×

我們使用cookies幫助改善LingQ。通過流覽本網站,表示你同意我們的 cookie 政策.


image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), TINAGALOG BOOK: SI PEDRO AT ANG UNGGOY by Robert San Souci w/ TAGALOG & ENGLISH Subtitles

TINAGALOG BOOK: SI PEDRO AT ANG UNGGOY by Robert San Souci w/ TAGALOG & ENGLISH Subtitles

Si Pedro at ang Unggoy

Isinalaysay muli ni Robert D. San Souci

Inilarawan ni Michael Hays

Noong unang panahon, si Pedro, isang kabataang Pilipinong magsasaka; ay pinepeste ng isang unggoy na nagnanakaw ng mais sa kanyang bukirin.

Sa wakas ay naglagay ng patibong ang binata para sa magnanakaw. Kinabukasan, natagpuan niya ang unggoy na nahuli sa bitag.

"Ipagbibili kita sa isang tao bilang isang alagang hayop!" sabi ni Pedro. "'Yan ang kabayaran sa lahat ng mais na ninakaw mo."

Biglang umiyak ang unggoy.

Sa pagkamangha ni Pedro, ang unggoy ay nakiusap, "Plis, pakawalan mo ako. Ipinapangako ko na hindi na magnanakaw pa ng mais."

Si Pedro ay sadyang may magandang kalooban, kaya pinalaya niya ang nilalang.

Ngayon sinabi ng unggoy, "Bilang kapalit ng kabaitan mo, isasaayos ko na ikasal ka sa anak ni Don Francisco, ang mayamang may-ari ng lupain dito."

"Anong kalokohan 'yan" nakatawang sabi ni Pedro, "dahil ako ay isang mahirap. Mababago mo ba iyon?"

"Maghintay ka at tignan natin kung anong mangyayari!" sigaw ng unggoy. Pagkatapos ay tumakbo siya papunta sa malaking asyenda ni Don Francisco.

Nakita niya ang mayamang matandang lalaki na nakaupo sa lilim ng matandang puno ng bubog. Ang mga sanga nito ay nakakalat na parang payong.

Mababang yumugod na sabi ng unggoy. "Ginoo, ang aking panginoon na Si Don Pedro ay malugod na nagsasabi kung pwedeng hiramin ang iyong panukat ng ganta , upang maitala niya ang kanyang pera."

Nabighani sa magandang ugali ng unggoy. Iniabot sa kanya ni Don Francisco ang parisukat na kahon na kahoy na ginamit niya sa pagsusukat ng bigas.

Nang ang unggoy ay nagmamadaling bumalik sa bukid ni Pedro: tanong ng binata. "Bakit mo ako dinalhan ng ganta? Wala akong sapat na bigas para mapuno ito."

"Wala itong kinalaman sa kung ano ang mayroon ka, ngunit sa kung ano ang gagawin ng ilan sa iyo." misteryosong sabi ng unggoy. "Ngayon, pautangin mo ako ng tatlong sentimos."

"Iyon lang ang pera ko!" sabi ni Pedro. Pero binigay pa rin niya sa unggoy ang mga barya.

Kinaumagahan, idinikit ng unggoy ang tatlong sentimo ni Pedro sa loob ng parisukat na sukatan, bago niya ito ibinalik. Nang makita ni Don Francisco ang mga barya, iniabot niya ito sa unggoy, na sinasabi. "Ang mga ito ay pag-aari ng iyong panginoon."

"Naku," natatawang sabi ng unggoy, "walang halaga ang tatlong sentimo sa isang kasing yaman ni Don Pedro. Itabi n'yo na ito bilang kabayaran sa pagpapahiram ninyo ng ganta."

At umalis na siya, iniwan si Don Francisco na nagtatakang nag-iisip na may nakatira sa malapit sa kanila na maaaring mas mayaman kaysa sa kanya.

Nang sabihin ng unggoy kay Pedro ang nangyari, dumaing ang magsasaka, "Una, kinain mo ang mga mais ko. Ngayon ay ipinamigay mo ang aking pera. Kung hindi pa ako ganoon kahirap, sasabihin kong sinira mo na ako."

"Konting tiis." sabi ng unggoy. "Magagantimpalaan ka sa lalong madaling panahon."

Makalipas ang isang linggo, nagpakita ang unggoy sa pintuan ni Don Francisco. Yumugod ng mababa at sinabing, "Ang aking panginoon na si Don Pedro, ay nais na humiram muli ng iyong sukatan ng ganta. Kumita siya ng malaking pera at nais niyang sukatin ito."

"Sino itong panginoon mo na sumusukat sa kanyang mga barya, habang binibilang ko ang akin?" tanong ni Don Francisco.

"Aba, siya ang pinakamayamang tao sa mundo!" sabi ng unggoy. "Ngunit siya ay mahiyain at bihirang umalis sa kanyang bahay."

Pumunta si Don Francisco para kunin ang panukat. Ngunit bago niya ito ibinigay sa unggoy, nagdikit siya ng apat na gintong barya sa ilalim. "Ngayon malalaman natin kung sino ang mas mayaman!" sabi niya sa sarili niya.

Nang makita ni Pedro ang mga barya, napabulalas siya, "Ibalik mo ito kaagad! Iisipin ni Don Francisco na ninakaw natin ang mga ito!"

"Huwag kang mag-alala," giit ng unggoy "Ito ay nagpapakita kung gaano kahusay ang aking plano."

Kinaumagahan, ibinalik ng unggoy ang panukat, na iniwang hindi nagalaw ang mga gintong barya. Si Don Francisco ay gumawa ng isang mahusay na palabas ng makita nya ang mga ito. "Sa iyong amo ba ang mga ito?" tanong niya.

Humalakhak ang unggoy at sinabing, "Nagiging pabaya na ang aking amo. Pero pera lang iyan—itabi mo na. Sa mga araw na ito ay mas nababahala si Don Pedro sa paghahanap ng mapapangasawa."

Iniisip niya na ang isang lalaking ubod ng yaman na hindi interesado sa ginto ay magiging isang perpektong manugang.

Sinabi ni Don Francisco, "Mayroon akong isang anak na babae, si Maria. Baka gusto ng panginoon mo na maghapunan sa amin bukas, at para magkakakilala tayong lahat."

"Matutuwa si Don Pedro." paniniguro ng unggoy sa kanya.

Nang sabihin ng unggoy kay Pedro ang nangyari ay sinabi ng magsasaka. "Paano ko bibisitahin sina Don Francisco at Maria? Malalaman nilang dukha ako sa oras na makita nila ang aking nanlilimahid na damit."

"Iwan mo na yan sa akin," sabi ng unggoy. Pagkatapos ay nagmamadali siyang pumunta sa tindahan ng negosyante ng mga damit.

"Ang aking panginoon na si Don Pedro, ang pinakamayamang tao sa mundo ay naghahangad ng bagong damit." sabi ng unggoy.

"Hinihiling niya na ilagay mo ang bayarin sa kanyang account, at babayaran ka niya sa loob ng isang buwan."

"Siyempre," sagot ng mangangalakal, na nasisiyahang magkaroon ng isang mayamang parokyano.

Kaya't si Pedro at ang unggoy ay nagpunta upang maghapunan kasama sina Don Francisco at Maria. Sa sandaling sila ay nagkita, sina Pedro at Maria ay nabighani sa piling ng isa't isa.

Habang kumakain, hindi nila maalis ang tinginan sa isa't isa. Sa pagtatapos ng gabi, sila ay umibig na sa isa't-isa.

Nang aalis na siya, si Pedro na nadala ng kanyang damdamin, ay sinabi kay Don Francisco. "Kung papayag si Maria, at kung ikalulugod mo. Gusto ko siyang pakasalan." "Ay, oo!" sabi ni Maria.

Ngunit ang tanging sinabi ni Don Francisco ay, "Marahil ay imbitahan mo kami sa iyong bahay, at maaari nating pag-usapan ang bagay na ito."

Nang mapagtantong hindi niya sila maiimbitahan sa kanyang mahirap na bahay, walang nasabi si Pedro.

Pero agad ding nagsalita ang unggoy. "Nahihiya ang aking panginoon dahil may idinadagdag siyang mga silid sa kanyang asyenda at ang bahay ay walang ilaw para sa mga panauhin.

Gayunpaman, ang mga ito ay halos tapos na. Sa loob ng tatlong araw. Isasama ko kayo sa ari-arian ni Don Pedro."

Namangha sa sinabi ng unggoy, tumango lamang si Pedro. Ngunit pagkaalis nila, tinanong niya, "Paano ko haharapin si Maria at ang kanyang ama sa aking kubo? Imposible!"

"Noon pa lang, naniwala kang imposibleng maghapunan sa hapag ni Don Francisco; sagot ng unggoy. "Iwan mo na lang sa akin ang mga bagay na ito."

Kinaumagahan, ginising ng unggoy si Pedro mula sa kanyang higaan. "Kumuha ka ng mahabang lubid, ulo ng palakol, at tambol, pagkatapos ay sumama ka sa akin."

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Pedro. "Sa higante, Burincantada."

"Halimaw si Burincantada!" sigaw ni Pedro. "Kinakain niya lahat ng taong nahuhuli niya."

"Siya rin ay isang hangal at duwag." sagot ng unggoy. "Kung umaasa kang pakasalan si Maria, gagawin mo ang sinasabi ko."

Kaya inipon ni Pedro ang lahat ng sinabi sa kanya ng unggoy. Pagkatapos ay sinundan nila ang isang lumang kalsada na patungo sa gubat patungo sa bahay ng higante sa mataas na burol.

Napaka engrande ng asyenda ni Burincantada—napaka elegante para sa gayong nilalang. Sa katunayan, matagal na niyang kinain ang mga tunay na may-ari ng asyenda.

"Magtago ka," sabi ng unggoy kay Pedro. "Kapag sumenyas ako, hampasin mo ng malakas ang tambol".

Tapos, bitbit ang lubid at ang bakal na palakol, ang unggoy ay buong tapang na kumatok sa malaking pinto ng higante.

Sa isang ungol, pinihit ni Burincantada ang pinto.

Siya ay kahindik-hindik, na may nagliliyab na pulang mga mata at kurbadong mga pangil, kaya't ang unggoy ay kailangang tawagin ang lahat ng kanyang katapangan upang hindi mag-tatakbo.

"Anong gusto mo?" angal ng higante.

"Ginoo," sabi ng unggoy. "Isang napakalaking kakila-kilabot na dambuhala ang parating dito. Kinakain niya ang bawat buhay na bagay na makita niya. Alam kong mayroon kang malalim na kuweba sa ilalim ng iyong bahay. Mangyaring hayaan mo akong magtago doon."

Ang balitang ito ay tumakot sa duwag na higante, ngunit siya ay umangas. "Bakit ako matatakot? Higante din ako!"

"Tunay na isang higante sa mga higante," papuri ng unggoy. "Ngunit ang dambuhalang ito ay sampung beses na mas mataas kaysa sa iyo.

Siya ay may anim na ulo, at bawat isa sa kanyang anim na bibig ay puno ng tatlong hanay ng mga ngiping metal.

Ako mismo ay nakakita sa kanya na dumakot ng isang pulutong ng mga kalabaw at nilamon ang mga kalabaw na ito sa isang kagat lang. Ngunit may espesyal siyang pagkagusto sa mga higante: kaya naman tinawag siyang Higanteng mangangain."

"Ay, ay, ay!" panaghoy ni Burincantada. "Talaga bang mayroong ganyang halimaw?"

"Tingnan mo," sabi ng unggoy, na hinayaan ang haba ng lubid na lumawit, mula sa kanyang paa. "Bilang patunay sa sinasabi ko. Nagdala ako ng buhok galing sa ulo ng dambuhala."

Sunod niyang itinaas ang ulo ng palakol at sinabing, "Naputol ang maliit na ngipin na ito nang ngumunguya siya ng mga bato para patalasin ang kanyang mga ngipin."

Sa wakas ay sinenyasan ng unggoy si Pedro, na nagsimulang hampasin ang tambol.

"Naririnig mo ba ang tunog ng tambol na iyon?" sigaw ng unggoy.

"Ang Higanteng mangangain ay kinakabog ang kanyang dibdib para hamunin ka. Malapit na siya!"

"Kailangan kong magtago!" sigaw ni Burincantada. Tumakbo siya sa isang malaking trapdoor, itinaas ito, at bumulusok pababa ang mga hakbang na patungo sa kalaliman ng bundok. Mabilis na isinara ng unggoy ang pinto ng bitag.

Nang sinamahan na siya ni Pedro, tinatakan ng dalawa ito ng bakal. Sa pagsaliksik sa bahay, natagpuan nila ang isang silid na puno ng ginto, habang ang isa pang silid ay may mga kulungan na puno ng mga tao.

Pinalaya ni Pedro at ng unggoy ang mga bihag, na nangakong gagawin ang lahat upang matulungan ang kanilang mga tagapagligtas.

Itinakda ni Pedro ang kalahati sa kanila sa paglilinis ng bahay at ang kalahati sa pag-aalaga ng mga baka at pag-aararo ng mga bukirin.

Sinabi sa kanila ng unggoy, "Kung may magtanong kung sino ang nagmamay-ari ng lahat ng ito, sabihin na ang lahat ay kay Don Pedro."

Pagkalipas ng dalawang araw, inihatid ng unggoy sina Don Francisco at Maria sa engrandeng bahay na tinitirhan ngayon ni Pedro.

Nang madaanan ng karwahe ni Don Francisco ang mga pastol at manggagawa sa bukid, nagtanong ang mayamang matanda. "Kaninong mga baka at lupain ang mga ito?"

Sumagot ang mga lalaki, "Sa aming panginoon na si Don Pedro." Sa wakas ay huminto ang karwahe sa harap ng napakagandang bahay sa burol.

Doon ay sinalubong ni Pedro, na mukha nang pinakamayamang tao sa mundo, ang kanyang mga panauhin.

Inilibot ng unggoy si Don Francisco sa paligid ng bahay. Ngunit si Pedro at Maria, na higit na nag-iibigan, na nakaupong magkatabi, nagbubulungan at nagtatawanan.

Sa wakas, hiniling muli ni Pedro ang kamay ni Maria. Sa pagkakataong ito ang kanyang ama ay nagbigay agad ng kanyang bendisyon.

Pagkatapos ng kasal, ginugol ng unggoy ang kalahati ng kanyang panahon sa pagbisita kay Don Francisco at ang kalahati ay naninirahan kasama sina Pedro at Maria, tinutulungan silang lahat sa kanyang magandang pagpapayo.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

TINAGALOG BOOK: SI PEDRO AT ANG UNGGOY by Robert San Souci w/ TAGALOG & ENGLISH Subtitles TINALOG-BUCH: SI PEDRO AT ANG UNGOY von Robert San Souci mit TAGALOG und ENGLISCHEN Untertiteln TINALOG BOOK: SI PEDRO AT ANG UNGOY by Robert San Souci w/ TAGALOG & ENGLISH Subtitles

Si Pedro at ang Unggoy Pedro and the Monkey

Isinalaysay muli ni Robert D. San Souci Retold by Robert D. San Souci

Inilarawan ni Michael Hays Illustrated by Michael Hays

Noong unang panahon, si Pedro, isang kabataang Pilipinong magsasaka; ay pinepeste ng isang unggoy na nagnanakaw ng mais sa kanyang bukirin. Long ago, Pedro, a young Filipino farmer; was plagued by a monkey who stole corn from his field. Er was eens Pedro, een jonge Filippijnse boer; wordt geplaagd door een aap die maïs van zijn boerderij steelt.

Sa wakas ay naglagay ng patibong ang binata para sa magnanakaw. Kinabukasan, natagpuan niya ang unggoy na nahuli sa bitag. Finally the young man set a snare for the thief. The next day, he found the monkey caught in the trap. Uiteindelijk zette de jongeman een val voor de dief. De volgende dag vond hij de aap gevangen in de val.

"Ipagbibili kita sa isang tao bilang isang alagang hayop!" sabi ni Pedro. "'Yan ang kabayaran sa lahat ng mais na ninakaw mo." "I'm going to sell you to someone as a pet!" said Pedro. "That will repay me for all the corn you've stolen." "Ik zal je als huisdier aan iemand verkopen!" zei Petrus. 'Dat is de betaling voor al het maïs dat je hebt gestolen.'

Biglang umiyak ang unggoy. The monkey burst into tears. Opeens huilde de aap.

Sa pagkamangha ni Pedro, ang unggoy ay nakiusap, "Plis, pakawalan mo ako. Ipinapangako ko na hindi na magnanakaw pa ng mais." Then, to Pedro's amazement, the monkey begged, "Please let me go. I promise not to steal any more corn." Tot Pedro's verbazing smeekte de aap: 'Laat me alsjeblieft gaan. Ik beloof dat ik geen maïs meer zal stelen.'

Si Pedro ay sadyang may magandang kalooban, kaya pinalaya niya ang nilalang. Pedro had a generous heart, so he set the creature free.

Ngayon sinabi ng unggoy, "Bilang kapalit ng kabaitan mo, isasaayos ko na ikasal ka sa anak ni Don Francisco, ang mayamang may-ari ng lupain dito." Now the monkey said, "In return for your kindness, I will arrange for you to marry the daughter of Don Francisco, the rich landowner."

"Anong kalokohan 'yan" nakatawang sabi ni Pedro, "dahil ako ay isang mahirap. Mababago mo ba iyon?" "What nonsense," said Pedro, chuckling, "since I am so poor. Can you change that?"

"Maghintay ka at tignan natin kung anong mangyayari!" sigaw ng unggoy. Pagkatapos ay tumakbo siya papunta sa malaking asyenda ni Don Francisco. "Wait and see!" cried the monkey. Then he scampered off to the grand manor of Don Francisco.

Nakita niya ang mayamang matandang lalaki na nakaupo sa lilim ng matandang puno ng bubog. Ang mga sanga nito ay nakakalat na parang payong. He found the wealthy man seated in the shade of an old bubog tree. Its branches spread like an umbrella.

Mababang yumugod na sabi ng unggoy. "Ginoo, ang aking panginoon na Si Don Pedro ay malugod na nagsasabi kung pwedeng hiramin ang iyong panukat ng ganta , upang maitala niya ang kanyang pera." Bowing low, the monkey said. "Sir, my master Don Pedro graciously asks to borrow your ganta-measure, so that he may tally up his money."

Nabighani sa magandang ugali ng unggoy. Iniabot sa kanya ni Don Francisco ang parisukat na kahon na kahoy na ginamit niya sa pagsusukat ng bigas. Charmed by the monkey's good manners. Don Francisco handed him the square wooden box he used to measure out rice.

Nang ang unggoy ay nagmamadaling bumalik sa bukid ni Pedro: tanong ng binata. "Bakit mo ako dinalhan ng ganta? Wala akong sapat na bigas para mapuno ito." When the monkey scurried back to Pedro's farm, the young man asked. "Why did you bring me a ganta? I don't have enough rice to fill it even once."

"Wala itong kinalaman sa kung ano ang mayroon ka, ngunit sa kung ano ang gagawin ng ilan sa iyo." misteryosong sabi ng unggoy. "Ngayon, pautangin mo ako ng tatlong sentimos." "This has nothing to do with what you have, but with what will some to you." the monkey said mysteriously. "Now, loan me three centavos."

"Iyon lang ang pera ko!" sabi ni Pedro. Pero binigay pa rin niya sa unggoy ang mga barya. "That is all the money I have!" said Pedro. But he gave the monkey the coins anyway.

Kinaumagahan, idinikit ng unggoy ang tatlong sentimo ni Pedro sa loob ng parisukat na sukatan, bago niya ito ibinalik. Nang makita ni Don Francisco ang mga barya, iniabot niya ito sa unggoy, na sinasabi. "Ang mga ito ay pag-aari ng iyong panginoon." The next morning, the monkey stuck Pedro's three centavos to the inside of the measure before he returned it. When Don Francisco saw the coins, he held them out to the monkey, saying. "These belong to your master."

"Naku," natatawang sabi ng unggoy, "walang halaga ang tatlong sentimo sa isang kasing yaman ni Don Pedro. Itabi n'yo na ito bilang kabayaran sa pagpapahiram ninyo ng ganta." "Oh," said the monkey laughing, "three centavos don't mean anything to someone as rich as Don Pedro. Please keep them to pay for the loan of your ganta-measure."

At umalis na siya, iniwan si Don Francisco na nagtatakang nag-iisip na may nakatira sa malapit sa kanila na maaaring mas mayaman kaysa sa kanya. And off he went, leaving Don Francisco astounded to think there was someone living nearby who might be richer than he.

Nang sabihin ng unggoy kay Pedro ang nangyari, dumaing ang magsasaka, "Una, kinain mo ang mga mais ko. Ngayon ay ipinamigay mo ang aking pera. Kung hindi pa ako ganoon kahirap, sasabihin kong sinira mo na ako." When the monkey told Pedro what had happened, the farmer complained, "First you eat my corn. Now you give away my money. If I was not so poor already, I would say you have ruined me."

"Konting tiis." sabi ng unggoy. "Magagantimpalaan ka sa lalong madaling panahon." "Have patience.-"said the monkey. "You'll be rewarded soon enough."

Makalipas ang isang linggo, nagpakita ang unggoy sa pintuan ni Don Francisco. Yumugod ng mababa at sinabing, "Ang aking panginoon na si Don Pedro, ay nais na humiram muli ng iyong sukatan ng ganta. Kumita siya ng malaking pera at nais niyang sukatin ito." One week later, the monkey presented himself at Don Francisco's door. Bowing low, he said, "My master, Don Pedro, wishes to borrow your ganta-measure again. He has just made a great deal more money and wants to measure it."

"Sino itong panginoon mo na sumusukat sa kanyang mga barya, habang binibilang ko ang akin?" tanong ni Don Francisco. "Who is this master of yours who measures his coins, while I count mine?" asked Don Francisco.

"Aba, siya ang pinakamayamang tao sa mundo!" sabi ng unggoy. "Ngunit siya ay mahiyain at bihirang umalis sa kanyang bahay." "Why, he is the richest man in the world!" said the monkey. "But he is shy and rarely leaves his house."

Pumunta si Don Francisco para kunin ang panukat. Ngunit bago niya ito ibinigay sa unggoy, nagdikit siya ng apat na gintong barya sa ilalim. "Ngayon malalaman natin kung sino ang mas mayaman!" sabi niya sa sarili niya. Don Francisco went to fetch the measure. But before he gave it to the monkey, he stuck four gold coins to the bottom. "Now we'll find out who's the richer man!" he said to himself.

Nang makita ni Pedro ang mga barya, napabulalas siya, "Ibalik mo ito kaagad! Iisipin ni Don Francisco na ninakaw natin ang mga ito!" When Pedro saw the coins, he exclaimed, "Return these at once! Don Francisco will think we have stolen them!"

"Huwag kang mag-alala," giit ng unggoy "Ito ay nagpapakita kung gaano kahusay ang aking plano." "Don't worry," the monkey insisted "This shows how well my plan is going."

Kinaumagahan, ibinalik ng unggoy ang panukat, na iniwang hindi nagalaw ang mga gintong barya. Si Don Francisco ay gumawa ng isang mahusay na palabas ng makita nya ang mga ito. "Sa iyong amo ba ang mga ito?" tanong niya. The next morning, the monkey returned the measure, leaving the gold coins untouched. Don Francisco made a great show of discovering them. "Do these belong to your master?" he asked.

Humalakhak ang unggoy at sinabing, "Nagiging pabaya na ang aking amo. Pero pera lang iyan—itabi mo na. Sa mga araw na ito ay mas nababahala si Don Pedro sa paghahanap ng mapapangasawa." The monkey chuckled and said, "My master is getting careless. But it's only money—keep it. These days Don Pedro is more concerned with finding a wife."

Iniisip niya na ang isang lalaking ubod ng yaman na hindi interesado sa ginto ay magiging isang perpektong manugang. Thinking that a man wealthy enough to be indifferent to gold would be an ideal son-in-law.

Sinabi ni Don Francisco, "Mayroon akong isang anak na babae, si Maria. Baka gusto ng panginoon mo na maghapunan sa amin bukas, at para magkakakilala tayong lahat." Don Francisco said, "I have a daughter, Maria. Perhaps your master will dine with us tomorrow, and we can all become better acquainted."

"Matutuwa si Don Pedro." paniniguro ng unggoy sa kanya. "Don Pedro will be delighted." the monkey assured him.

Nang sabihin ng unggoy kay Pedro ang nangyari ay sinabi ng magsasaka. "Paano ko bibisitahin sina Don Francisco at Maria? Malalaman nilang dukha ako sa oras na makita nila ang aking nanlilimahid na damit." 'When the monkey told Pedro what had happened the farmer said. "How can I call on Don Francisco and Maria? They will know I'm a poor man the moment they see my shabby clothes."

"Iwan mo na yan sa akin," sabi ng unggoy. Pagkatapos ay nagmamadali siyang pumunta sa tindahan ng negosyante ng mga damit. "Leave that to me," said the monkey. Then he hurried to the shop of the clothes merchant.

"Ang aking panginoon na si Don Pedro, ang pinakamayamang tao sa mundo ay naghahangad ng bagong damit." sabi ng unggoy. "My master, Don Pedro, the richest man in the world desires a new outfit." said the monkey.

"Hinihiling niya na ilagay mo ang bayarin sa kanyang account, at babayaran ka niya sa loob ng isang buwan." "He asks that you put the charge on his account, and he will pay you within the month."

"Siyempre," sagot ng mangangalakal, na nasisiyahang magkaroon ng isang mayamang parokyano. "Of course," the merchant replied, pleased to have such a wealthy customer.

Kaya't si Pedro at ang unggoy ay nagpunta upang maghapunan kasama sina Don Francisco at Maria. Sa sandaling sila ay nagkita, sina Pedro at Maria ay nabighani sa piling ng isa't isa. So it was that Pedro and the monkey went to dine with Don Francisco and Maria. The moment they met, Pedro and Maria found themselves charmed by each other's company.

Habang kumakain, hindi nila maalis ang tinginan sa isa't isa. Sa pagtatapos ng gabi, sila ay umibig na sa isa't-isa. All during the meal, they could not keep their eyes off each other. By evening's end, they had fallen in love.

Nang aalis na siya, si Pedro na nadala ng kanyang damdamin, ay sinabi kay Don Francisco. "Kung papayag si Maria, at kung ikalulugod mo. Gusto ko siyang pakasalan." "Ay, oo!" sabi ni Maria. When he was about to leave, Pedro. carried away with emotion, said to Don Francisco. "If Maria agrees, and if it pleases you. I would like to marry her." "Oh, yes!" cried Maria.

Ngunit ang tanging sinabi ni Don Francisco ay, "Marahil ay imbitahan mo kami sa iyong bahay, at maaari nating pag-usapan ang bagay na ito." But all Don Francisco said was, "Perhaps you will invite, us to your house, and we can discuss this matter further."

Nang mapagtantong hindi niya sila maiimbitahan sa kanyang mahirap na bahay, walang nasabi si Pedro. Realizing that he could not invite them to his poor farmhouse, Pedro said nothing.

Pero agad ding nagsalita ang unggoy. "Nahihiya ang aking panginoon dahil may idinadagdag siyang mga silid sa kanyang asyenda at ang bahay ay walang ilaw para sa mga panauhin. But the monkey spoke right up. "My master is embarrassed because he is having some rooms added to his manor and the house is unlit for guests.

Gayunpaman, ang mga ito ay halos tapos na. Sa loob ng tatlong araw. Isasama ko kayo sa ari-arian ni Don Pedro." However, the work is nearly done. In three days. I will escort you to Don Pedro's estate."

Namangha sa sinabi ng unggoy, tumango lamang si Pedro. Ngunit pagkaalis nila, tinanong niya, "Paano ko haharapin si Maria at ang kanyang ama sa aking kubo? Imposible!" Astonished by what the monkey said, Pedro only nodded. But after they departed, he asked, "How can I entertain Maria and her father in my hut? It is impossible!"

"Noon pa lang, naniwala kang imposibleng maghapunan sa hapag ni Don Francisco; sagot ng unggoy. "Iwan mo na lang sa akin ang mga bagay na ito." "Not long ago. you believed it was impossible to dine at Don Francisco's table; replied the monkey. "Just leave things to me."

Kinaumagahan, ginising ng unggoy si Pedro mula sa kanyang higaan. "Kumuha ka ng mahabang lubid, ulo ng palakol, at tambol, pagkatapos ay sumama ka sa akin." Early the next morning, the monkey roused Pedro from his bed. "Fetch a length of rope, an ax-head, and a drum, then come with me."

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Pedro. "Sa higante, Burincantada." "Where are we going?" asked Pedro. "To the giant, Burincantada."

"Halimaw si Burincantada!" sigaw ni Pedro. "Kinakain niya lahat ng taong nahuhuli niya." "Burincantada is a monster!" cried Pedro. "He eats all the people he catches."

"Siya rin ay isang hangal at duwag." sagot ng unggoy. "Kung umaasa kang pakasalan si Maria, gagawin mo ang sinasabi ko." "He is also a fool and a coward." answered the monkey. "If you hope to marry Maria, you'll do as I say."

Kaya inipon ni Pedro ang lahat ng sinabi sa kanya ng unggoy. Pagkatapos ay sinundan nila ang isang lumang kalsada na patungo sa gubat patungo sa bahay ng higante sa mataas na burol. So, Pedro gathered everything the monkey told him to. Then they followed an old road that led through the jungle to the giant's house high on a hill.

Napaka engrande ng asyenda ni Burincantada—napaka elegante para sa gayong nilalang. Sa katunayan, matagal na niyang kinain ang mga tunay na may-ari ng asyenda. Burincantada's manor was very grand—far too elegant for such a creature. In fact, he had gobbled up the rightful owners long ago.

"Magtago ka," sabi ng unggoy kay Pedro. "Kapag sumenyas ako, hampasin mo ng malakas ang tambol". "You stay hidden," the monkey told Pedro. "When I signal, pound the drum loudly"

Tapos, bitbit ang lubid at ang bakal na palakol, ang unggoy ay buong tapang na kumatok sa malaking pinto ng higante. Then, carrying the rope and the metal axhead, the monkey boldly knocked on the giant's huge door.

Sa isang ungol, pinihit ni Burincantada ang pinto. With a growl, Burincantada wrenched the door open.

Siya ay kahindik-hindik, na may nagliliyab na pulang mga mata at kurbadong mga pangil, kaya't ang unggoy ay kailangang tawagin ang lahat ng kanyang katapangan upang hindi mag-tatakbo. He was so hideous, with blazing red eyes and curving tusks, that the monkey had to summon all his courage to keep from running away. "What do you want?" the giant roared.

"Anong gusto mo?" angal ng higante. "What do you want?" growled the giant.

"Ginoo," sabi ng unggoy. "Isang napakalaking kakila-kilabot na dambuhala ang parating dito. Kinakain niya ang bawat buhay na bagay na makita niya. Alam kong mayroon kang malalim na kuweba sa ilalim ng iyong bahay. Mangyaring hayaan mo akong magtago doon." "Sir," said the monkey. "a huge horrible ogre is coming this way. He is eating every living thing he finds. I know you have deep caves under your house. Please let me hide there."

Ang balitang ito ay tumakot sa duwag na higante, ngunit siya ay umangas. "Bakit ako matatakot? Higante din ako!" This news frightened the cowardly giant, but he blustered. "Why should I be afraid? I'm a giant, too!"

"Tunay na isang higante sa mga higante," papuri ng unggoy. "Ngunit ang dambuhalang ito ay sampung beses na mas mataas kaysa sa iyo. "Truly a giant among giants," the monkey said flatteringly. "But this ogre stands ten times as tall as you. He has six heads, and each of his six mouths is filled with three rows of metal teeth.

Siya ay may anim na ulo, at bawat isa sa kanyang anim na bibig ay puno ng tatlong hanay ng mga ngiping metal. He has six heads, and each of his six mouths is filled with three rows of metal teeth.

Ako mismo ay nakakita sa kanya na dumakot ng isang pulutong ng mga kalabaw at nilamon ang mga kalabaw na ito sa isang kagat lang. Ngunit may espesyal siyang pagkagusto sa mga higante: kaya naman tinawag siyang Higanteng mangangain." I myself have seen him snatch up a handful of carabao and swallow these water buffalo down in a single bite. But he has a special liking for giants: that's why he is called the Giant-Eater."

"Ay, ay, ay!" panaghoy ni Burincantada. "Talaga bang mayroong ganyang halimaw?" "Oh, oh, oh!" walied Burincantada. "Can such a monster really exist?"

"Tingnan mo," sabi ng unggoy, na hinayaan ang haba ng lubid na lumawit, mula sa kanyang paa. "Bilang patunay sa sinasabi ko. Nagdala ako ng buhok galing sa ulo ng dambuhala." "Look," said the monkey, letting the length of rope dangle, from his paw. "As proof of what I'm saying. I brought a hair from the ogre's head."

Sunod niyang itinaas ang ulo ng palakol at sinabing, "Naputol ang maliit na ngipin na ito nang ngumunguya siya ng mga bato para patalasin ang kanyang mga ngipin." Next he held up the axhead, saying. This tiny tooth broke off when he was chewing stones to sharpen his teeth."

Sa wakas ay sinenyasan ng unggoy si Pedro, na nagsimulang hampasin ang tambol. Finally the monkey signaled Pedro, who began pounding on the drum.

"Naririnig mo ba ang tunog ng tambol na iyon?" sigaw ng unggoy. "Hear that booming?" yelled the monkey. "The Giant-Eater is beating his chest to challenge you. He's almost here!"

"Ang Higanteng mangangain ay kinakabog ang kanyang dibdib para hamunin ka. Malapit na siya!" "The Giant Eater is beating his chest to challenge you. He's coming!"

"Kailangan kong magtago!" sigaw ni Burincantada. Tumakbo siya sa isang malaking trapdoor, itinaas ito, at bumulusok pababa ang mga hakbang na patungo sa kalaliman ng bundok. Mabilis na isinara ng unggoy ang pinto ng bitag. "I have to hide!" shouted Burincantada. He ran to a large trapdoor, lifted it, and plunged down the steps leading into the depths of the mountain. The monkey quickly closed the trap door.

Nang sinamahan na siya ni Pedro, tinatakan ng dalawa ito ng bakal. Sa pagsaliksik sa bahay, natagpuan nila ang isang silid na puno ng ginto, habang ang isa pang silid ay may mga kulungan na puno ng mga tao. Searching the house, they found one room filled with gold, while another room held cages crowded with people.

Pinalaya ni Pedro at ng unggoy ang mga bihag, na nangakong gagawin ang lahat upang matulungan ang kanilang mga tagapagligtas. Pedro and the monkey freed the captives, who promised to do anything to help their rescuers.

Itinakda ni Pedro ang kalahati sa kanila sa paglilinis ng bahay at ang kalahati sa pag-aalaga ng mga baka at pag-aararo ng mga bukirin. Pedro set half of them to cleaning the house and the other half to tending the cattle and plowing the fields of the estate.

Sinabi sa kanila ng unggoy, "Kung may magtanong kung sino ang nagmamay-ari ng lahat ng ito, sabihin na ang lahat ay kay Don Pedro." The monkey told them," If anyone asks who owns all this, say that everything belongs to Don Pedro."

Pagkalipas ng dalawang araw, inihatid ng unggoy sina Don Francisco at Maria sa engrandeng bahay na tinitirhan ngayon ni Pedro. "Two days later, the monkey escorted Don Francisco and Maria to the grand house where Pedro now lived.

Nang madaanan ng karwahe ni Don Francisco ang mga pastol at manggagawa sa bukid, nagtanong ang mayamang matanda. "Kaninong mga baka at lupain ang mga ito?" As Don Francisco's carriage passed the herdsmen and field hands, the rich man asked. "Whose cattle and lands are these?"

Sumagot ang mga lalaki, "Sa aming panginoon na si Don Pedro." Sa wakas ay huminto ang karwahe sa harap ng napakagandang bahay sa burol. The men answered, "To our master Don Pedro." Finally the carriage stopped in front of a beautiful house on the hill.

Doon ay sinalubong ni Pedro, na mukha nang pinakamayamang tao sa mundo, ang kanyang mga panauhin. There Peter, who looked like the richest man in the world, greeted his guests.

Inilibot ng unggoy si Don Francisco sa paligid ng bahay. Ngunit si Pedro at Maria, na higit na nag-iibigan, na nakaupong magkatabi, nagbubulungan at nagtatawanan. The monkey took Don Francisco on a tour of the house. But Pedro and Maria, more in love than ever, sat side by side, whispering and laughing together.

Sa wakas, hiniling muli ni Pedro ang kamay ni Maria. Sa pagkakataong ito ang kanyang ama ay nagbigay agad ng kanyang bendisyon. At last, Pedro asked again for Maria's hand. This time her father gave his blessing on the spot.

Pagkatapos ng kasal, ginugol ng unggoy ang kalahati ng kanyang panahon sa pagbisita kay Don Francisco at ang kalahati ay naninirahan kasama sina Pedro at Maria, tinutulungan silang lahat sa kanyang magandang pagpapayo. After the wedding, the monkey spent half his time visiting Don Francisco and half residing with Pedro and Maria, helping them all with his good advice.