×

Vi använder kakor för att göra LingQ bättre. Genom att besöka sajten, godkänner du vår cookie-policy.


image

Mga Piyesta ng Filipino (Filipino Holidays), 3: Huwebes Santo (Maundy Thursday)

3: Huwebes Santo (Maundy Thursday)

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... ... ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica.

Alam niyo ba kung ano ang Huwebes Santo?

Ito ang Huwebes bago ang Linggo ng Pagkabuhay, at kabilang ito sa Semana Santa.

Ayon sa Bibliya, ito ang araw kung kailan naganap ang Paghuhugas ng Paa at Huling Hapunan ni Hesus.

Dahil karamihan sa mga Pilipino ay Katoliko, isa ito sa mga pinakamahalagang araw sa bansa.

Sa lesson na ito malalaman natin kung paano nagninilay ang mga Pilipino sa panahong ito ...

- Alam niyo ba kung bakit tuwing Huwebes Santo, halos walang kotseng dumadaan sa pinakatrapikong kalye sa Maynila?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito.

Sa araw na ito ipinagdiriwang ang huling misa bago ang Pasko ng Pagkabuhay.

Ang misang ito ay mahalaga sapagkat nakapaloob rito ang pagsasadula ng Paghuhugas ng Paa ng mga Apostol kung saan ang pari, bilang Hesus, ang maghuhugas ng mga paa ng mga lay minister, bilang mga apostol.

Sa misang ito rin makikita ang unang pagtatatag ng Eukaristiya ayon sa Huling Hapunan sumunod sa prusisyon ng Santisimo Sakramento.

Dahil ito ang simula ng Pasyon ni Hesukristo, may iba't ibang paraan ng pagninilay ang mga Pilipino.

Sa araw na ito, maraming Pilipino, lalo na ang kabataan mula sa Metro Manila na nagsasagawa ng prusisyon.

Sila'y naglalakad ng mahigit kumulang na 25 kilometro paakyat ng bundok patungo sa Antipolo Church.

Ang isa pang paraan na pagninilay at pagalala sa paghihirap ng Panginoon ay ang tradisyon ng Visita Iglesia.

Ang Visita Iglesia ay madalas ginagawa kasama ang pamilya sa gabi ng Huwebes Santo.

Dito, bumibisita ng pitong simbahan ang mga tao habang dinadasal ang Daan ng Krus.

Ang dasal na ito ay naglalarawan ng mga pangyayari sa Pasyon o ang huling oras ni Hesus sa labing-apat na estasyon ng krus ...

(Sa mga araw ng Huwebes Santo) Tuwing Huwebes Santo, kaunti lamang ang mga establisiemento na bukas.

Pati ang mga channel sa telebisyon ay kaunti lamang ang pinapalabas.

Kaya naman maraming Pilipino ang gumagamit sa panahong ito upang maging mas malapit sa kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pananatili sa kani-kanilang mga tahanan.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina.

- Alam niyo ba kung bakit tuwing Huwebes Santo, halos walang kotseng dumadaan sa pinakatrapikong kalye sa Maynila?

Dahil ito sa ang Huwebes Santo ang simula ng magkakasunod na araw na walang pasok sa trabaho o opisina kung kaya madalas umuuwi ng probinsya o kaya ay nagpupunta ang mga tao sa ibang bansa upang magbakasyon.

Dahil dito, kaunti lamang ang nananatili sa Maynila sa panahong ito.

Kamusta ang lesson na ito?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan?

Anu-ano ang mga karaniwan niyong ginagawa sa panahon ng Semana Santa?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson!

3: Huwebes Santo (Maundy Thursday) 3: Gründonnerstag Holy Thursday 3: Jueves Santo

- Gusto mo bang magsalita ng totoong Filipino mula sa unang aralin? - Do you want to speak real Filipino from the first lesson?

- Mag-sign up para sa iyong libreng panghabambuhay na account sa FilipinoPod101.com ... ... ... - Sign up for your free lifetime account at FilipinoPod101.com ... ... ... ...

Hello sa inyong lahat, ako si Erica. Hello everyone, I'm Erica.

Alam niyo ba kung ano ang **Huwebes Santo**? Do you know what Holy Thursday is?

Ito ang Huwebes bago ang Linggo ng Pagkabuhay, at kabilang ito sa Semana Santa. It is the Thursday before Easter Sunday, and it belongs to Holy Week.

Ayon sa Bibliya, ito ang araw kung kailan naganap ang Paghuhugas ng Paa at Huling Hapunan ni Hesus. According to the Bible, this is the day when Jesus' Feet Washing and Last Supper took place.

Dahil karamihan sa mga Pilipino ay Katoliko, isa ito sa mga pinakamahalagang araw sa bansa. Since most Filipinos are Catholic, this is one of the most important days in the country.

Sa lesson na ito malalaman natin kung paano nagninilay ang mga Pilipino sa panahong ito ... In this lesson we will learn how Filipinos meditate during this time...

**- Alam niyo ba kung bakit tuwing Huwebes Santo, halos walang kotseng dumadaan sa pinakatrapikong kalye sa Maynila?** - Do you know why every Maundy Thursday, almost no cars pass through the busiest street in Manila?

Sasabihin namin ang sagot sa katapusan ng video na ito. We will tell the answer at the end of this video.

Sa araw na ito ipinagdiriwang ang huling misa bago ang Pasko ng Pagkabuhay. On this day the last mass before Easter is celebrated.

Ang misang ito ay mahalaga sapagkat nakapaloob rito ang pagsasadula ng Paghuhugas ng Paa ng mga Apostol kung saan ang pari, bilang Hesus, ang maghuhugas ng mga paa ng mga lay minister, bilang mga apostol. This mass is important because it contains the dramatization of the Washing of the Feet of the Apostles where the priest, as Jesus, will wash the feet of the lay ministers, as the apostles.

Sa misang ito rin makikita ang unang pagtatatag ng Eukaristiya ayon sa Huling Hapunan sumunod sa prusisyon ng Santisimo Sakramento. In this mass we can also see the first establishment of the Eucharist according to the Last Supper following the procession of the Blessed Sacrament.

Dahil ito ang simula ng Pasyon ni Hesukristo, may iba't ibang paraan ng pagninilay ang mga Pilipino. Since this is the beginning of the Passion of Jesus Christ, Filipinos have different ways of meditating.

Sa araw na ito, maraming Pilipino, lalo na ang kabataan mula sa Metro Manila na nagsasagawa ng prusisyon. On this day, there are many Filipinos, especially the youth from Metro Manila who conduct the procession.

Sila'y naglalakad ng mahigit kumulang na 25 kilometro paakyat ng bundok patungo sa Antipolo Church. They walked for more than 25 kilometers up the mountain to the Antipolo Church.

Ang isa pang paraan na pagninilay at pagalala sa paghihirap ng Panginoon ay ang tradisyon ng Visita Iglesia. Another way to reflect and remember the suffering of the Lord is the tradition of the 'Seven Churches Visitation'.

Ang Visita Iglesia ay madalas ginagawa kasama ang pamilya sa gabi ng Huwebes Santo. The Seven Churches Visitation is often done with the family on Holy Thursday night.

Dito, bumibisita ng pitong simbahan ang mga tao habang dinadasal ang Daan ng Krus. Here, people visit seven churches while praying the Stations of the Cross.

Ang dasal na ito ay naglalarawan ng mga pangyayari sa Pasyon o ang huling oras ni Hesus sa labing-apat na estasyon ng krus ... This prayer describes the events of the Passion or the last hour of Jesus in the fourteen stations of the cross.

(Sa mga araw ng Huwebes Santo) Tuwing Huwebes Santo, kaunti lamang ang mga establisiemento na bukas. (On the days of) Every Maundy Thursday, very few establishments are open.

Pati ang mga channel sa telebisyon ay kaunti lamang ang pinapalabas. Even the television channels are showing very little.

Kaya naman maraming Pilipino ang gumagamit sa panahong ito upang maging mas malapit sa kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pananatili sa kani-kanilang mga tahanan. That's why many Filipinos use this time to be closer to their families by staying in their homes.

At ngayon, ibibigay ko na ang sagot sa tanong kanina. And now, I will give the answer to the question earlier.

**- Alam niyo ba kung bakit tuwing Huwebes Santo, halos walang kotseng dumadaan sa pinakatrapikong kalye sa Maynila?** - Do you know why every Maundy Thursday, almost no cars pass through the busiest street in Manila?

Dahil ito sa ang Huwebes Santo ang simula ng magkakasunod na araw na walang pasok sa trabaho o opisina kung kaya madalas umuuwi ng probinsya o kaya ay nagpupunta ang mga tao sa ibang bansa upang magbakasyon. Because this Holy Thursday is the beginning of consecutive days without work or office, even if they usually go home from the province or people go abroad for vacation.

Dahil dito, kaunti lamang ang nananatili sa Maynila sa panahong ito. Because of this, only a few remain in Manila during this period.

Kamusta ang lesson na ito? How was this lesson?

May interesanteng bagay ba kayong natutunan? Did you learn something interesting?

Anu-ano ang mga karaniwan niyong ginagawa sa panahon ng Semana Santa? What are the things you usually do during Holy Week?

Mag-iwan kayo ng kumento sa FilipinoPod101.com. Leave a comment on FilipinoPod101.com.

Hanggang sa susunod na lesson! Until the next lesson!