pamilya. Kami. Kahit sa kabilang ibayo ng mga dagat, laging nasa piling niya kami. Excessively|(linker)|proud|he|the|his|family|We|Even|in|opposite|beyond|of|plural marker|seas|always|in the|presence|of him|us He is very proud of his family. Us. Even across the seas, we are always with him.

Ang mundo ay bilog. At tinalian ito ng tatay ko, si Ginoong Mundo, ng pisi ang paligid nito at dinala sa amin. The|world|is|round|And|tied|it|by|father|my|Mr|Mr|World|with|string|the|surrounding|of it|and|brought|to|us The world is round. And my father, Mr. World, tied it with a string around it and brought it to us.

Ngayon, iniuwi siya sa amin ng kanyang maraming kaibigan mula sa iba't ibang panig ng mundo. Now|brought|him|to|us|by|his|many|friends|from|in|different|other|parts|of|world Now, he has been brought back to us by his many friends from different parts of the world.

SENT_CWT:AFkKFwvL=13.04 PAR_TRANS:gpt-4o-mini=3.14 en:AFkKFwvL openai.2025-01-22 ai_request(all=71 err=0.00%) translation(all=59 err=0.00%) cwt(all=1297 err=7.25%)