21: Semana Santa (Holy Week)
- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?
- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ...
Hello sa inyong lahat, ako si Erica.
Ang Kuwaresma ay binubuo ng apatnapung araw mula Miyerkules ng Abo hanggang Huwebes Santo.
Ang huling linggo ng Kuwaresma ay tinatawag na Semana Santa at nagtatapos sa Linggo ng Pagkabuhay.
Sa lesson na ito, malalaman natin kung anu-ano ang ginagawa ng mga Pilipino para obserbahan ang Kuwaresma at ang Semana Santa ...
- Alam niyo ba kung saan nanggagaling ang abo na ginagamit tuwing Miyerkules ng Abo?
Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.
Ang Miyerkules ng Abo ang unang araw ng Kuwaresma.
Sa araw na ito, halos lahat ng tao ay nagsisimba at naglalagay ng hugis krus na abo sa kanilang mga noo.
Simbolo ang abo ng pagiging pansamantala ng buhay.
Ito rin ay simbolo ng pagtanggap ng pagiging makasalanan.
Sa buong apatnapung araw ng Kuwaresma, marami sa mga debotong Katoliko ang nag-aalay ng isang sakripisyo bilang uri ng pagsisisi sa kanilang mga kasalanan at bilang paggunita sa paghihirap ni Hesukristo.
Sa mga araw na ito rin, ipinagbabawal sa mga Katoliko ang pagkain ng karne at pinapayuhan ang lahat na mag-ayuno.
Ang pinaka-importanteng panahon kung Kuwaresma ay ang huling linggo na tinatawag na Semana Santa.
Halos buong linggo ay idinedeklara bilang pampublikong holiday.
Sa linggong ito, isinasagawa ng mga deboto ang pabasa ng Pasyon, prusisyon, Visita Iglesia, at Salubong bilang mga paraan ng pagninilay at pagsisisi ...
Alam niyo ba na ang apatnapung araw ng Kuwaresma ay bilang pag-alaala sa apatnapung araw ng pag-aayuno ni Hesus.
Sa Latin ang Kuwaresma ay tinatawag na Quadragesima na ang ibig sabihin ay ika-apatnapu.
At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.
- Alam niyo ba kung saan nanggagaling ang abo na ginagamit tuwing Miyerkules ng Abo?
Ang abo ay nanggagaling sa mga palaspas na binendisyunan noong Linggo ng Palaspas ng nakaraang taon.
Ang paglalagay ng abo sa noo ay isang paalala na ang tao ay nagmumula sa abo at magbabalik sa abo sa dulo ng kanyang buhay.
Kamusta ang lesson na ito?
May interesanteng bagay ba kayong natutunan?
Paano niyo inoobserbahan ang Kuwaresma?
Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.
Hanggang sa susunod na lesson!