×

Vi använder kakor för att göra LingQ bättre. Genom att besöka sajten, godkänner du vår cookie-policy.

image

Mga Piyesta ng Filipino (Filipino Holidays), 18: Araw ng Tatlong Hari (Three Kings' Day)

18: Araw ng Tatlong Hari (Three Kings' Day)

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.

Ang Araw ng Tatlong Hari ay ipinapagdiriwang sa unang Linggo matapos ang Bagong Taon tuwing Enero ng taon.

Ito rin ang tinuturing na huling araw ng napakahabang panahon ng Pasko sa bansa.

Kahit na unti-unti nang namamatay ang mga tradisyon ng araw na ito, mabuti pa ring alamin natin kung paano ba ito ipinagdiriwang.

Sa lesson na ito, aalamin natin kung paano ba ipinagdiriwang ang Araw ng Tatlong Hari …

- Ano ang sinasabi ng mga Pilipino sa bawat isa bilang pagbati kung sasapit ang araw na ito?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.

Ang Araw ng Tatlong Hari ay inaalala ng mga Katolikong Pilipino bilang ang araw kung kailan binisita ng Tatlong Haring Mago ang sanggol na Hesus sa kanyang sabsaban sa Bethlehem.

Kilala ang Tatlong Hari bilang sina Melchor, Gaspar at Baltazar na nagdala ng mga regalong ginto, amanyang at mira.

Sa maraming taon, pinaniwalaan ng mga batang Pilipino na ang Tatlong Hari ang tagapagdala ng mga regalo, kaya naman nakagawian nang maglagay ng mga bata ng kanilang mga malilinis na sapatos sa labas ng bahay sa pag-asang malalagyan ang mga ito ng mga kendi, tsokolate, o pera mula sa tatlong hari.

Ngunit dahil na rin sa impluwensiya ng Amerika, napalitan ang paniniwalang ito ng paniniwala kay Santa Claus.

Tulad rin ng paniniwala kay Santa Claus, sinasabihan ang mga bata na magbait at maging disiplinado para mabigyan ng mga regalo ng Tatlong Hari.

Para maipakita ang kanilang disiplina, ang mga bata mismo ang naglilinis ng kanilang mga sapatos na inaasahan nilang malalagyan ng mga regalo.

Sa karaniwan ang mga regalo ay natatanggap sa araw ng Pasko, sa ika-25 ng Disyembre.

Ngunit para sa ibang mga Pilipino, nakaugalian na nila na sa Araw ng Tatlong Hari magbigayan ng mga regalo …

Ang Araw ng Tatlong Hari ay tinatawag din na Pasko ng Matatanda.

Marahil, ito ay dahil sa karaniwang depiksyon ng Tatlong Hari na tatlong marurunong na hari na may katandaan na, malamang dahil na rin ito siguro sa sinasabing kaugnayan ng edad at karunungan.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.

- Ano ang sinasabi ng mga Pilipino sa bawat isa bilang pagbati kung sasapit ang araw na ito?

Simpleng simple lang ang pagbati sa araw na ito - "Happy Three Kings”!

Kahit hindi na ganoon na ipinagdiriwang ang araw na ito, karaniwan pa ring maririnig ang pagbati ng "Happy Three Kings" kung ika-6 ng Enero.

Kamusta ang lesson na ito?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan?

Kayo, ipinagdiriwang niyo ba ang Araw ng Tatlong Hari?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson!

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

18: Araw ng Tatlong Hari (Three Kings' Day) 18: Dreikönigstag Three Kings' Day 18: Święto Trzech Króli

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin? - Do you want to speak real Filipino from the first lesson?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... - Sign up for your free lifetime account at FilipinoPod101.com ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica. Hello everyone, I'm Erica.

Ang Araw ng Tatlong Hari ay ipinapagdiriwang sa unang Linggo matapos ang Bagong Taon tuwing Enero ng taon. The feast of the Three Kings is celebrated on the first Sunday after New Year's Day in January every year.

Ito rin ang tinuturing na huling araw ng napakahabang panahon ng Pasko sa bansa. This is also considered the last day of the very long Christmas season in the country.

Kahit na unti-unti nang namamatay ang mga tradisyon ng araw na ito, mabuti pa ring alamin natin kung paano ba ito ipinagdiriwang. Even though the traditions of this day are slowly dying out, it is still good to know how it is celebrated.

Sa lesson na ito, aalamin natin kung paano ba ipinagdiriwang ang Araw ng Tatlong Hari … In this lesson, we will find out how Three Kings Day is celebrated...

**- Ano ang sinasabi ng mga Pilipino sa bawat isa bilang pagbati kung sasapit ang araw na ito?** What do Filipinos say to each other as a greeting on this day (when this day arrives)?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. We will tell the answer at the end of this video.

Ang Araw ng Tatlong Hari ay inaalala ng mga Katolikong Pilipino bilang ang araw kung kailan binisita ng Tatlong Haring Mago ang sanggol na Hesus sa kanyang sabsaban sa Bethlehem. The Day of the Three Kings is remembered by Filipino Catholics as the day when the Three Wise Men visited the baby Jesus in his manger in Bethlehem.

Kilala ang Tatlong Hari bilang sina Melchor, Gaspar at Baltazar na nagdala ng mga regalong ginto, amanyang at mira. The Three Kings known as Melchor, Gaspar and Baltazar who brought gifts of gold, frankincense and myrrh.

Sa maraming taon, pinaniwalaan ng mga batang Pilipino na ang Tatlong Hari ang tagapagdala ng mga regalo, kaya naman nakagawian nang maglagay ng mga bata ng kanilang mga malilinis na sapatos sa labas ng bahay sa pag-asang malalagyan ang mga ito ng mga kendi, tsokolate, o pera mula sa tatlong hari. For many years, Filipino children believed that the Three Kings were the bearers of gifts, so it was customary for children to put their clean shoes outside their houses in the hope that they would be filled with candies, chocolates , or money from the Three Kings.

Ngunit dahil na rin sa impluwensiya ng Amerika, napalitan ang paniniwalang ito ng paniniwala kay Santa Claus. However due to the influence of America, this belief has been replaced by the belief in Santa Claus.

Tulad rin ng paniniwala kay Santa Claus, sinasabihan ang mga bata na magbait at maging disiplinado para mabigyan ng mga regalo ng Tatlong Hari. Just like the belief in Santa Claus, children are told to be kind and become disciplined in order to be given gifts by the Three Kings.

Para maipakita ang kanilang disiplina, ang mga bata mismo ang naglilinis ng kanilang mga sapatos na inaasahan nilang malalagyan ng mga regalo. To show their discipline, the children themselves clean their shoes which they hope will be filled with gifts.

Sa karaniwan ang mga regalo ay natatanggap sa araw ng Pasko, sa ika-25 ng Disyembre. Normally gifts are received on Christmas day, December 25th.

Ngunit para sa ibang mga Pilipino, nakaugalian na nila na sa Araw ng Tatlong Hari magbigayan ng mga regalo … But for other Filipinos, it is customary for them to give gifts on Three Kings Day ...

Ang Araw ng Tatlong Hari ay tinatawag din na Pasko ng Matatanda. Three Kings Day is also called Christmas of the Elderly.

Marahil, ito ay dahil sa karaniwang depiksyon ng Tatlong Hari na tatlong marurunong na hari na may katandaan na, malamang dahil na rin ito siguro sa sinasabing kaugnayan ng edad at karunungan. Perhaps, this is because of the usual depiction of the Three Kings as wise old kings, probably because of the alleged association between age and wisdom.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. And now, I will give the answer to the question earlier.

**- Ano ang sinasabi ng mga Pilipino sa bawat isa bilang pagbati kung sasapit ang araw na ito?** - What do Filipinos say to each other as a greeting on this day (when this day arrives)?

Simpleng simple lang ang pagbati sa araw na ito - "Happy Three Kings”! The greeting on this day is very very simple - "Happy Three Kings"!

Kahit hindi na ganoon na ipinagdiriwang ang araw na ito, karaniwan pa ring maririnig ang pagbati ng "Happy Three Kings" kung ika-6 ng Enero. Even though this day is no longer celebrated as much now, it is still common to hear the greeting "Happy Three Kings" on January 6th.

Kamusta ang lesson na ito? How was this lesson?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan? Did you learn something interesting?

Kayo, ipinagdiriwang niyo ba ang Araw ng Tatlong Hari? You guys, do you celebrate the Feast of the Three Kings?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Leave a comment on FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson! Until the next lesson!