×

Vi använder kakor för att göra LingQ bättre. Genom att besöka sajten, godkänner du vår cookie-policy.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), PITONG ANGHEL (SEVEN ANGELS) | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

PITONG ANGHEL (SEVEN ANGELS) | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

Pitong Anghel

Kuwento ni Genaro Gojo Cruz

Guhit ni Ivan Reverente

(MUSIC)

Di pa dumarating ang bago kong anghel, kaya isinama muna ako ni Mama sa kaniyang opisina.

Wala pa raw akong makakasama sa aming bahay.

Wala pang anghel na magbabantay at mag-aalaga sa akin.

Gano'n pala kahirap ang buhay ni Mama sa opisina.

Puro tunog lang ng stapler,

stamp pad,

telepono,

at keyboard ng kompiyuter ang maririnig.

Ang mga tao, parang mga robot kung kumilos, at wala man lang ngumingiti.

Parang mga boses-ipis din sila kung mag-usap.

Binigyan ako ng papel at lapis ni Mama.

Pinagdrowing niya ako ng kung anu-ano

—puno, aso, mangga, bulaklak, araw, pati matataas na bilding at tulay

na dinaanan namin kanina, nadrowing ko na.

Nadrowing ko na ang lahat na kaya kong idrowing, pero di pa rin tapos si Mama,

talagang matagal ang trabaho niya.

Di nauubos ang mga ginagawa.

Sabi ni Mama, kapag dumating na ang aking anghel, maiiwan na raw ako sa bahay.

Di raw para sa mga bata ang opisina.

Nang dumating ang una kong anghel, sobrang saya ko!

Si Angel Perla ang una kong anghel.

Sabi ni Mama, "Angel ang itawag ko kay Ate Perla, dahil ang mga anghel daw ay laging nagbabantay sa mababait na bata.

"O, Angel Perla, 'kaw na ang bahala kay Lara, patulugin mo sa tanghali," bilin ni Mama.

Mabait si Angel Perla pero pinatutulog lang niya ako sa

buong mag-hapon kahit ayaw ko nang matulog, pilit pa rin niya akong pinatutulog.

"Tulog na Lara, para lumaki ka agad," lagi niyang sinasabi.

Pero isang araw nagpaalam na si Angel Perla, kailangan na raw siya ng kaniyang mga anak sa probinsiya.

Pangalawa kong anghel ay si Angel Sally.

Sabi ni Mama, "Angel ang itawag ko kay Ate Sally dahil ang mga anghel daw ay nag-aalaga sa mga masunuring bata.

"Angel Sally, 'kaw na ang bahala kay Lara, pakainin mong palagi," bilin ni Mama.

Mabait si Angel Sally pero lagi niya akong pinakakain kahit busog na busog na ako.

Minsan napakarami niyang pinakakain sa akin, minsan naman sobrang kaunti.

"Kain pa Lara, para lumaki ka agad," lagi niyang sinasabi.

Pero isang araw, nagpaalam na kay Mama si Angel Sally, kailangan raw siya ng kaniyang maysakit na ama.

Pangatlo kong anghel ay si Angel Rowena.

Sabi ni Mama, "Angel" ang itawag ko kay Ate Rowena dahil ang mga anghel daw ay tumutulong sa magagalang na bata.

"O, Angel Rowena, 'kaw na ang bahala kay Lara, 'wag mong hayaang pawisan ang likod," bilin ni Mama.

"Halika Lara, palitan natin ang bimpo sa likod mo, para di ka magkasakit," lagi niyang sinasabi.

Mabait si Angel Rowena pero lagi siyang palit nang palit

ng bimpo sa likod ko at kapag pinulbusan niya ako, para na akong espasol.

Isang umaga pagkatapos ng aming almusal, nagpaalam na si Angel Rowena,

kailangan daw siyang umuwi ng probinsiya upang tumulong sa anihan ng palay.

Pang-apat kong anghel ay si Angel Charito.

Sabi ni Mama, "Angel" ang itawag ko kay Ate Charito dahil ang mga anghel raw ay anak ng Diyos. "

"Angel Charito, Ikaw na ang bahala kay Lara, libangin mo," bilin ni Mama.

Mabait si Angel Charito, pero sa buong maghapon, wala kaming ginagawa kundi ang manood ng TV.

Lahat ng palabas mula umaga hanggang hapon, pinapanood namin.

"Halika Lara, magsisimula na ang palabas," lagi niyang aya sa akin.

Isang hapon, pagdating ni Mama, nagpaalam na si Angel Charito,

kailangan daw siyang umuwi dahil mag-aaral na siya.

Pang-lima kong anghel, si Angel Bebeng.

Bilin ni Mama, "Angel" ang itawag ko kay Ate Bebeng dahil si Angel Bebeng raw ang aking mama habang nasa opisina siya.

"O, Angel Bebeng, 'kaw na ang bahala kay Lara, 'wag mong hayaang lumabas," bilin ni Mama.

Mabait si Angel Bebeng, pero ayaw niya akong palabasin ng bahay kahit sa aming magandang hardin.

Sandali lang akong mawala, agad niya akong hinahanap.

"Lara, nasa'n ka na? 'Wag kang lalabas baka kunin ka ng mamang may balbas," lagi niyang takot sa akin.

Pero isang gabi, habang nagpapahinga si Mama,

nagpaalam na si Angel Bebeng, kinukuha na raw siya ng Tiya niyang may karinderya.

Pumalit naman ang pang-anim kong anghel, si Angel Ningning.

Bilin uli ni Mama, na "Angel pa rin ang itawag ko kay Angel Ningning tulad ng mga naging anghel ko.

"O, Angel Ningning, 'kaw na ang bahala kay Lara, paliguan mo," bilin ni Mama.

Tulad ng mga dati kong anghel, mabait din si Angel Ningning pero paligo siya nang paligo sa akin.

Kahit konting dumi lang, pinaliliguan agad niya ako.

Ayaw na ayaw niyang makikita na madumi ang damit ko.

Minsan sobrang init ng tubig na ipinangliligo niya sa akin, minsan naman sobrang lamig!

"Halika na Lara, paliliguan na kita, maligamgam itong tubig," lagi niyang pang-akit sa akin.

Tulad nung mga dati kong anghel, isang hapunan, nagpaalam na rin si Angel Ningning,

magpapakasal na raw siya sa kaniyang matagal nang nobyo.

Bawat anghel na dumarating sa aming bahay, alam kong masayang-masaya si Mama

dahil di na niya problema kung sino ang magbabantay at mag-aalaga sa akin.

Pero alam kong doble rin ang lungkot ni Mama kapag umaalis na ang aking anghel.

Maghihintay na naman kami ng bagong anghel na darating sa aming bahay.

Totoo nga bang may anghel tulad ng sinasabi ni Mama?

May anghel nga bang nagbabantay, nag-aalaga, at tumutulong sa mga bata?

Anak nga ba sila ng Diyos na puwede kong maging pangalawang mama?

Bakit lahat sila ay umalis sa aming bahay?

Isang umaga, binati ako ng halik ni Mama.

Isang masarap na almusal ang nakahanda.

"Mula ngayon Lara, ako na ang iyong magiging anghel," sabi ni Mama.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mama.

Sa buong maghapon, kami na ang magkasama.

Laking gulat ko dahil kahit di ko pa nakakasama nang matagal si Mama,

alam na alam niya kung kailan ako dapat patulugin at pakakainin,

kung kailan dapat pulbusan at palitan nang bimpo sa likod ko,

at kung kailan ako dapat maglaro o paliguan.

Alam na alam din niya ang dami ng pagkain na mauubos ko

at ang tamang init ng tubig na gustong-gusto ko sa paliligo.

Parang nagsamang lahat ang anim na anghel na aking nakasama sa iisang anghel.

At sigurado ako, si Mama nga ang pangpito at panghuli kong anghel,

anghel na magbabantay, mag-aalaga, at tutulong sa akin.

Anghel na hinding-hindi magpapaalam, at anghel na hinding-hindi ako iiwan.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

PITONG ANGHEL (SEVEN ANGELS) | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES SIEBEN ENGEL (SIEBEN ENGEL) | KINDERBUCH IN TAGALOG MIT ENGLISCHEN/TAGALOG-UNTERTITELN SEVEN ANGELS (SEVEN ANGELS) | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES セブンエンジェルズ(セブンエンジェルズ) | セブンエンジェルズ英語/タガログ語字幕付きタガログ語児童書 ZEVEN ENGELEN (ZEVEN ENGELEN) | KINDERBOEK IN TAGALOG MET ENGELS/TAGALOG ONDERTITELS

Pitong Anghel Seven Angels

Kuwento ni Genaro Gojo Cruz Story by Genaro Gojo Cruz

Guhit ni Ivan Reverente Illustrated by Ivan Reverente

(MUSIC) (MUSIC)

Di pa dumarating ang bago kong anghel, kaya isinama muna ako ni Mama sa kaniyang opisina. My new angel still had not come, so Mama took me with her to the office.

Wala pa raw akong makakasama sa aming bahay. She said there was no one to stay with me at home.

Wala pang anghel na magbabantay at mag-aalaga sa akin. There was no angel to look after me and take care of me.

Gano'n pala kahirap ang buhay ni Mama sa opisina. So this is how hard things are for Mama at the office.

Puro tunog lang ng stapler, All one hears is the sound of the stapler,

stamp pad, the stamp pad,

telepono, the telephone,

at keyboard ng kompiyuter ang maririnig. and the computer keyboard.

Ang mga tao, parang mga robot kung kumilos, at wala man lang ngumingiti. People move like robots, and none of them ever smile.

Parang mga boses-ipis din sila kung mag-usap. They also talk to each other in tiny, high-pitched voices.

Binigyan ako ng papel at lapis ni Mama. Mama handed me a piece of paper and a pencil.

Pinagdrowing niya ako ng kung anu-ano She made me draw all sorts of things trees, dogs, mangoes, flowers, the sun, even the tall

—puno, aso, mangga, bulaklak, araw, pati matataas na bilding at tulay —trees, dogs, mangoes, flowers, the sun, as well as tall buildings and bridges

na dinaanan namin kanina, nadrowing ko na. that we passed earlier, I have already drawn.

Nadrowing ko na ang lahat na kaya kong idrowing, pero di pa rin tapos si Mama, I had already drawn everything I knew how to draw, but Mama still wasn't done.

talagang matagal ang trabaho niya. Her work really took up a lot of time.

Di nauubos ang mga ginagawa. There was always something that needed to be done.

Sabi ni Mama, kapag dumating na ang aking anghel, maiiwan na raw ako sa bahay. But Mama said, once my angel arrives, I can just stay at home.

Di raw para sa mga bata ang opisina. She says that the office isn't a place for kids.

Nang dumating ang una kong anghel, sobrang saya ko! When my first angel arrived, I was overjoyed!

Si Angel Perla ang una kong anghel. Angel Perla was my first angel.

Sabi ni Mama, "Angel ang itawag ko kay Ate Perla, dahil ang mga anghel daw ay laging nagbabantay sa mababait na bata. Mama told me to call Ate Perla 'Angel', because angels always watch over good children.

"O, Angel Perla, 'kaw na ang bahala kay Lara, patulugin mo sa tanghali," bilin ni Mama. "O, Angel Perla, please take good care of Lara. Remember to set her down for an afternoon nap," Mama told her.

Mabait si Angel Perla pero pinatutulog lang niya ako sa Angel Perla was nice, but she just made me sleep all day.

buong mag-hapon kahit ayaw ko nang matulog, pilit pa rin niya akong pinatutulog. Even if I didn't want to sleep anymore, she would still make me.

"Tulog na Lara, para lumaki ka agad," lagi niyang sinasabi. "Go to sleep, Lara, so you'll grow tall very quickly," she kept saying.

Pero isang araw nagpaalam na si Angel Perla, kailangan na raw siya ng kaniyang mga anak sa probinsiya. But one day Angel Perla said good-bye. She said she was needed by her children in the province.

Pangalawa kong anghel ay si Angel Sally. My second angel was Angel Sally.

Sabi ni Mama, "Angel ang itawag ko kay Ate Sally dahil ang mga anghel daw ay nag-aalaga sa mga masunuring bata. Mama told me to call Ate Sally 'Angel' because angels take care of obedient children.

"Angel Sally, 'kaw na ang bahala kay Lara, pakainin mong palagi," bilin ni Mama. "Angel Sally, please take good care of Lara. Feed her well," Mama told her.

Mabait si Angel Sally pero lagi niya akong pinakakain kahit busog na busog na ako. Angel Sally was nice, but she kept making me eat even if I was already so full.

Minsan napakarami niyang pinakakain sa akin, minsan naman sobrang kaunti. Sometimes she would feed me too much, and sometimes she would feed me too little.

"Kain pa Lara, para lumaki ka agad," lagi niyang sinasabi. "Eat some more, Lara, so you'll grow faster," she kept telling me.

Pero isang araw, nagpaalam na kay Mama si Angel Sally, kailangan raw siya ng kaniyang maysakit na ama. But one day, Angel Sally told Mama that she was leaving. She said she was needed by her ailing father.

Pangatlo kong anghel ay si Angel Rowena. My third angel was Angel Rowena.

Sabi ni Mama, "Angel" ang itawag ko kay Ate Rowena dahil ang mga anghel daw ay tumutulong sa magagalang na bata. Mama told me to call Ate Rowena 'Angel' because angels help well-mannered children.

"O, Angel Rowena, 'kaw na ang bahala kay Lara, 'wag mong hayaang pawisan ang likod," bilin ni Mama. "O, Angel Rowena, please take good care of Lara. Don't let her back get sweaty," Mama told her.

"Halika Lara, palitan natin ang bimpo sa likod mo, para di ka magkasakit," lagi niyang sinasabi. "Come, Lara, let's change the towel on your back so you won't get sick," she would always keep telling me.

Mabait si Angel Rowena pero lagi siyang palit nang palit Angel Rowena was nice, but she always kept changing the towel on my back,

ng bimpo sa likod ko at kapag pinulbusan niya ako, para na akong espasol. and whenever she put powder on me I ended up like espasol*.

Isang umaga pagkatapos ng aming almusal, nagpaalam na si Angel Rowena, One morning after breakfast, Angel Rowena said goodbye.

kailangan daw siyang umuwi ng probinsiya upang tumulong sa anihan ng palay. She said she needed to go home to the province to help with the rice harvest.

Pang-apat kong anghel ay si Angel Charito. My fourth Angel was Angel Charito.

Sabi ni Mama, "Angel" ang itawag ko kay Ate Charito dahil ang mga anghel raw ay anak ng Diyos. " Mama told me to call Ate Charito 'Angel' because angels are the children of God.

"Angel Charito, Ikaw na ang bahala kay Lara, libangin mo," bilin ni Mama. "Angel Charito, please take good care of Lara. Keep her entertained," Mama told her.

Mabait si Angel Charito, pero sa buong maghapon, wala kaming ginagawa kundi ang manood ng TV. Angel Charito was nice, but we did nothing all day except watch TV.

Lahat ng palabas mula umaga hanggang hapon, pinapanood namin. We would watch all the shows from morning till evening.

"Halika Lara, magsisimula na ang palabas," lagi niyang aya sa akin. "Come on, Lara, the show is about to start," she often called out to me.

Isang hapon, pagdating ni Mama, nagpaalam na si Angel Charito, One evening, when Mama came home, Angel Charito said goodbye.

kailangan daw siyang umuwi dahil mag-aaral na siya. She said she needed to go home because she was going to go to school.

Pang-lima kong anghel, si Angel Bebeng. My fifth angel was Angel Bebeng.

Bilin ni Mama, "Angel" ang itawag ko kay Ate Bebeng dahil si Angel Bebeng raw ang aking mama habang nasa opisina siya. Mama told me to call Ate Bebeng 'Angel' because Angel Bebeng was going to be my mama while she was at the office.

"O, Angel Bebeng, 'kaw na ang bahala kay Lara, 'wag mong hayaang lumabas," bilin ni Mama. "O, Angel Bebeng, please take good care of Lara. Don't let her go outdoors," Mama told her.

Mabait si Angel Bebeng, pero ayaw niya akong palabasin ng bahay kahit sa aming magandang hardin. Angel Bebeng was nice, but she wouldn't let me go outside, not even to our beautiful garden.

Sandali lang akong mawala, agad niya akong hinahanap. If I disappeared for even a moment, she would come looking for me at once.

"Lara, nasa'n ka na? 'Wag kang lalabas baka kunin ka ng mamang may balbas," lagi niyang takot sa akin. "Lara, where are you? Don't go outside or a man with a beard might come and get you," she kept trying to scare me.

Pero isang gabi, habang nagpapahinga si Mama, But one night, while Mama was trying to get some rest, Angel Bebeng said goodbye.

nagpaalam na si Angel Bebeng, kinukuha na raw siya ng Tiya niyang may karinderya. Her aunt, who ran an eatery, was offering her a job.

Pumalit naman ang pang-anim kong anghel, si Angel Ningning. Angel Ningning, my sixth angel, came to take her place.

Bilin uli ni Mama, na "Angel pa rin ang itawag ko kay Angel Ningning tulad ng mga naging anghel ko. Mama told me again to call Angel Ningning 'Angel', just like I called all of my other angels.

"O, Angel Ningning, 'kaw na ang bahala kay Lara, paliguan mo," bilin ni Mama. "O, Angel Ningning, please take good care of Lara. Give her a bath," Mama told her.

Tulad ng mga dati kong anghel, mabait din si Angel Ningning pero paligo siya nang paligo sa akin. Just like all the others, Angel Ningning was also nice, but she kept bathing me all the time.

Kahit konting dumi lang, pinaliliguan agad niya ako. If I got even the slightest bit dirty, she would immediately give me a bath.

Ayaw na ayaw niyang makikita na madumi ang damit ko. She could not stand to see even my clothes get dirty.

Minsan sobrang init ng tubig na ipinangliligo niya sa akin, minsan naman sobrang lamig! Sometimes the bath water was too hot, and sometimes it was too cold!

"Halika na Lara, paliliguan na kita, maligamgam itong tubig," lagi niyang pang-akit sa akin. "Come on, Lara, I'm going to give you a bath now, the water feels just right," she would try to persuade me.

Tulad nung mga dati kong anghel, isang hapunan, nagpaalam na rin si Angel Ningning, But just like my previous other angels, one time at dinner, Angel Ningning also said goodbye.

magpapakasal na raw siya sa kaniyang matagal nang nobyo. She said she was getting married to her longtime boyfriend.

Bawat anghel na dumarating sa aming bahay, alam kong masayang-masaya si Mama With every angel who comes to our home, I know Mama is very pleased

dahil di na niya problema kung sino ang magbabantay at mag-aalaga sa akin. because she doesn't have to worry about who will look after me and take care of me.

Pero alam kong doble rin ang lungkot ni Mama kapag umaalis na ang aking anghel. But I also know that Mama is doubly saddened when my angels leave.

Maghihintay na naman kami ng bagong anghel na darating sa aming bahay. It means we have to wait again-for a new angel to come.

Totoo nga bang may anghel tulad ng sinasabi ni Mama? Are there really angels, like Mama says there are?

May anghel nga bang nagbabantay, nag-aalaga, at tumutulong sa mga bata? Are there really angels who look after children, take care of them, and help them?

Anak nga ba sila ng Diyos na puwede kong maging pangalawang mama? Are they really children of God who can become my second mother?

Bakit lahat sila ay umalis sa aming bahay? But why did they all leave?

Isang umaga, binati ako ng halik ni Mama. One morning, Mama greeted me with a kiss.

Isang masarap na almusal ang nakahanda. There was a delicious breakfast spread out on the table.

"Mula ngayon Lara, ako na ang iyong magiging anghel," sabi ni Mama. "From now on, Lara, I am going to be your angel," said Mama.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mama. I could not believe what Mama said.

Sa buong maghapon, kami na ang magkasama. The two of us spent the entire day together.

Laking gulat ko dahil kahit di ko pa nakakasama nang matagal si Mama, I was so amazed because even though Mama and I had not spent much time together before,

alam na alam niya kung kailan ako dapat patulugin at pakakainin, she knew exactly when to put me to bed and give me my meals,

kung kailan dapat pulbusan at palitan nang bimpo sa likod ko, when to powder me and change the towel on my back, and when I should play or be given a bath.

at kung kailan ako dapat maglaro o paliguan.

Alam na alam din niya ang dami ng pagkain na mauubos ko She also knew exactly how much food I could finish and how warm I liked my bath water.

at ang tamang init ng tubig na gustong-gusto ko sa paliligo.

Parang nagsamang lahat ang anim na anghel na aking nakasama sa iisang anghel. It was like the six angels who took care of me before had all come together in just one angel.

At sigurado ako, si Mama nga ang pangpito at panghuli kong anghel, I am sure that Mama is going to be my seventh and last angel,

anghel na magbabantay, mag-aalaga, at tutulong sa akin. an angel who will look after me, take care of me, and help me.

Anghel na hinding-hindi magpapaalam, at anghel na hinding-hindi ako iiwan. An angel who will never say goodbye, and will never ever leave me.