×

Vi använder kakor för att göra LingQ bättre. Genom att besöka sajten, godkänner du vår cookie-policy.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: MAHABANG-MAHABANG-MAHABA WITH ENGLISH AND TAGALOG SUBTITLES

FILIPINO BOOK: MAHABANG-MAHABANG-MAHABA WITH ENGLISH AND TAGALOG SUBTITLES

Mahabang, Mahabang, Mahaba

Kuwento ni Genaro Gojo Cruz

Guhit ni Ghani Bautista Madueno

Inilathala ng Adarna House

(MUSIC)

MAHABANG-MAHABANG-MAHABA ang pangalan ko: Gatpuno Ping Emilio Juanito Santiago R. Lakanilaw.

Kapag isinusulat ko na ito, talagang napapagod ako.

Para akong tumatakbo sa paikot na daang bigla na lang mapuputol at liliko.

Kaya siguro tuwing natatapos ako, nahihilo ako nang parang nabangga ang ulo ko sa pader.

Lagi tuloy akong naiiwan sa klasrum kapag recess.

Sabi kasi ni Teacher, di raw puwede mag-recess kapag di pa tapos isulat ang buong pangalan.

Kapag naman natapos ko nang isulat ang buong pangalan ko, tapos na ring kumain ang mga kaklase ko.

Naglalaro na sila. Ako, kumakain pa rin.

Kahit pag uwian, huli akong lumabas ng klasrum.

Buti na lang sinasamahan ako ni Teacher.

Bakit nga ba kay haba-haba ng pangalan ko?

Kulang na kulang ang haba ng isang linya ng papel para maisulat ang buong pangalan ko.

Kahit nga umabot pa ako sa likod ng papel ko, hindi pa rin kasya.

Minsan, sinubukan kong gawing maliit na maliit ang sulat ko para lang mag-kasya.

Napagalitan naman ako ni Teacher. Hindi na raw kasi niya mabasa.

Di sana ako parang umaakyat sa mataas na flagpole ng aming paaralan.

Di sana sumasakit at pinagpapawisan ang aking mga kamay.

At di sana parang inilubog sa tubig ang aking papel.

Sana may lapis na nagsusulat mag-isa.

Ibubulong ko lang ang aking pangalan, tapos isusulat na ng madyik lapis.

Di sana sumasakit at pinagpapawisan ang aking mga kamay.

At di sana parang inilubog sa tubig ang aking papel.

"Teacher, puwede po bang 'yung isang pangalan ko na lang ang isulat ko?" tanong ko kay Teacher.

"Aba! 'Gatpuno Ping Emilio Juanito Santiago R. Lakanilaw' ang tunay mong pangalan kaya ito ang dapat mong isulat.

Ang 'EJ' ay palayaw mo lamang," sagot ni Teacher.

Sana talaga may lapis na nagsusulat mag-isa.

Isang araw, may bagong laruang dala si James, pulang kotse!

Naku, ang ganda-ganda talaga ng kotse niya.

Bagong-bago. Regalo sa kaniya ng tatay niya.

"EJ, laro tayo ng kotse ko mamayang recess, ha." Yaya sa 'kin ni James.

"Oo ba!" sabi ko naman, habang binibilisan sagutin 'yung ipinagagawa sa 'min sa Math.

Eksaktong nag-ring ang bell pang-recess nang ipinasa ko ang papel ko.

Maglalaro na kami ni James ng kotse!

"EJ, bakit palayaw mo lang ang isinulat mo rito sa papel mo?" sabi ni Teacher nang makita ang papel ko.

"Kailangang isulat mo ang buong pangalan mo."

Para akong tumatakbo sa paikot na daang bigla na lang mapuputol at liliko.

Kinuha ko ang papel ko at sinimulan ang mahaba kong pangalan.

Nasa 'Emilio' pa lang ako ay naririnig ko na ang tawanan nina James at ng iba kong kaklase.

Pinaglalaruan na nila ang bago niyang kotse.

Pagdating ko sa bahay, ipasusulat na naman ni Nanay ang pangalan ko.

Di ko tuloy malasahang mabuti ang kaniyang inihandang meryenda,

At di ko rin mapanood ang paborito kong kartun.

"O, sige nga, EJ, isulat mo ang iyong buong pangalan nang walang kopyahan.

Tingnan ko nga kung kabisado mo na," aya sa akin ni Nanay.

Pero aalalayan ni Nanay ang aking kamay.

Buti pa si Ate, nagsusuklay na lang ng buhok ng manyika niya.

"Hayaan mo EJ, matututuhan mo ring isulat nang maayos at mabilis ang iyong pangalan.

Basta lagi ka lang magsasanay," ang sabi sa akin ni Nanay.

"Nay, bakit ba kasi ang haba-haba ng pangalan ko?

Lagi tuloy akong huli mag-recess!

Lagi rin akong huli kung uwian!

'Yung pangalan nina Jayson, Paul, Christian, Michael, Joan, Gladys, Bianca, at Lara isa lang.

Kaya madaling tandaan at lalong madaling isulat!

'Yung iba naman, pangalan ng mga sikat na artista--Sharon, Robin, Angel, at Judy Ann.

Kung 'EJ' na lang sana ang pangalan ko, mas maikli pa sa kanilang lahat.

Kahit nakapikit pa ako kayang-kaya kong isulat." Wala akong preno sa pagsasalita.

"Aba! Alam mo bang espesyal ang pangalan mo?

Alam mo bang matagal naming pinag-isipan at pinagtalunan ng iyong tatay ang pangalan mo?" sabi ni Nanay.

"Espesyal? Paano po naging espesyal ang pangalan ko?" tanong ko.

"Ang 'Emilio' ay galing sa pangalan namin ng tatay mo.

'Emma' ang pangalan ko at 'Julio' naman ang iyong tatay, kaya naging 'Emilio' ang pangalan mo.

Di ba't maganda?" ang sagot sa akin ni Nanay.

'E, sa'n naman po galing ang 'Juanito'?" ang tanong ko uli kay Nanay.

"Aba! Galing naman sa lolo mo ang 'Juanito'.

Paboritong anak ng iyong Lolo Juan ang tatay mo.

Noong bata pa ang tatay mo, 'Juanito' ang tawag sa kaniya-- ibig sabihin, "maliit o batang Juan", sagot ni Nanay.

"E, bakit po may 'Santiago' pa sa aking pangalan?"

"Galing naman ang "Santiago" sa aking tatay.

Mahusay na kapitan ang aking tatay, kaya nga ipinangalan sa kaniya ang ating kalye.

Kaya nakatira tayo ngayon sa Kalye Kapitan Tiago."

"At s'yrempre ang 'R' ang galing sa 'Ruiz'.

'Wag mong kalilimutang isulat ito dahil ito ang apelyido ko noong dalaga ako," sunod na sinabi ni Nanay.

Napakunot ang aking noo.

"E, sa'n naman po galing 'yung 'Gatpuno' at 'Ping'?"

Napatawa si Nanay. "Alam mo bang ipinaglihi kita sa haluhalo?

Pero tatlo lang ang gustong-gusto kong sahog noong ipinaglihi kita."

"Talaga po, 'Nay?"

"Oo, gustong-gusto ko ang haluhalong maraming gatas, masarap na makapuno, malutong na pinipig, at minatamis na saging.

Nahulaan mo ba kung saan galing ang 'Gatpuno' at 'Ping' sa iyong pangalan?"

"Galing sa 'gatas' at 'makapuno' ang 'Gatpuno', at ang 'Ping' naman ay galing sa 'pinipig' at 'saging'.

Di ba't masarap pakinggan?

Pero noon unang panahon, kapag tinawag na 'gat' ang isang tao, ang ibig sabihin nito, ay isa siyang bayani."

"Ang galing naman 'Nay!"

"Di lamang pala pangalan nina Nanay at Tatay at ng aking dalawang lolo ang nasa aking mahabang-mahabang- mahabang pangalan.

Kundi pati ang matamis na pagmamahalan nina Nanay at Tatay.

Natutuwa ako dahil may mahabang-mahabang-mahaba palang kuwento sa likod ng aking mahabang-mahabang- mahabang pangalan.

Ikaw? Alam mo na rin ba ang kuwento ng iyong pangalan?"

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: MAHABANG-MAHABANG-MAHABA WITH ENGLISH AND TAGALOG SUBTITLES PHILIPPINISCHES BUCH: LANG-LANG-LANG MIT ENGLISCHEN UND TAGALOG-UNTERTITELN FILIPINO BOOK: LONG-LONG-LONG WITH ENGLISH AND TAGALOG SUBTITLES

Mahabang, Mahabang, Mahaba long|| Mahabang, Mahabang, Mahaba

Kuwento ni Genaro Gojo Cruz ||Genaro|Gojo|Cruz Story by Genaro Gojo Cruz

Guhit ni Ghani Bautista Madueno ||Ghani|Bautista|Madueno Illustrated by Ghani Bautista Madueno

Inilathala ng Adarna House Published by Adarna House

(MUSIC) (MUSIC)

MAHABANG-MAHABANG-MAHABA ang pangalan ko: Gatpuno Ping Emilio Juanito Santiago R. Lakanilaw. |LONG|long|||||Ping|Emilio|Juanito|||Lakanilaw My name is very, very, very long: Gatpuno Ping Emilio Juanito Santiago R. Lakanilaw.

Kapag isinusulat ko na ito, talagang napapagod ako. |I write|||||| When I write my name, I get really tired.

Para akong tumatakbo sa paikot na daang bigla na lang mapuputol at liliko. ||running||||road|suddenly|||will be cut off||turning I feel as if I were running a circular road that suddenly ends and leads to a sharp turn.

Kaya siguro tuwing natatapos ako, nahihilo ako nang parang nabangga ang ulo ko sa pader. |maybe||||I get dizzy||||hit|||||wall Maybe this is why I feel dizzy when I am done writing, as if my head hit a wall.

Lagi tuloy akong naiiwan sa klasrum kapag recess. |always||||classroom||recess I always get left behind in the classroom during recess.

Sabi kasi ni Teacher, di raw puwede mag-recess kapag di pa tapos isulat ang buong pangalan. |||Teacher||||||||||||| Teacher said, those who are not yet done writing their complete names cannot take their recess.

Kapag naman natapos ko nang isulat ang buong pangalan ko, tapos na ring kumain ang mga kaklase ko. When I'm done writing my complete name, my classmates are done with their recess.

Naglalaro na sila. Ako, kumakain pa rin. They are already playing while I am still eating.

Kahit pag uwian, huli akong lumabas ng klasrum. ||going home||||| Even during dismissal, I am the last to leave the classroom.

Buti na lang sinasamahan ako ni Teacher. |||accompanies||| It's a good thing that Teacher keeps me company.

Bakit nga ba kay haba-haba ng pangalan ko? Why is my name very, very long?

Kulang na kulang ang haba ng isang linya ng papel para maisulat ang buong pangalan ko. it is lacking||too short||length|||||||to write|||| The length of the line on the paper is not enough for my complete name.

Kahit nga umabot pa ako sa likod ng papel ko, hindi pa rin kasya. ||reach|||||||||||it fits Even if I write on the back of the paper, I still do not have enough space.

Minsan, sinubukan kong gawing maliit na maliit ang sulat ko para lang mag-kasya. ||||||||letter|||||fit One time, I tried writing using very small Ietters so that the space would be enough.

Napagalitan naman ako ni Teacher. Hindi na raw kasi niya mabasa. I was scolded|||||||||| But Teacher scolded me. She could not read the small letters.

Di sana ako parang umaakyat sa mataas na flagpole ng aming paaralan. ||||climbing||||flagpole||| If only I did not feel as if I were climbing the tall flagpole of our school.

Di sana sumasakit at pinagpapawisan ang aking mga kamay. ||hurt||sweating|||| If only my hand did not ache and sweat.

At di sana parang inilubog sa tubig ang aking papel. ||||dipped||||| If only my paper did not look soaked in water.

Sana may lapis na nagsusulat mag-isa. ||pencil||writing|| I wish there were a pencil that could write on its own.

Ibubulong ko lang ang aking pangalan, tapos isusulat na ng madyik lapis. I will whisper|||||||it will be written|||| I will whisper my name, and then the magic pencil will just write it.

Di sana sumasakit at pinagpapawisan ang aking mga kamay. ||||sweating|||| Then my hand won't ache and sweat anymore.

At di sana parang inilubog sa tubig ang aking papel. And my paper won't have to look soaked in water.

"Teacher, puwede po bang 'yung isang pangalan ko na lang ang isulat ko?" tanong ko kay Teacher. "Teacher, may I just write my other name?" I asked Teacher.

"Aba! 'Gatpuno Ping Emilio Juanito Santiago R. Lakanilaw' ang tunay mong pangalan kaya ito ang dapat mong isulat. Aba||||||||||||||||| "Aba! 'Gatpuno Ping Emilio Juanito Santiago R. Lakanilaw' is your real name. That is what you should write.

Ang 'EJ' ay palayaw mo lamang," sagot ni Teacher. |EJ||nickname||||| 'EJ' is just your nickname," Teacher answered.

Sana talaga may lapis na nagsusulat mag-isa. I really wish there were a pencil that could write on its own.

Isang araw, may bagong laruang dala si James, pulang kotse! ||||||||red| One day, James brought a new toy to school: a red car!

Naku, ang ganda-ganda talaga ng kotse niya. Wow! His toy car was so cool.

Bagong-bago. Regalo sa kaniya ng tatay niya. It was new. It was a gift from his father.

"EJ, laro tayo ng kotse ko mamayang recess, ha." Yaya sa 'kin ni James. ||||||later|||nanny|||| "EJ, let's play with my toy car during recess, ha," James invited me.

"Oo ba!" sabi ko naman, habang binibilisan sagutin 'yung ipinagagawa sa 'min sa Math. |||||||answering||assignment||me||Math "Sure!" I said while hurriedly answering the Math exercise.

Eksaktong nag-ring ang bell pang-recess nang ipinasa ko ang papel ko. ||||||||I passed|||| When the bell rang for recess, I passed my paper.

Maglalaro na kami ni James ng kotse! James and I were going to play with his toy car!

"EJ, bakit palayaw mo lang ang isinulat mo rito sa papel mo?" sabi ni Teacher nang makita ang papel ko. "EJ, why did you only write your nickname on the paper?" Teacher said when she saw my paper.

"Kailangang isulat mo ang buong pangalan mo." "You should write your complete name."

Para akong tumatakbo sa paikot na daang bigla na lang mapuputol at liliko. ||||circular||road||||will be cut off||will turn I felt as if I were running a circular road that suddenly ends and leads to a sharp turn.

Kinuha ko ang papel ko at sinimulan ang mahaba kong pangalan. I got my paper and began to write my very long name.

Nasa 'Emilio' pa lang ako ay naririnig ko na ang tawanan nina James at ng iba kong kaklase. I was still writing 'Emilio' when I heard the laughter of James and my other classmates.

Pinaglalaruan na nila ang bago niyang kotse. playing with|||||| They were playing with the new toy car.

Pagdating ko sa bahay, ipasusulat na naman ni Nanay ang pangalan ko. ||||will have (me) write||||||| When I get home, Nanay asks me to write my name.

Di ko tuloy malasahang mabuti ang kaniyang inihandang meryenda, |||||||prepared| Because of this, I don't enjoy the meryenda.

At di ko rin mapanood ang paborito kong kartun. ||||watch||||cartoon I also don't get to watch my favorite cartoons.

"O, sige nga, EJ, isulat mo ang iyong buong pangalan nang walang kopyahan. ||||||||||||copying "O, go ahead, EJ, write your complete name by yourself.

Tingnan ko nga kung kabisado mo na," aya sa akin ni Nanay. |||||||said|||| Let me see if you already know it by heart," Nanay urges me.

Pero aalalayan ni Nanay ang aking kamay. |will support||||| Nanay encourages me by guiding my hand.

Buti pa si Ate, nagsusuklay na lang ng buhok ng manyika niya. ||||is combing||||||doll| I envy Ate, who is already brushing her doll's hair.

"Hayaan mo EJ, matututuhan mo ring isulat nang maayos at mabilis ang iyong pangalan. let|||you will learn|||||well||fast||| "Don't worry. EJ you wilI soon learn how to write your name properly and fast.

Basta lagi ka lang magsasanay," ang sabi sa akin ni Nanay. "as long as"||||will practice|||||| You just have to practice," Nanay tells me.

"Nay, bakit ba kasi ang haba-haba ng pangalan ko? "Nay. why is my name very, very, very long?

Lagi tuloy akong huli mag-recess! Because of this, I'm always the last to take my recess!

Lagi rin akong huli kung uwian! I'm always the last to leave during dismissal!

'Yung pangalan nina Jayson, Paul, Christian, Michael, Joan, Gladys, Bianca, at Lara isa lang. |||||Christian|Michael|Joan|Gladys|||Lara|| The names of my classmates are just one word, like Jayson, Paul, Christian, Michael, Joan, Gladys, Bianca, and Lara.

Kaya madaling tandaan at lalong madaling isulat! ||remember||more|| They are easy to remember and even easier to write!

'Yung iba naman, pangalan ng mga sikat na artista--Sharon, Robin, Angel, at Judy Ann. |||||||||||Angel||Judy| My other classmates are named after famous celebrities- Sharon, Robin, Angel, and Judy Ann.

Kung 'EJ' na lang sana ang pangalan ko, mas maikli pa sa kanilang lahat. |||||||||short|||| If only 'EJ' were my only name it would be shorter than all of my classmates' names.

Kahit nakapikit pa ako kayang-kaya kong isulat." Wala akong preno sa pagsasalita. |eyes closed|||able||||||brake|| I can write easily, even with my eyes closed," I explained without stopping.

"Aba! Alam mo bang espesyal ang pangalan mo? "Aba, do you know that your name is special?

Alam mo bang matagal naming pinag-isipan at pinagtalunan ng iyong tatay ang pangalan mo?" sabi ni Nanay. ||||||||argued||||||||| Do you know that your Tatay and I thought and argued about your name for a long time?" Nanay said.

"Espesyal? Paano po naging espesyal ang pangalan ko?" tanong ko. "Special? How did my name become special?" I asked.

"Ang 'Emilio' ay galing sa pangalan namin ng tatay mo. ''Emilio comes from your tatay's name and my name.

'Emma' ang pangalan ko at 'Julio' naman ang iyong tatay, kaya naging 'Emilio' ang pangalan mo. |||||Julio|||||||||| My name is 'Emma' and your tatay's name is 'Julio', which is why your name is 'Emilio.'

Di ba't maganda?" ang sagot sa akin ni Nanay. Isn't that nice?" Nanay told me.

'E, sa'n naman po galing ang 'Juanito'?" ang tanong ko uli kay Nanay. "E, where did 'Juanito' come from?" I asked Nanay again.

"Aba! Galing naman sa lolo mo ang 'Juanito'. "Aba, 'Juanito' was taken from your lolo's name.

Paboritong anak ng iyong Lolo Juan ang tatay mo. Your tatay was your Lolo Juanito's favorite son.

Noong bata pa ang tatay mo, 'Juanito' ang tawag sa kaniya-- ibig sabihin, "maliit o batang Juan", sagot ni Nanay. When your tatay was young, he was called Juanito it means 'small or young Juan'," Nanay answered.

"E, bakit po may 'Santiago' pa sa aking pangalan?" "E, why do I still have the name 'Santiago'?"

"Galing naman ang "Santiago" sa aking tatay. "That was taken from the name of my tatay.

Mahusay na kapitan ang aking tatay, kaya nga ipinangalan sa kaniya ang ating kalye. good||||||||was named||||| My tatay was a distinguished kapitan, which is why our street is named after him.

Kaya nakatira tayo ngayon sa Kalye Kapitan Tiago." |||||||Tiago That is why we live on Kalye Kapitan Tiago.

"At s'yrempre ang 'R' ang galing sa 'Ruiz'. |||||||Ruiz Of course, 'R' comes from 'Ruiz.'

'Wag mong kalilimutang isulat ito dahil ito ang apelyido ko noong dalaga ako," sunod na sinabi ni Nanay. ||forgetting||||||surname|||maiden|||||| Don't forget to write it because it was my family name before I got married," Nanay added.

Napakunot ang aking noo. furrowed||| My forehead wrinkled.

"E, sa'n naman po galing 'yung 'Gatpuno' at 'Ping'?" "E, where do the names 'Gatpuno' and 'Ping' come from?"

Napatawa si Nanay. "Alam mo bang ipinaglihi kita sa haluhalo? ||||||conceived|||halo-halo Nanay laughed. "Do you know that when I was pregnant with you, I was constantly craving for haluhalo ?

Pero tatlo lang ang gustong-gusto kong sahog noong ipinaglihi kita." |||||||ingredients||conceived| But of all the ingredients, there were three that I liked the most."

"Talaga po, 'Nay?" "Is that true, 'Nay?"

"Oo, gustong-gusto ko ang haluhalong maraming gatas, masarap na makapuno, malutong na pinipig, at minatamis na saging. |||||||||||crispy||pounded rice||sweetened|| "Yes, I really, really wanted the kind of haluhalo that was rich in milk, yummy macapuno, crunchy pinipig, and sweetened saging (banana).

Nahulaan mo ba kung saan galing ang 'Gatpuno' at 'Ping' sa iyong pangalan?" guess|||||||||||| Can you guess where the names 'Gatpuno' and 'Ping' came from?"

"Galing sa 'gatas' at 'makapuno' ang 'Gatpuno', at ang 'Ping' naman ay galing sa 'pinipig' at 'saging'. '''Gatpuno was taken from the words 'gatas' and 'makapuno.' while 'Ping' was taken from the words pinipig' and 'saging.'

Di ba't masarap pakinggan? |||to listen Don't they sound delicious?

Pero noon unang panahon, kapag tinawag na 'gat' ang isang tao, ang ibig sabihin nito, ay isa siyang bayani." |||||||sir||||||||||| But in earlier times, when one was called 'gat,' it meant that he was a hero."

"Ang galing naman 'Nay!" "That's so clever, 'Nay!"

"Di lamang pala pangalan nina Nanay at Tatay at ng aking dalawang lolo ang nasa aking mahabang-mahabang- mahabang pangalan. "It's not just the names of Mom and Dad and my two grandfathers that are in my long-long-long name.

Kundi pati ang matamis na pagmamahalan nina Nanay at Tatay. but|even||||love|||| But also the sweet love of Mom and Dad.

Natutuwa ako dahil may mahabang-mahabang-mahaba palang kuwento sa likod ng aking mahabang-mahabang- mahabang pangalan. I am happy about the very, very, very long story behind my very, very, very long name.

Ikaw? Alam mo na rin ba ang kuwento ng iyong pangalan?" How about you? Do you also know the story behind your name?"