×

Vi använder kakor för att göra LingQ bättre. Genom att besöka sajten, godkänner du vår cookie-policy.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: BAKIT HIRAP MAG-BASA SI FELIX (XILEF) WITH TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOK: BAKIT HIRAP MAG-BASA SI FELIX (XILEF) WITH TAGALOG SUBTITLES

XILEF

Kuwento ni Augie Rivera

Guhit ni Beth Parrocha-Doctolero

Inilathala ng Adarna House

(MUSIC)

Space station Pollux-2000...ito si Kapitan X....

isang kumpol ng asteroyd ang palutang-Iutang sa kalawakan....over....

nagbabanta itong bumulusok sa planetang Xtimus... over ....

Gagawin ko ang lahat....over and out... ha!

Sa pamamagitan ng aking laser sword, buburahin ko sa balat ng kalawakan ang mga asteroyd na 'yan!

Um! Um! Um!

(TUNOG NG LASER SWORD!)

Biglang nagtawanan ang buong klase.

Naging pambura ang aking laser sword!

At ang mga asteroyd? Naging mga titik sa blakbord!

"Arriola! Bakit mo binura?

Kumokopya pa ng aralin ang mga kaklase mo!" sigaw ni Ma'am Venus.

Napayuko na lang ako at nagsabing: "E, Ma'am akala ko po, mga asteroyd 'yung...."

"Anong asteroyd? Kung saan-saang planeta na naman ba lumilipad 'yang utak mo?

Hala! Sa sulok! Sa sulooookkkkk!"

bulyaw pa ni Ma'am Venus na ngayon ko lang napansing anim pala ang daliri ng kanang paa.

Minsan, nang tatawag si Ma'am Venus ng magbabasa sa harap ng klase,

hindi ako nagtaas ng kamay. Ibinagsak ko ang lapis ko sa sahig.

Para may dahilan akong yumuko. At magtago.

Sinong mag-aakalang may mata rin pala sa kaliwang tuhod si Ma'am Venus?

Biro mo, ako pa rin ang nakita!

Nang buklatin ko ang libro, parang biglang gumalaw ang mga titik.

May lumipad, nagpalutang-lutang, bumulusok at kumampay kampay sa paligid ng mga pahina ng libro.

At kahit anong gawin ko, hindi ko talaga sila mabasa:

"D-duwating ang idong...ibong...abarna se...Pledxas Saplats..."

Nagtawanan ang buong klase.

Para daw akong taga-ibang planeta kung magbasa.

Ipinatawag ni Ma'am Venus sina Mama at Papa.

Kailangan daw akong ipatsek ap. Baka raw may sakit ako.

Sa buong klase namin, ako na lang daw kasi ang hindi marunong magbasa.

"Aba! Matalino ho ang anak ko!" tanggi ni Mama.

"Masipag hong mag-aral!"

"At mahusay sa computer! Manang -mana sa akin!" pagyayabang ni Papa.

"Baka naman ho...masyado kayong mabilis magturo?"

Pero, ipinatsek ap pa rin ako nina Mama at Papa sa mga "eksperto" ('yun ang tawag sa kanila ni Ma'am Venus).

Marami silang itinanong sa akin.

Marami ring test na pinasagutan.

Pati mga mata ko, tiningnan.

Para akong daga na kanilang pinag-aralan.

Pagkatapos ng mahabang paliwanag ng mga eksperto

(na hindi ko naman masyadong naintindihan), pinakawalan din nila ako.

Wala raw akong sakit, sabi sa akin nina Mama at Papa.

Malinaw din ang aking mga mata.

Pero kailangan ko raw ng tutor para matulungan akong matutong magbasa.

Mula noon, pagkatapos ng klase, dumarating sa bahay ang tutor para turuan akong magbasa.

Miss Maya ang pangalan niya.

Matangkad siya, maikli ang buhok, mahaba ang mga daliri at patulis ang mga tainga .

Sa biglang tingin, mukha siyang taga-ibang planeta!

Isang buong library siguro ang laman ng bag ni Miss Maya.

Hindi kasi siya nauubusan ng mga libro.

Araw-araw, marami kaming binabasang pagsasanay.

Halimbawa:

d·o·g

g·o·d

g-oo-d

b-a-k-o-d

p-a-ng-k-a-t

w-a-l-i-s

Kailangan kong pakinggan at bigkasin ang tunog ng bawat titik.

Pag pinagsama-sama ko ang mga tunog, mababasa ko ang salita!

Paulit-ulit naming ginagawa iyon.

Medyo mahirap pero mukhang hindi napapagod si Miss Maya.

Lagi pa rin siyang nakangiti.

Alam mo, may sikreto pala para tumigil ang paglipad ng mga titik sa libro.

Sabi ni Miss Maya, gamitin ko raw ang hintuturo ko pag nagbabasa.

Sinubukan ko. At totoo nga!

Hindi na makagalaw ang mga titik pag itinuturo ko sila habang nagbabasa.

Mas mabigat siguro ang daliri ko kaysa kanila!

Isang hapon, dinatnan ako ni Miss Maya na nakasuot ng maskara.

Ewan kung bakit hindi siya nagtaka.

Inilapag lang niya ang mga libro at tumabi sa akin.

"Power ranger, may problema ba?"

Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari sa loob ng school bus:

naglaro kami ng "Missing Word."

Paboritong laro 'yon ng mga hatid-sundo ng school bus.

Kunwari, "nawawala" ang salitang "stop."

Mag-uunahan kaming magturo ng "stop" sa mga posters, bilbord at karatula na madadaanan namin.

At paramihan kami ng mahahanap na "stop!".

Siyempre, dahil nahihirapan nga akong magbasa, kulelat ako.

"Bobo ka kasi, e!" sigaw ni Dexter.

"Tanga!"dagdag pa ni Max.

"Ta-ga-ibang-pla-ne-ta!" tuya ni Tangke.

Hindi ko napigilan ang sumunod na nangyari-

biglang humaba ang kamay ko't, lumipad sa mga nguso ng tatlong hambog.

POW! POW! POW! POW! POW! POW!

Buti nga!

Nakakita siguro sila ng mga bituin!

Tinanggal ni Miss Maya ang aking maskara.

Nabuko tuloy niya ang itinatago ko -- ang kaliwa kong mata na nangingitim na.

"Power ranger ka ba o pirata?" akbay niya sa akin.

At pareho kaming natawa.

Hindi raw ako bobo, sabi ni Miss Maya.

Hindi rin ako tanga.

At lalong hindi taga-ibang planeta.

Talaga raw may mga batang tulad ko na kakaiba -

na may kakaiba ring paraan kung paano natututo ng iba't ibang bagay, tulad ng pagbabasa.

Kailangan ko lang raw tuklasin ang pinaka-angkop na paraan para sa akin para matuto akong magbasa.

Ibig kayang sabihin ni Miss Maya, kakaiba rin si Dexter--

dahil hindi siya matutong magbisikleta?

O si Max--na laging talunan sa computer games?

E, si Tangke - na hindi pa rin matutong sumipol?

Gabi-gabi, binabasahan ako ni Mama ng isang libro bago matulog.

Kaya nagulat siya nang sabihin kong: "Ma, maghati naman tayo sa pagbasa ng libro.

Isang pahina sa akin, isang pahina sa iyo."

Maingat kong binasa ang bawat salita sa bawat pahina sa tulong ng aking hintuturo.

Ganun di si Mama.

Sinusundan ko ang hintuturo niya pag siya naman ang nagbabasa.

Tuwang-tuwa kami ni Mama nang matapos naming basahin ang libro.

Nang isara ni Mama ang ilaw sa kuwarto, nagulat ako nang isang kumpol ng bituin ang nagningning sa kisame.

Natanggal ang bubong ng kuwarto ko!

Ay, mga plastik na bituin pala.

Glow-in-the-dark.

Idinikit sigurado ni Papa.

Sa wakas! May sarili na akong galaxy!

Pinagmasdan kong mabuti ang mga bituin.

May malaki. May maliit.

May payat. May mataba.

May....parang may binubuo silang mga titik.

Aba! May nababasa pa akong salita....ang pangalan ko!

FELIX!

ANO ANG DYSLEXIA?

Ang dyslexia ("dis-LEK-sya" ang bigkas) ay isang paghihirap umunawa

na makikita sa paghihirap bumasa, sumulat, bumaybay, at kung minsan, bumilang.

Ang dyslexia ay hindi bunga ng kahinaang biswal, kababawan ng kaalaman,

kakulangan sa motibasyon, maling pagtuturo, kaibhang pangkultura,

kahirapan o iba pang kondisyong nagtatakda sa oportunidad ng tao.

Ito'y isang kondisyong neurolohikal--

may kinalaman ito kung paano kilalanin

at bigyang-kahulugan ng utak ng mga dyslexic ang nakikita at naririnig nila.

Kakaibang matuto at mag-isip ang mga dyslexic.

Isang kondisyong nakukuha pagsilang at panghabambuhay ang dyslexia.

Ito ay maaaring genetic o namamana.

Hindi ito sakit kaya't wala itong lunas.

Maaring maigpawan ang dyslexia sa pamamagitan ng sapat na tulong mula sa mga magulang, guro, at tutor.

Sa mga dyslexic, importante ang pagpapahalaga, espesyal na pagtuturo,

at walang atubiling pagsuporta at paghikayat sa loob ng tahanan upang sila'y matuto sa paaralan.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: BAKIT HIRAP MAG-BASA SI FELIX (XILEF) WITH TAGALOG SUBTITLES PHILIPPINISCHES BUCH: WARUM FELIX (XILEF) MIT TAGALOG-UNTERTITELN SCHWER ZU LESEN IST FILIPINO BOOK: WHY FELIX (XILEF) IS HARD TO READ WITH TAGALOG SUBTITLES フィリピンの本: なぜフェリックス (シレフ) はタガログ語の字幕で読みにくいのか LIVRO FILIPINO: POR QUE FELIX (XILEF) É DIFÍCIL DE LER COM LEGENDAS EM TAGALOG

XILEF XILEF

Kuwento ni Augie Rivera Augie Rivera's story

Guhit ni Beth Parrocha-Doctolero Drawing by Beth Parrocha-Doctolero

Inilathala ng Adarna House Published by Adarna House

(MUSIC) (MUSIC)

Space station Pollux-2000...ito si Kapitan X.... Space station Pollux-2000...this is Captain X....

isang kumpol ng asteroyd ang palutang-Iutang sa kalawakan....over.... an asteroid cluster is floating in space....over....

nagbabanta itong bumulusok sa planetang Xtimus... over .... it threatens to crash into the planet Xtimus... over ....

Gagawin ko ang lahat....over and out... ha! I will do everything....over and out... ha!

Sa pamamagitan ng aking laser sword, buburahin ko sa balat ng kalawakan ang mga asteroyd na 'yan! With my laser sword, I will erase those asteroids from the skin of the galaxy!

Um! Um! Um! Um! Um! Um!

(TUNOG NG LASER SWORD!) (LASER SWORD SOUND!)

Biglang nagtawanan ang buong klase. The whole class burst into laughter.

Naging pambura ang aking laser sword! My laser sword became an eraser!

At ang mga asteroyd? Naging mga titik sa blakbord! And the asteroids? Turned into blackboard letters!

"Arriola! Bakit mo binura? "Arriola! Why did you delete it?

Kumokopya pa ng aralin ang mga kaklase mo!" sigaw ni Ma'am Venus. Your classmates are still copying lessons!" Ma'am Venus shouted.

Napayuko na lang ako at nagsabing: "E, Ma'am akala ko po, mga asteroyd 'yung...." I just bowed down and said: "Hey, Ma'am, I thought they were asteroids..."

"Anong asteroyd? Kung saan-saang planeta na naman ba lumilipad 'yang utak mo? "What asteroid? Where else is your brain flying?

Hala! Sa sulok! Sa sulooookkkkk!" Come on! In the corner! In the end!"

bulyaw pa ni Ma'am Venus na ngayon ko lang napansing anim pala ang daliri ng kanang paa. Ma'am Venus said that I just noticed that her right foot has six toes.

Minsan, nang tatawag si Ma'am Venus ng magbabasa sa harap ng klase, Once, when Ma'am Venus called a reader in front of the class,

hindi ako nagtaas ng kamay. Ibinagsak ko ang lapis ko sa sahig. I didn't raise my hand. I dropped my pencil on the floor.

Para may dahilan akong yumuko. At magtago. So that I have a reason to bow. And hide.

Sinong mag-aakalang may mata rin pala sa kaliwang tuhod si Ma'am Venus? Who would have thought that Ma'am Venus also has an eye on her left knee?

Biro mo, ako pa rin ang nakita! You're kidding, I still saw it!

Nang buklatin ko ang libro, parang biglang gumalaw ang mga titik. When I opened the book, it was as if the letters suddenly moved.

May lumipad, nagpalutang-lutang, bumulusok at kumampay kampay sa paligid ng mga pahina ng libro. Something flew, floated, dived and flapped around the pages of the book.

At kahit anong gawin ko, hindi ko talaga sila mabasa: And no matter what I do, I can't really read them:

"D-duwating ang idong...ibong...abarna se...Pledxas Saplats..." "D-that bird...bird...abarna se...Pledxas Saplats..."

Nagtawanan ang buong klase. The whole class laughed.

Para daw akong taga-ibang planeta kung magbasa. I feel like I'm from another planet when I read.

Ipinatawag ni Ma'am Venus sina Mama at Papa. Ma'am Venus summoned Mama and Papa.

Kailangan daw akong ipatsek ap. Baka raw may sakit ako. He said I need to be checked. Maybe I'm sick.

Sa buong klase namin, ako na lang daw kasi ang hindi marunong magbasa. In our whole class, I was the only one who couldn't read.

"Aba! Matalino ho ang anak ko!" tanggi ni Mama. "Oh! My son is smart!" Mom refused.

"Masipag hong mag-aral!" "Study hard!"

"At mahusay sa computer! Manang -mana sa akin!" pagyayabang ni Papa. "And good at computers! Inherit me!" Papa boasted.

"Baka naman ho...masyado kayong mabilis magturo?" "Maybe ho...you are too quick to teach?"

Pero, ipinatsek ap pa rin ako nina Mama at Papa sa mga "eksperto" ('yun ang tawag sa kanila ni Ma'am Venus). But, Mom and Dad still sent me to the "experts" (that's what Ma'am Venus calls them).

Marami silang itinanong sa akin. They asked me a lot.

Marami ring test na pinasagutan. There are also many tests to answer.

Pati mga mata ko, tiningnan. Even my eyes, looked.

Para akong daga na kanilang pinag-aralan. I was like a rat that they studied.

Pagkatapos ng mahabang paliwanag ng mga eksperto After a long explanation by the experts

(na hindi ko naman masyadong naintindihan), pinakawalan din nila ako. (which I didn't quite understand), they also let me go.

Wala raw akong sakit, sabi sa akin nina Mama at Papa. I'm not sick, Mom and Dad told me.

Malinaw din ang aking mga mata. My eyes are also clear.

Pero kailangan ko raw ng tutor para matulungan akong matutong magbasa. But I need a tutor to help me learn to read.

Mula noon, pagkatapos ng klase, dumarating sa bahay ang tutor para turuan akong magbasa. Since then, after school, the tutor comes to the house to teach me to read.

Miss Maya ang pangalan niya. Her name is Miss Maya.

Matangkad siya, maikli ang buhok, mahaba ang mga daliri at patulis ang mga tainga . He is tall, with short hair, long fingers and pointed ears.

Sa biglang tingin, mukha siyang taga-ibang planeta! At a glance, he looks like he's from another planet!

Isang buong library siguro ang laman ng bag ni Miss Maya. The contents of Miss Maya's bag must have been an entire library.

Hindi kasi siya nauubusan ng mga libro. Because he never runs out of books.

Araw-araw, marami kaming binabasang pagsasanay. Every day, we read a lot of exercises.

Halimbawa: Example:

d·o·g d·o·g

g·o·d g·o·d

g-oo-d g-yes-d

b-a-k-o-d fence

p-a-ng-k-a-t still

w-a-l-i-s broom

Kailangan kong pakinggan at bigkasin ang tunog ng bawat titik. I have to listen and pronounce the sound of each letter.

Pag pinagsama-sama ko ang mga tunog, mababasa ko ang salita! When I put the sounds together, I can read the word!

Paulit-ulit naming ginagawa iyon. We do that over and over again.

Medyo mahirap pero mukhang hindi napapagod si Miss Maya. It's a bit difficult but Miss Maya doesn't seem to get tired.

Lagi pa rin siyang nakangiti. He is always smiling.

Alam mo, may sikreto pala para tumigil ang paglipad ng mga titik sa libro. You know, there is a secret to stop the letters from flying in the book.

Sabi ni Miss Maya, gamitin ko raw ang hintuturo ko pag nagbabasa. Miss Maya said, I should use my index finger when reading.

Sinubukan ko. At totoo nga! I tried. And it's true!

Hindi na makagalaw ang mga titik pag itinuturo ko sila habang nagbabasa. The letters can no longer move when I point at them while reading.

Mas mabigat siguro ang daliri ko kaysa kanila! My fingers are probably heavier than theirs!

Isang hapon, dinatnan ako ni Miss Maya na nakasuot ng maskara. One afternoon, Miss Maya came to me wearing a mask.

Ewan kung bakit hindi siya nagtaka. I don't know why he wasn't surprised.

Inilapag lang niya ang mga libro at tumabi sa akin. He just put the books down and sat next to me.

"Power ranger, may problema ba?" "Power ranger, is there a problem?"

Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari sa loob ng school bus: I told him what happened inside the school bus:

naglaro kami ng "Missing Word." we played "Missing Word."

Paboritong laro 'yon ng mga hatid-sundo ng school bus. It's a favorite game of school bus pick-ups.

Kunwari, "nawawala" ang salitang "stop." Supposedly, the word "stop" is "disappearing."

Mag-uunahan kaming magturo ng "stop" sa mga posters, bilbord at karatula na madadaanan namin. We will be the first to indicate "stop" on the posters, billboards and signs that we pass.

At paramihan kami ng mahahanap na "stop!". And more and more of us will find "stop!".

Siyempre, dahil nahihirapan nga akong magbasa, kulelat ako. Of course, since I do have difficulty reading, I'm confused.

"Bobo ka kasi, e!" sigaw ni Dexter. "Because you're stupid, huh!" shouted Dexter.

"Tanga!"dagdag pa ni Max. "Stupid!" Max added.

"Ta-ga-ibang-pla-ne-ta!" tuya ni Tangke. "Ta-ga-different-plan-ne-ta!" Tankke scoffed.

Hindi ko napigilan ang sumunod na nangyari- I couldn't stop what happened next-

biglang humaba ang kamay ko't, lumipad sa mga nguso ng tatlong hambog. suddenly my hand reached out and flew to the snouts of the three braggarts.

POW! POW! POW! POW! POW! POW!

Buti nga! That's good!

Nakakita siguro sila ng mga bituin! They must have seen stars!

Tinanggal ni Miss Maya ang aking maskara. Miss Maya removed my mask.

Nabuko tuloy niya ang itinatago ko -- ang kaliwa kong mata na nangingitim na. He then opened what I was hiding -- my left eye that was already black.

"Power ranger ka ba o pirata?" akbay niya sa akin. "Are you a power ranger or a pirate?" he walked with me.

At pareho kaming natawa. And we both laughed.

Hindi raw ako bobo, sabi ni Miss Maya. I'm not stupid, said Miss Maya.

Hindi rin ako tanga. I'm not stupid either.

At lalong hindi taga-ibang planeta. And especially not from another planet.

Talaga raw may mga batang tulad ko na kakaiba - There really are kids like me who are weird -

na may kakaiba ring paraan kung paano natututo ng iba't ibang bagay, tulad ng pagbabasa. who also have a unique way of learning different things, such as reading.

Kailangan ko lang raw tuklasin ang pinaka-angkop na paraan para sa akin para matuto akong magbasa. I just need to find the most appropriate way for me to learn to read.

Ibig kayang sabihin ni Miss Maya, kakaiba rin si Dexter-- Miss Maya means that Dexter is also strange--

dahil hindi siya matutong magbisikleta? because he can't learn to ride a bike?

O si Max--na laging talunan sa computer games? Or Max--who always loses in computer games?

E, si Tangke - na hindi pa rin matutong sumipol? Well, Tangke - who still hasn't learned to whistle?

Gabi-gabi, binabasahan ako ni Mama ng isang libro bago matulog. Every night, Mama reads me a book before going to bed.

Kaya nagulat siya nang sabihin kong: "Ma, maghati naman tayo sa pagbasa ng libro. So he was surprised when I said: "Mom, let's share the book reading.

Isang pahina sa akin, isang pahina sa iyo." One page to me, one page to you."

Maingat kong binasa ang bawat salita sa bawat pahina sa tulong ng aking hintuturo. I carefully read every word on every page with the help of my index finger.

Ganun di si Mama. Mom is not like that.

Sinusundan ko ang hintuturo niya pag siya naman ang nagbabasa. I follow his index finger while he reads.

Tuwang-tuwa kami ni Mama nang matapos naming basahin ang libro. Mama and I were very happy when we finished reading the book.

Nang isara ni Mama ang ilaw sa kuwarto, nagulat ako nang isang kumpol ng bituin ang nagningning sa kisame. When Mama turned off the light in the room, I was surprised when a cluster of stars shone on the ceiling.

Natanggal ang bubong ng kuwarto ko! The roof of my room came off!

Ay, mga plastik na bituin pala. Oh, plastic stars.

Glow-in-the-dark. Glow-in-the-dark.

Idinikit sigurado ni Papa. Papa glued it for sure.

Sa wakas! May sarili na akong galaxy! Finally! I have my own galaxy!

Pinagmasdan kong mabuti ang mga bituin. I looked closely at the stars.

May malaki. May maliit. There is a big There is a small

May payat. May mataba. Someone is thin. There is fat.

May....parang may binubuo silang mga titik. There....it's like they're made up of letters.

Aba! May nababasa pa akong salita....ang pangalan ko! Why! I can still read a word....my name!

FELIX! FELIX!

ANO ANG DYSLEXIA? WHAT IS DYSLEXIA?

Ang dyslexia ("dis-LEK-sya" ang bigkas) ay isang paghihirap umunawa Dyslexia (pronounced "dis-LEK-sya") is a difficulty understanding

na makikita sa paghihirap bumasa, sumulat, bumaybay, at kung minsan, bumilang. which can be seen in difficulty reading, writing, spelling, and sometimes, counting.

Ang dyslexia ay hindi bunga ng kahinaang biswal, kababawan ng kaalaman, Dyslexia is not the result of visual impairment, lack of knowledge,

kakulangan sa motibasyon, maling pagtuturo, kaibhang pangkultura, lack of motivation, wrong teaching, cultural differences,

kahirapan o iba pang kondisyong nagtatakda sa oportunidad ng tao. poverty or other conditions that limit human opportunity.

Ito'y isang kondisyong neurolohikal-- It is a neurological condition--

may kinalaman ito kung paano kilalanin it has to do with how to identify

at bigyang-kahulugan ng utak ng mga dyslexic ang nakikita at naririnig nila. and the brains of dyslexics interpret what they see and hear.

Kakaibang matuto at mag-isip ang mga dyslexic. Dyslexics learn and think differently.

Isang kondisyong nakukuha pagsilang at panghabambuhay ang dyslexia. Dyslexia is a condition that is acquired at birth and is lifelong.

Ito ay maaaring genetic o namamana. It can be genetic or hereditary.

Hindi ito sakit kaya't wala itong lunas. It is not a disease so it has no cure.

Maaring maigpawan ang dyslexia sa pamamagitan ng sapat na tulong mula sa mga magulang, guro, at tutor. Dyslexia can be overcome with adequate help from parents, teachers, and tutors.

Sa mga dyslexic, importante ang pagpapahalaga, espesyal na pagtuturo, For dyslexics, it is important to value, special instruction,

at walang atubiling pagsuporta at paghikayat sa loob ng tahanan upang sila'y matuto sa paaralan. and unhesitatingly supporting and encouraging them at home so that they can learn at school.