×

Vi använder kakor för att göra LingQ bättre. Genom att besöka sajten, godkänner du vår cookie-policy.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), SAPATOS NI MOMMY | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

SAPATOS NI MOMMY | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES

Ang Sapatos ni Mommy

Kuwento ni Segundo Matias, Jr.

Guhit ni Kora Dandan-Albano

(MUSIC)

Wow! Ang ganda ng T-shirt ng kalaro kong si Totet!

Si Spider-man ang nakadikit doon.

Nagpabili nga ako kay Mommy.

Siyempre, dahil mahal ako ni Mommy, ibinili niya ako n' on.

At mas magara pa dahil kumikinang iyon, hindi kagaya ng kay Totet.

Teka, Linggo na naman. It's mall time!

At siyempre sa Timezone muna kami.

Zoom ... ! Beng! Beng!

Kung 'di iyong kotse na animo ako ang nakasakay ay 'yung baril na malaki ang gusto ko!

Si Ate naman, wala nang ginawa kundi magsayaw nang magsayaw sa dance machine.

At laging mataas ang score niya.

At siyempre, ako rin!

Nauubos namin ang perang ibinibigay ni Mommy, kasi sinusulit namin ang paglalaro namin.

Siyempre, kakain kami pagkatapos sa Jollibee! Yehey!

Chicken joy ang paborito namin ni Ate.

Kain kami nang kain hanggang sa mabusog kami.

Pero bakit itong si Mommy, hindi umo-order ng sarili niyang pagkain?

"Sige lang, kumain lang kayo. Busog pa ako," lagi niyang katuwiran sa amin.

Pero teka, bakit 'pag tapos na kaming kumain ay kinakain naman niya ang natira namin ni Ate Chie?

Itong si Ate, kung ikukumpara sa akin ay mas mausisa.

"Bakit iyong tira namin ang kinakain mo, Mommy?

'Yung ayaw naming parte ng chicken ang kinakain mo?

'Yung wings na puro buto pa?" tanong niya minsan.

"Ito kasi ang masarap," sagot ni Mommy.

Biglang tumawa itong si Ate Chie, bumulong pa sa akin.

"Masarap daw iyon, eh, puro buto naman. Walang lasa ... "

Hindi ko naman naiwasan ang pagtawanan din si Mommy.

Ewan ko ba, tuwing magtutungo kami sa mall, lagi na lang dumadaan si Mommy sa isang tindahan.

Kung anu-ano ang itinatanong. Hindi ko na maintindihan ang iba.

Minsan, magsusukat, pero hindi naman pala bibili.

Hay ... at naiinis na yata ang saleslady sa kanya.

Kaya hayun, kung 'di sa ukay-ukay ay sa Divisoria siya bumibili.

Walang aircon sa ukay-ukay;

masikip ang mga daan at maraming tao sa Divisoria,

kaya hindi na niya kami isinasama roon.

Magulo raw at maingay.

Pero bakit nagtitiyagang magtungo ang mommy ko roon?

Bakit hindi na lang siya sa mall mamili?

Dahil napakapihikan ni Mommy, naisip ko.

Wala siyang nabibiling damit o sapatos.

Kasi isang pares lang ang sapatos niya at tatlo lang yata ang blusa niya!

Linggo na naman! Siyempre, sa mall ang pasyal namin.

Nagpabili ang ate ko ng mga bagong damit ng Barbie doll niya.

Ako naman, iyong helicopter na kagaya ng sa kaklase ko-de-remote!

Lipad dito! Lipad doon!

Ang gara! Zoom! Beng! Beng!

Timezone uli! Chickenjoy uli!

Itong si Mommy talaga, hindi na naman umorder at 'yung mga tira lang namin ang kinain niya.

Dumaan na naman kami sa tindahan ng sapatos.

Hindi na naman siya bumili.

Hihintayin daw niyang mag-sale.

Wow! Tatlong araw na lang at birthday ko na!

"Mommy, ang gusto ko sanang iregalo mo sa akin para sa birthday ko, 'yong PSP.

Maraming-maraming games iyon," pakiusap ko kay Mommy.

"Luigi, anak, sobrang mahal yata n'on," tugon niya.

Siyempre, nalungkot ako.

Pero mahal na mahal talaga ako ni Mommy, dahil ibinigay niya ang hiling ko!

Yeheyy!!!

Nakangiting ibinigay sa akin ni Mommy ang PSP at niyakap pa niya ako.

Ang gara ng PSP ko. Bagung-bago.

Ipinagyabang ko ito sa mga kalaro ko at mga kaklase ko.

Isang araw, matutulog na sana kami ni Ate nang marinig naming kausap ni Mommy si Tita Letty.

"Bakit kasi hindi ka bumibili ng bagong blouse at sapatos?

Lagi na lang iyan ang suot mo.

Baka akala ng mga tao, hindi ka nagpapalit," sabi ni Tita Letty.

"Naku, Letty, hindi ka pa kasi nagkakaanak," tugon ni Mommy.

"Kapag mommy ka na, 'yong mga gusto at mga ipinabibili ng mga anak mo ang uunahin mo,

hindi iyong para sa sarili mo."

"Ha?" bulalas ni Tita Letty.

Pareho kaming napanganga at nagulat ni Ate Chie.

"Minsan, kahit gustung-gusto ko nang kumain, sila na muna ang pinapauna ko.

Mas masaya ako kapag nakikita kong masaya sila.

'Di bale na ako. Sila ang kaligayahan ko ... "

Hindi ako nakaimik.

Hindi rin nakapagsalita si Ate Chie.

Linggo na naman. Timezone at Jollibee uli.

Muli, dumaan kami sa nagtitinda ng sapatos.

Natuwa si Mommy nang makita niya ang karatulang "SALE" sa bintanang salamin ng tindahan.

Kaya kaagad siyang pumasok doon at iniwan kami sa labas.

"Naku, Misis, wala na pong stock iyong lagi ninyong

isinusukat, eh," salubong ng saleslady kay Mommy.

Mula sa pinto, nakita kong nalungkot ang mommy ...

Paglabas niya, sumalubong kami ni Ate Chie sa kanya.

"Mommy, Mommy ... " tawag ko sa kanya.

Hindi niya yata ako narinig.

Humarap ako sa kanya.

Marahan kong iniabot ang isang kahon sa kanya.

"Mommy, happy birthday ... "

Nabigla ang mommy ko.

Ang hindi niya alam, hindi naman kami naglaro sa Timezone.

Binili namin ni Ate Chie ang sapatos na gustung-gusto niya.

"Birthday?"

"Mommy," sagot ni Ate Chie, "di ba, birthday mo ngayon?"

Napayakap sa amin si Mommy. Mahigpit.

Ewan ko, pero narinig ko siyang suminghot. Umiiyak siya.

"Mommy, bakit?" tanong ko.

"Nakalimutan ko. Birthday ko nga pala ... "

Ano? Nakalimutan ni Mommy ang birthday niya?

"Salamat ... Salamat, mga anak ... "

Noon ko naisip, kami nga ang number one sa kanya---kaming mga anak niya.

Dahil kami ang laging laman ng kanyang isipan.

Minu-minuto, oras-oras, araw-araw ...

...sa lahat ng panahon.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

SAPATOS NI MOMMY | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES MOMMY'S SHOES | CHILDREN'S BOOK IN TAGALOG WITH ENGLISH/TAGALOG SUBTITLES CHAUSSURES DE MAMAN | LIVRE POUR ENFANTS EN TAGALOG AVEC SOUS-TITRES ANGLAIS/TAGALOG ママの靴 |英語/タガログ語字幕付きタガログ語児童書 BUTY MAMY | KSIĄŻKA DLA DZIECI W JĘZYKU TAGALOGOWYM Z ANGIELSKIMI/TAGALOGOWYMI NAPISAMI

Ang Sapatos ni Mommy Mommy's Shoes

Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Story by Segundo Matias, Jr.

Guhit ni Kora Dandan-Albano Illustrations by Kora Dandan-Albano

(MUSIC) (MUSIC)

Wow! Ang ganda ng T-shirt ng kalaro kong si Totet! Wow! My playmate Totet's T-shirt looks good!

Si Spider-man ang nakadikit doon. It has Spider-man on it.

Nagpabili nga ako kay Mommy. So I asked Mommy if I could have one.

Siyempre, dahil mahal ako ni Mommy, ibinili niya ako n' on. Of course, because Mommy loves me, she bought me the shirt.

At mas magara pa dahil kumikinang iyon, hindi kagaya ng kay Totet. And it's much better because it shines, unlike Totet's.

Teka, Linggo na naman. It's mall time! Wait, it's Sunday again. It's mall time!

At siyempre sa Timezone muna kami. And we'll be at Timezone, of course.

Zoom ... ! Beng! Beng! Zoom ... ! Beng! Beng!

Kung 'di iyong kotse na animo ako ang nakasakay ay 'yung baril na malaki ang gusto ko! If not that car where I look like its passenger, it's that big gun that I want most!

Si Ate naman, wala nang ginawa kundi magsayaw nang magsayaw sa dance machine. Ate* does nothing but dance and dance on the dance machine.

At laging mataas ang score niya. But mind you, her scores are always high. And mine, too, of course!

At siyempre, ako rin! And of course, me too!

Nauubos namin ang perang ibinibigay ni Mommy, kasi sinusulit namin ang paglalaro namin. We spend all the money Mommy gives us because we want to make the most of our playtime.

Siyempre, kakain kami pagkatapos sa Jollibee! Yehey! Of course, after that we'll be eating at Jollibee!

Chicken joy ang paborito namin ni Ate. Yehey! Chickenjoy is our favorite.

Kain kami nang kain hanggang sa mabusog kami. We eat and eat until we are full.

Pero bakit itong si Mommy, hindi umo-order ng sarili niyang pagkain? But why isn't Mommy ordering food for herself?

"Sige lang, kumain lang kayo. Busog pa ako," lagi niyang katuwiran sa amin. "It's okay, go ahead. I'm not hungry," she always reasons out.

Pero teka, bakit 'pag tapos na kaming kumain ay kinakain naman niya ang natira namin ni Ate Chie? But wait, why does she eat our leftovers after we eat?

Itong si Ate, kung ikukumpara sa akin ay mas mausisa. Even Ate is much more curious than me.

"Bakit iyong tira namin ang kinakain mo, Mommy? "Why are you eating our leftovers, Mommy?

'Yung ayaw naming parte ng chicken ang kinakain mo? You're even eating the parts of the chicken we don't eat, like the bony wings?" she asked her once.

'Yung wings na puro buto pa?" tanong niya minsan. "The wings that are still bones?" he asked once.

"Ito kasi ang masarap," sagot ni Mommy. "Because they're delicious," Mommy answered:

Biglang tumawa itong si Ate Chie, bumulong pa sa akin. Ate Chie even laughed and whispered to me.

"Masarap daw iyon, eh, puro buto naman. Walang lasa ... " "She says it's delicious, when it's all bones. No taste at all, .. "

Hindi ko naman naiwasan ang pagtawanan din si Mommy. I couldn't help but laugh at Mommy, too.

Ewan ko ba, tuwing magtutungo kami sa mall, lagi na lang dumadaan si Mommy sa isang tindahan. I don't know why, but every time we go to the mall, Mommy would pass by this shoe store.

Kung anu-ano ang itinatanong. Hindi ko na maintindihan ang iba. She keeps on asking many questions. I couldn't even understand some of them.

Minsan, magsusukat, pero hindi naman pala bibili. Sometimes, she would fit a pair, but end up not buying at all.

Hay ... at naiinis na yata ang saleslady sa kanya. Hay...and even the saleslady seemed to get irritated with her.

Kaya hayun, kung 'di sa ukay-ukay ay sa Divisoria siya bumibili. So, there, she buys clothes at Divisoria, if not in ukay-ukay stores where they sell old, second-hand stuff.

Walang aircon sa ukay-ukay; There's no airconditioning at the ukay-ukay stores.

masikip ang mga daan at maraming tao sa Divisoria, The roads are narrow in Divisoria and it is crowded so she doesn't bring us along when she goes there.

kaya hindi na niya kami isinasama roon. so he no longer includes us there.

Magulo raw at maingay. She says it's confusing and noisy there.

Pero bakit nagtitiyagang magtungo ang mommy ko roon? But why does Mommy have the patience to go there?

Bakit hindi na lang siya sa mall mamili? Why doesn't she buy at the mall instead?

Dahil napakapihikan ni Mommy, naisip ko. Maybe Mommy is just being picky, I thought.

Wala siyang nabibiling damit o sapatos. She doesn't buy clothes or shoes for herself.

Kasi isang pares lang ang sapatos niya at tatlo lang yata ang blusa niya! You see, she only has one pair of shoes and three blouses.

Linggo na naman! Siyempre, sa mall ang pasyal namin. It's, Sunday again! Of course, we go to the mall to have fun.

Nagpabili ang ate ko ng mga bagong damit ng Barbie doll niya. My ate asked to buy new clothes for her Barbie doll.

Ako naman, iyong helicopter na kagaya ng sa kaklase ko-de-remote! I asked for a helicopter like the one my classmate has- with remote control!

Lipad dito! Lipad doon! It flies here! And there! It's cool!

Ang gara! Zoom! Beng! Beng! Zoom! Beng! Beng!

Timezone uli! Chickenjoy uli! Timezone again! Chickenjoy again!

Itong si Mommy talaga, hindi na naman umorder at 'yung mga tira lang namin ang kinain niya. And Mommy, really now, doesn't order for herself and eats the leftovers as usual.

Dumaan na naman kami sa tindahan ng sapatos. We passed by the shoe store again.

Hindi na naman siya bumili. She didn't buy like before.

Hihintayin daw niyang mag-sale. She said she'll wait when they're on sale.

Wow! Tatlong araw na lang at birthday ko na! Three more days and it's my birthday!

"Mommy, ang gusto ko sanang iregalo mo sa akin para sa birthday ko, 'yong PSP. "Mommy, what I want for my birthday gift is PSP. It has lots of games,"

Maraming-maraming games iyon," pakiusap ko kay Mommy. I pleaded with Mommy.

"Luigi, anak, sobrang mahal yata n'on," tugon niya. "Luigi, my child, but it's too expensive," she answered.

Siyempre, nalungkot ako. Of course, I was sad.

Pero mahal na mahal talaga ako ni Mommy, dahil ibinigay niya ang hiling ko! But Mommy really loves me a lot, because she gave me what I wished for!

Yeheyy!!! Yeheyyy!

Nakangiting ibinigay sa akin ni Mommy ang PSP at niyakap pa niya ako. Mommy was smiling when she gave me the PSP and even hugged me.

Ang gara ng PSP ko. Bagung-bago. My PSP is really cool. Totally new!

Ipinagyabang ko ito sa mga kalaro ko at mga kaklase ko. I bragged about it to my friends and classmates.

Isang araw, matutulog na sana kami ni Ate nang marinig naming kausap ni Mommy si Tita Letty. One day, when Ate and I were about to sleep, we heard Tita Letty talking to Mommy.

"Bakit kasi hindi ka bumibili ng bagong blouse at sapatos? "Why aren't you buying new blouses and shoes?

Lagi na lang iyan ang suot mo. You're always wearing the same stuff.

Baka akala ng mga tao, hindi ka nagpapalit," sabi ni Tita Letty. People might think you don't even change clothes," Tita Letty said.

"Naku, Letty, hindi ka pa kasi nagkakaanak," tugon ni Mommy. "Naku**, Letty, it's because you don't have children yet," Mommy answered.

"Kapag mommy ka na, 'yong mga gusto at mga ipinabibili ng mga anak mo ang uunahin mo, "When you become a mother, you will buy first all the things your children ask for and not for yourself."

hindi iyong para sa sarili mo." not for yourself."

"Ha?" bulalas ni Tita Letty. "Ha?" Tita Letty exclaimed.

Pareho kaming napanganga at nagulat ni Ate Chie. Ate Chie and I were both surprised.

"Minsan, kahit gustung-gusto ko nang kumain, sila na muna ang pinapauna ko. "Sometimes, even when I really want to eat, I let them go first.

Mas masaya ako kapag nakikita kong masaya sila. I'm happier when I see them very happy.

'Di bale na ako. Sila ang kaligayahan ko ... " I don't mind. They are my joy ... "

Hindi ako nakaimik. I couldn't say a word. Ate Chie was also speechless.

Hindi rin nakapagsalita si Ate Chie. Ate Chie couldn't speak either.

Linggo na naman. Timezone at Jollibee uli. It's Sunday again. Timezone and Jollibee time once more.

Muli, dumaan kami sa nagtitinda ng sapatos. We passed by the shoe store again.

Natuwa si Mommy nang makita niya ang karatulang "SALE" sa bintanang salamin ng tindahan. Mommy was happy when she saw the "SALE" signboard on the store's glass window.

Kaya kaagad siyang pumasok doon at iniwan kami sa labas. So she went inside soon enough and left us outside.

"Naku, Misis, wala na pong stock iyong lagi ninyong "Naku, Madam, we don't have a stock of the one you always fit,"

isinusukat, eh," salubong ng saleslady kay Mommy. the saleslady said as she approached Mommy.

Mula sa pinto, nakita kong nalungkot ang mommy ... From the door, we saw how sad Mommy was ...

Paglabas niya, sumalubong kami ni Ate Chie sa kanya. When she stepped out, Ate Chie and I went toward her.

"Mommy, Mommy ... " tawag ko sa kanya. "Mommy, Mommy..." I called her.

Hindi niya yata ako narinig. I guess he didn't hear me.

Humarap ako sa kanya. I went in front of her. I slowly handed her a box.

Marahan kong iniabot ang isang kahon sa kanya. I gently handed a box to him.

"Mommy, happy birthday ... " "Mommy, happy birthday ... "

Nabigla ang mommy ko. My mommy was surprised.

Ang hindi niya alam, hindi naman kami naglaro sa Timezone. What she didn't know was that we really didn't play at Timezone.

Binili namin ni Ate Chie ang sapatos na gustung-gusto niya. Ate Chie and I bought the shoes that she really liked.

"Birthday?" "Birthday?"

"Mommy," sagot ni Ate Chie, "di ba, birthday mo ngayon?" "Mommy," Ate Chie answered, "isn't today your birthday?"

Napayakap sa amin si Mommy. Mahigpit. Mommy hugged us tightly.

Ewan ko, pero narinig ko siyang suminghot. Umiiyak siya. I don't know, but I think I heard her sniff. She was crying.

"Mommy, bakit?" tanong ko. "Mommy, why?" I asked.

"Nakalimutan ko. Birthday ko nga pala ... " "I forgot it's my birthday today ... "

Ano? Nakalimutan ni Mommy ang birthday niya? What? Mommy forgot her own birthday?

"Salamat ... Salamat, mga anak ... " "Thank you ... Thank you, my children ... "

Noon ko naisip, kami nga ang number one sa kanya---kaming mga anak niya. It was then that I realized we were number one for her - her children.

Dahil kami ang laging laman ng kanyang isipan. She always think of us, every minute, every hour, every day ... all the time.

Minu-minuto, oras-oras, araw-araw ... Minute by minute, hour by hour, day by day...

...sa lahat ng panahon. ...all the time.