×

我們使用cookies幫助改善LingQ。通過流覽本網站,表示你同意我們的 cookie 政策.

image

Storybooks Canada Tagalog, Batang Asno

Batang Asno

Isang batang babae ang unang nakakita ng kakaibang hugis mula sa malayo.

Habang papalapit nang papalapit ang hugis, nakita niyang isa itong babaeng nagdadalang-tao.

Mahiyain pero matapang, lumapit ang batang babae sa babaeng nagdadalang-tao. “Kailangan natin siyang panatilihin dito,” napagdesisyunan ng mga kababayan ng batang babae. “Aalagaan natin ang ina at anak.”

Sa madaling panahon ay lumabas din ang bata. “Tulak pa!” “Kumot!” “Tubig!” “Kaunti na laaaaannnnnggg!”

Ngunit nasindak ang lahat nang lumabas ang sanggol. “Isang asno? !”

Nagsimulang mag-away ang lahat, “Sinabi nating aalagaan natin ang ang ina at anak, at iyon ang gagawin natin,” sabi ng iba. “Pero magdadala ito ng kamalasan sa atin!” sabi ng iba.

At muli ay mag-isa na naman ang babae. Inisip niya kung ano ang gagawin sa kanyang bardagol na anak. Inisip niya kung ano ang gagawin sa sarili niya.

Pero sa huli ay tinanggap niya na anak niya ang asno at siya ang ina nito.

Ngayon, kung hindi nagbago ang batang ito at nanatiling maliit, marahil ay iba ang lahat. Pero lumaki nang lumaki ang batang asno hanggang sa hindi na ito makarga sa likod ng kanyang ina. At kahit anong gawin niya, hindi nito kayang magpakatao. Madalas ay nararamdaman ng kanyang ina ang kapaguran at pagkabigo. Minsan ay pinagagawa niya rito ang mga gawaing pang-hayop.

Unti-unting umiral ang pagkalito at galit kay Asno. Hindi siya puwedeng gumawa ng ganito at ganyan. Hindi siya puwedeng maging ganito at ganyan. Isang araw, tinadyakan niya ang kanyang ina sa sobrang galit.

Nakaramdam ng pagkahiya si Asno. Tumakbo siya ng napakabilis para tumakas.

Gabi na nang tumigil siya sa pagktakbo, at nawala siya. “Hi haw?” bulong niya sa kadiliman. “Hi Haw?” ulyaw nito. Mag-isa siya. Niyakap niya ang sarili niya na parang bolang mahigpit, at nakatulog siya ng mahimbing at maligalig.

Nagising si Asno at nakita ang isang kakaibang matandang lalake na nakatitig sa kanya. Tumingin siya sa mga mata nito at nakaramdam ng pag-asa.

Nakituloy si Asno sa matandang lalake na siyang nagturo sa kanya ng iba't ibang paraan para mamuhay. Nakinig at natuto si Asno, at gayundin naman ang matandang lalake. Nagtulungan sila, at nagtawanan sila.

Isang umaga, nakiusap ang matandang lalake na dalhin siya ni Asno sa tuktok ng isang bundok.

Nakatulog sila sa itaas ng bundok, kapantay ang mga ulap. Napanaginipan ni Asno na may sakit ang kanyang ina at nananawagan ito. At nang magising siya…

…nawala na ang mga ulap kasama ng kanyang kaibigan, ang matandang lalake.

Alam na ni Asno kung ano ang dapat gawin.

Nakita ni Asno ang kanyang ina, nag-iisa at nagluluksa para kanyang nawawalang anak. Matagal silang tumitig sa isa't isa. At pagkatapos ay nagyakapan sila nang nakapahigpit.

Ang batang asno at ang kanyang ina ay tumanda nang magkasama at nakahanap ng maraming paraan para mamuhay nang magkaagapay. Unti-unting pumalagay ang mga pamilya sa paligid nila.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

Batang Asno |Young Donkey Junger Esel Young Donkey 若いロバ 어린 당나귀 Młody Osioł

Isang batang babae ang unang nakakita ng kakaibang hugis mula sa malayo. ||||first|saw||unusual|shape|from||afar A girl is the first to see a strange shape from afar.

Habang papalapit nang papalapit ang hugis, nakita niyang isa itong babaeng nagdadalang-tao. while|getting closer||getting closer||shape||||||pregnant| As the shape got closer and closer, he saw that it was a pregnant woman.

Mahiyain pero matapang, lumapit ang batang babae sa babaeng nagdadalang-tao. Shy||brave|approached||||||pregnant| Shy but brave, the girl approached the pregnant woman. “Kailangan natin siyang panatilihin dito,” napagdesisyunan ng mga kababayan ng batang babae. |||keep||decided by|||fellow countrymen||| "We have to keep her here," the girl's compatriots decided. “Aalagaan natin ang ina at anak.” Take care of|||mother|| "We will take care of the mother and child."

Sa madaling panahon ay lumabas din ang bata. in|soon|time||will go out|||child Soon the child also came out. “Tulak pa!” “Kumot!” “Tubig!” “Kaunti na laaaaannnnnggg!” Push||Blanket|Water!|just a little|only|"Just a bit more!" “Push further!” “Blanket!” “Water!” "Just a little laaaaannnnnggg!"

Ngunit nasindak ang lahat nang lumabas ang sanggol. but|were all shocked||||came out||baby But everyone was shocked when the baby came out. “Isang asno? |donkey “A donkey? !” !”

Nagsimulang mag-away ang lahat, “Sinabi nating aalagaan natin ang ang ina at anak, at iyon ang gagawin natin,” sabi ng iba. began||fight|||||we will take care of||the|the|mother||||||||||others Everyone started fighting, "We said we will take care of the mother and child, and that's what we will do," said the others. “Pero magdadala ito ng kamalasan sa atin!” sabi ng iba. |"will bring"|||bad luck||us||| "But it will bring us bad luck!" others said.

At muli ay mag-isa na naman ang babae. |again||||again||| And the woman was alone again. Inisip niya kung ano ang gagawin sa kanyang bardagol na anak. Thought about|he|if|what|the|to do||his|big, clumsy child||child She thought about what to do with her big bodied son. Inisip niya kung ano ang gagawin sa sarili niya. thought|||||||| He thought what to do with himself.

Pero sa huli ay tinanggap niya na anak niya ang asno at siya ang ina nito. ||in the end|(emphasis particle)|accepted|he|||||donkey||||mother| But in the end she accepted that the donkey was her son and that she was its mother.

Ngayon, kung hindi nagbago ang batang ito at nanatiling maliit, marahil ay iba ang lahat. |||changed||child|||remained|small|perhaps|||| Now, if this boy hadn't changed and stayed small, maybe everything would have been different. Pero lumaki nang lumaki ang batang asno hanggang sa hindi na ito makarga sa likod ng kanyang ina. |grew||grew|||||||||carry||back||| But the young donkey grew bigger and bigger until it could no longer be carried on its mother's back. At kahit anong gawin niya, hindi nito kayang magpakatao. |||||||capable of|act humanely And no matter what he does, he can't become human. Madalas ay nararamdaman ng kanyang ina ang kapaguran at pagkabigo. often|||||||fatigue||failure His mother often feels tired and frustrated. Minsan ay pinagagawa niya rito ang mga gawaing pang-hayop. ||makes do||here|||tasks|| Sometimes he had her do the animal work.

Unti-unting umiral ang pagkalito at galit kay Asno. |slowly|set in||confusion|||| Little by little, Donkey became confused and angry. Hindi siya puwedeng gumawa ng ganito at ganyan. |||||this||like that He can't do this and that. Hindi siya puwedeng maging ganito at ganyan. ||||||like that He cannot be like this and like that. Isang araw, tinadyakan niya ang kanyang ina sa sobrang galit. ||kicked||||||extreme| One day, he stomped on his mother in a rage.

Nakaramdam ng pagkahiya si Asno. Felt||felt embarrassed|| Donkey felt ashamed. Tumakbo siya ng napakabilis para tumakas. |||very fast||escape He ran very fast to escape.

Gabi na nang tumigil siya sa pagktakbo, at nawala siya. |||stopped|||running||disappeared| It was night when he stopped running, and he disappeared. “Hi haw?” bulong niya sa kadiliman. "Hi there?"|"Hi love?"|whispered|her||darkness "Hi huh?" he whispered in the darkness. “Hi Haw?” ulyaw nito. |Haw|"teased"| "Hi Haw?" it's flattering. Mag-isa siya. ||he He is alone. Niyakap niya ang sarili niya na parang bolang mahigpit, at nakatulog siya ng mahimbing at maligalig. Hugged||||||like|tight ball|tight||fell asleep|he||deeply||restless He hugged himself like a tight ball, and he fell into a deep and restless sleep.

Nagising si Asno at nakita ang isang kakaibang matandang lalake na nakatitig sa kanya. Woke up||||||||old|old man||staring at him|| Donkey woke up and saw a strange old man staring at him. Tumingin siya sa mga mata nito at nakaramdam ng pag-asa. looked||||||||||hope He looked into his eyes and felt hope.

Nakituloy si Asno sa matandang lalake na siyang nagturo sa kanya ng iba't ibang paraan para mamuhay. Stayed with||||||||taught||||||ways||to live Donkey stayed with the old man who taught him different ways to live. Nakinig at natuto si Asno, at gayundin naman ang matandang lalake. Listened||learned||||likewise||||man Donkey listened and learned, and so did the old man. Nagtulungan sila, at nagtawanan sila. Worked together|||laughed together| They worked together, and they laughed.

Isang umaga, nakiusap ang matandang lalake na dalhin siya ni Asno sa tuktok ng isang bundok. ||pleaded|||||bring|||Donkey||top|||mountain One morning, the old man begged Donkey to take him to the top of a mountain.

Nakatulog sila sa itaas ng bundok, kapantay ang mga ulap. |||top||mountain|level with|||clouds They fell asleep on top of the mountain, level with the clouds. Napanaginipan ni Asno na may sakit ang kanyang ina at nananawagan ito. Dreamed about||||||||||calling out| Donkey dreamed that his mother was sick and calling for him. At nang magising siya… ||wakes up| And when he woke up…

…nawala na ang mga ulap kasama ng kanyang kaibigan, ang matandang lalake. has disappeared||||clouds||||||| ...the clouds have disappeared with his friend, the old man.

Alam na ni Asno kung ano ang dapat gawin. |||Donkey||||| Donkey already knows what to do.

Nakita ni Asno ang kanyang ina, nag-iisa at nagluluksa para kanyang nawawalang anak. ||Donkey|||||||mourning|||missing| Asno saw his mother, alone and mourning for her lost child. Matagal silang tumitig sa isa't isa. a long time||stared at||each other| They stared at each other for a long time. At pagkatapos ay nagyakapan sila nang nakapahigpit. |||hugged tightly|||tightly And then they hugged tightly.

Ang batang asno at ang kanyang ina ay tumanda nang magkasama at nakahanap ng maraming paraan para mamuhay nang magkaagapay. the||donkey||||||grew old together||||found|||||live||side by side The young donkey and his mother grow old together and find many ways to live side by side. Unti-unting pumalagay ang mga pamilya sa paligid nila. |little by little|settled down|||||around| Gradually the families settled around them.